I'm a daddy's girl and I'm sure of that. Bata pa lang ako close na kami ni ama. Kung papipiliin ako, siya ang pipiliin ko. Madalas kaming magkasama, magkalaro, at iba pa. Siya rin ang madalas na nagpapasaya sa akin. Ang mga pangaral niya ay hinding hindi ko malilimutan. Ngayon na wala na siya, tanging sa larawan ko na lang siya makikita. Ang kanyang ngiti, mukha, at sarili. Hanggang sa panaginip ko na lang rin siya makakasama dahil wala na siya ngayon sa tabi ko. Siya na lang yung natira sa akin, nawala pa. Hindi pa ako handa, kailangan ko pa nang gabay niya. Pero bakit iniwan na niya agad ako? Madaya si ama, sabi niya di niya ko iiwan. Pero ngayon, wala siya para damayan ako.
Ilang oras na ang nakalipas nang matapos ang libing ni ama. Nagsi-alisan na ang mga panauhin at aking madrasta kasama ang kanyang anak. Kahit madilim na ay hindi pa rin ako umalis sa higanteng bato na pinaglibingan ni ama. Ang kinalalagyan nang bato ay di kalayuan sa aming palasyo. Hindi ako matigil sa kaiiyak habang nakasandal sa bato. Naramdaman kong para akong nababasa kaya tumingala ako. Umuulan pala, ang kalangitan ay 'sing dilim nang nararamdaman ko ngayon. Para akong dinadamayan sa aking pagdadalamhati.
Ilang oras ng ang lumipas at madilim na talaga ang paligid. Nagpasya na akong tumayo at umalis sa lugar na iyon. Humalin muna ako sa bato bago tuluyang lumisan. Pagdating ko sa palasyo kakaibang aura ang sumalubong sa akin, ang dating kasiglahan nang aming nasasakupan, biglang nag-iba. Tahimik ang buong paligid, noon kase kada-gabi ay lagi silang nagsasayawan. Ngayon, kahit huni nang ibon ay hindi marinig, tanging ang pagbagsak lang nang ulan sa lupa at sa mga bubong nang mga kabahayan.
Pagkapasok ko sa palasyo ay madilim ang looban, ang mga kasambahay din ay wala, baka tulog na. Nagpasya na lang akong umakyat sa kwarto upang magpalit. Pagbukas ko sa pinto ay bumungad sa akin ang madrasta ko kasama ang anak niya, nilalabas ang lahat ng gamit ko.
"Anong ginagawa niyo sa kwarto ko?"
Napatigil sila sa kanilang ginagawa marinig ang boses ko. Napatayo nang matuwid si Victoria at napalunok nang humarap sa akin. Kumapit siya sa ina niya na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin ngayon. Lumapit ako sa mga gamit ko na nagkalat at isa-isa ay pinulot ito.
"Anong ginagawa niyong mag-ina sa kwarto ko?"
"Mula ngayon, hindi na sa iyo Aia. Kay Victoria na ito at matutulog kana lang sa tulugan nang mga alipin."
Literal na nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Lumapit ako sakanya at tinapon sa harap nya ang mga gamit na napulot ko. Napatalon siya nang dahil doon. Alam kong kinakabahan sila pero pinipilit lang nilang magpaka-tatag.
"Ako pa ang aalis? Kayo ang umalis dito! Hampas lupa kayo! Ang kapal ng mukha mong paalisin ako sa palasyo namin Auntie Vicky!"
"Aba't--!" akmang sasampalin niya ako pero napigilan ko, nasalo ko ang kamay niya.
"Sino ka para paalisin ako?"
"Asawa ako ng ama mo! Ina mo rin ako!"
Dahil sa sinabi niya ay nasampal ko siya, "Kailanman ay hindi ko ipinagpalit ang ina ko sa katulad mong walang kwenta!"
Sinampal ko ulit siya ngunit sa pangatlong pagkakataon ay naramdaman kong may humila nang buhok ko mula sa likod. Nakita ko si Victoria na hinihila ang buhok ko. Agad kong hinawakan ang kamay niya ay binalibag siya. Umiyak siya nang parang bata dahil sa ginawa ko.
