This is the last! Thank you sa paghihintay at pagbabasa hanggang sa huli! Please support my other works too! Thank you! Aishiteru! :*
May you love the ending,'coz I do.
Enjoy! :)
sorry for all the typos and grammatical errors. I'm not a professional one but I'll try my best to improve my works!
-------
Akala ko iba siya.
Akala ko hindi niya ako sasaktan.
Akala ko ako lang ang mamahalin niya.
Kami lang ng mga anak namin.
Pero mali pala ako.
Dahil sa nakikita ko ngayon,sarap na sarap siya sa step sister kong si Victoria.
Nanlalabo man ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang mga luha at halos madurog ako ay pinili kong huwag gumawa ng ingay. Maingat kong isinara ang pinto at dahan dahang naglakad paalis doon.
Halo-halong ideya ang pumapasok sa isip ko. Anong gagawin ko ngayon? Paano ang mga anak namin? Paano niya nagawa sa akin iyon? Hindi pa ba ako sapat? Saan ako nagkulang? May mali ba sakin? B-Bakit?
Dahil sa kakaisip ay hindi ko namalayan na nakarating na ko sa palasyo namin. Hanggang sa pagpasok ko ay tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa pisnge ko. Pinunasan ko ito at bumuntong hininga. Dumiretso ako sa kwarto ng mga anak ko at tumambad sa akin ang hitsura nilang tulog. Isasara ko na sana ang pinto nang biglang gumising ang apat na taong si Allicia.
"Mama."
Nawala ng panandalian ang sakit sa puso ko ng marinig ang boses niya. Pumihit ako paharap at lumapit sakanya, niyakap ko siya ng mahigpit. Habang lumalaki ang mga anak ko ay nagiging kamukha na nila ang tatay nila. Maski si Allicia ay namana ang mga mata ni Clint. Si Jacob lang ata ang kamukha ko sakanilang apat.
"Bakit gising ka pa?"
"Nandiyan na po ba si papa?"
Halos mawalan ako ng hininga sa tanong niya. Nanikip ang dibdib ko at nagsisimula na namang mamuo ang mga luha ko. Pinilit kong ngumiti at sinagot siya.
"Wala pa siya anak 'e, pero baka mamaya nandito na siya."
Nagkatitigan kami ng anak ko at ramdam kong parang pinapasok niya ang kaluluwa ko. Para bang tinatantiya ang nararamdaman ko ngayon. Napaiwas ako ng tingin at binuhat siya pabalik sa kama niya, sa tabi ng kanyang mga kapatid.

BINABASA MO ANG
The Psycho
Mystery / Thriller[BASED ON THE TRUE STORY OF CINDERELLA] Aia Aloha Bermudez, the orphan. The good, the innocent, an angel. A girl who turns into a psychopath.