"Huwag kang makialam dito, isip bata kung ayaw mong masaktan."
"Hayop ka! Huwag mong tatawagin na ganyan ang anak ko!"
Biglang sumugod sa akin si Auntie Vicky pero nailagan ko. Tinulak ko siya papunta sa anak niyang nakaupo sa sahig at umiiyak. Parehas silang nakatingin nang masama sa akin ngayon.
"Ang yabang mo Aia! Hintayin mo, ikaw rin ang luluha!"
"Mas mayabang ka, ang kapal mo nga po eh. Biruin mo, pinapaalis moko sa mismong palasyo namin? Ang kapal mo po talaga."
"Hayop ka talagang bata ka! Hindi marunong mag-alaga ang walang kwenta mong ina!"
"Anong sinabi mo? Bawiin mo yan."
"Walang kwenta ang ina mo! Walang----!"
Hindi ako nakapagtimpi at mabilis kong sinipa ang kanyang mukha. Mabilis naman na dumugo ang kanyang ilong. Napasigaw ang anak niyang isip bata.
"I-Ina! Bakit mo sinasaktan ang ina ko!"
Hindi ko siya pinansin at hinila ang buhok nang nanay niya. Tinignan ko siya nang puno ng galit ang mukha.
"Huwag na huwag mong mabanggit banggit dito ang ina ko. Lamang na lamang siya sayo, tandaan mo yan."
Pabagsak kong binitawan ang kanyang buhok. Iiwan ko na sana sila at lalabas na nang biglang may pumasok na limang lalakeng nakaitim at sinuntok ako sa tiyan. Sa bilis nang pangyayari ay hindi agad ako nakapag-salita. Nagising na lang ako na nasa isang madilim na kwarto ako, at nakatali ang mga kamay at paa ko habang naka-upo sa isang upuan. Tanging bombilya lang ang nagbibigay liwanag sa buong paligid. Pati ang bibig ko ay may takip.Ilang saglit pa ay lumabas mula sa kung saan ang mga limang lalake pati na ang mag-ina.Sobrang sama pa nang tingin sa akin ni Auntie Vicky.Lumapit siya akin ay hinawakan ang mukha ko.Pilit ko itong iniiwas sakanya,tinignan ko siya nang masama.
"Pakawalan moko dito!" sambit ko sa likod nang nakatakip sa bibig ko.
"Asan ngayon ang tapang mo? Ilabas mo!"
Matapos niyang magsalita ay sinampal niya ako.Sa lakas nang sampal niya ay napaharap pa ako sa kanan ko.Ibinalik ko ang titig ko sakanya, at saka siya tinignan nang mas masama.
"Wala ka na bang kayang gawin bukod sa tignan ako nang masama,prinsesa Aia? HAHAHA!"
Pinilit kong kalasin ang nakatali sa mga kamay ko ngunit hindi ko magawa.Napakahigpit nang pagkakatali na ramdam ko na ang hapdi sa balat ko.Lumayo siya sa akin at humarap sa mga lalake.
"Gawin niyo na kung anong gusto niyong gawin.Basta saktan niyo,huwag niyong papatayin.Parusahan niyo lang dahil binubog ako ang hampaslupa na iyan.Halika kana Victoria,at haharap ka pa sa mga nasasakupan."
Pagka-alis nila ay nakangiti nang nakakaloko sa akin ang mga lalake.Paunahan sa pagkalas sa mga nakatali sa kamay ko.At walang awang binaboy ang katawan ko.
Magbabayad kayo,mga hayop.
![](https://img.wattpad.com/cover/169391107-288-k27856.jpg)
BINABASA MO ANG
The Psycho
Misterio / Suspenso[BASED ON THE TRUE STORY OF CINDERELLA] Aia Aloha Bermudez, the orphan. The good, the innocent, an angel. A girl who turns into a psychopath.