Ilang linggo din ang hinintay namin bago kami ikasal ni Clint. Grabeng pagpapalano ang kanyang ginawa na ayaw pa niya akong patulungin. Ako na mismo ang pumili nang isusuot kong damit. At halos lahat na ay si Clint ang nag-plano. Hanggang sa dumating ang takdang araw na ikakasal na kami. Naramdaman ko ang grabeng kaba sa buong buhay ko. Pagkabukas nang pinto ay halos malaglag ang puso ko sa dami nang tao sa loob. Nakita ko rin na narito ang madrasta ko pati na si Victoria. Si Clint na mismo ang nag-imbita sakanila kahit pa medyo hindi ko gusto na makita sila sa pinaka-espesyal na pangyayari sa buhay ko. Natapos ang kasal na sobrang saya ko. Sa sobrang saya ay napaiyak ako nang hindi ko inaasahan.
Ilang buwan ang nakalipas nang mapansin kong medyo mainitin ang ulo ko. Madalas kong napagiinitan si Clint sa lahat nang bagay na ginagawa niya. Lumipat na rin kami sa palasyong pagmamay-ari niya, malayo sa kanya-kanya naming pamilya. Sa loob nang dalawang buwan ay nanibago ako sa sarili ko. Hindi na rin ako dinatnan kaya napag-isipan kong magpakonsulta sa doktor nang hindi alam ni Clint. At ang nasa isip ko ay tama, buntis ako nang limang linggo. Umuwi ako nang may ngiti sa labi at ibinalita ito sakanya. Sa gulat at saya niya ay nabuhat pa niya ako at napaiyak pa siya. Nagpasya kami na ipaalam ito sa mga magulang namin, lubos na saya ang naramdaman nila. Maski kami ni Clint, inisip na agad namin ang masayang kinabukasan nang magiging anak namin.
Naging mahirap ang pagbubuntis ko, lihim akong kumakain nang mga ligaw na pusa dahil ito ang hinahanap nang katawan ko. Madalas ko ring maaway si Clint dahil talagang mainit ang ulo ko sakanya. Regular ang pagkunsolta namin sa doktor. Nalaman naming hindi lang isa ang dinadala ko, hindi dalawa, kundi apat. Alam kong mahihirapan ako pero alam ko ring worth it ang paghihirap ko dahil anak ko naman sila.
Dumating ang araw na manganganak na ako. Kilala ko si Clint, mahinang siyang tao at laging handa. Ngunit nang ako ay halos mamatay na sa sakit dahil manganganak na ay halos mahimatay din siya. Noon ko lang siya nakitang mag-panic nang husto. Kahit ganon ay nadala niya pa rin ako sa hospital. At doon,i sinilang ko ang apat naming anghel. Tatlong lalake at isang babae. Sina Jacob, Louise, Darryl, at Allicia.
Lubos na saya at sakit ang naramdaman ko nang maisilang ko silang apat. Mas lalo na si Clint na binuhat silang lahat at hinalikan. Isang araw lang ang itinagal ko sa hospital at umuwi na rin kami. Bumisita roon ang magulang ni Clint na naiyak pa sa mga bata. Kinailangan ko namang mag-wheel chair dahil sa sakit. Sunod naman na dumating sina Auntie Vicky at Victoria. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakitaan ko si Vicky nang pagiging totoo sa mga bata.Sinubukan niya ring buhatin silang lahat. Kahit pa may galit ako sakanila ay pinagbigyan ko pa rin silang makita ang mga anak ko.
Ilang taon ang lumipas, at nasilayan na rin namin ang unang hakbang nila. Batid kong ang nakaraang mga taon ay sobrang hirap dahil may minsan pang sabay-sabay silang umiiyak at na-blangko pa ako. Naging matatag naman si Clint at kinaya niya ang pag-aalaga sakanila. Ngayon, ang makita silang sabay-sabay na unti-unting naglalakad ay sobrang nakakataba lang nang puso. Ang ilang gabi naming pagpupuyat ay napalitan.
Ilang taon ulit at mabilis na lumaki ang mga anak namin. Naging mas makulit na sila ngunit napansin ko na mahinhin si Allicia, samantalang ang tatlo namang lalake ay ubod nang kulit. Ngayon ay ilang linggo nang wala si Clint at mag-isa ko lang na kasama ang mga anak ko. May inaasikaso kase siya ukol sa magiging estado nang mga anak namin. Matapos kong patuligin silang lahat ay napagpasyahan kong pumunta sa palasyo nila mama dahil doon inaayod ni Clint ang lahat. Bago ko iniwan ang mga anak ko ay hinalikan ko muna sila sa noo. Pinabantayan ko sila sa kasambahay mag-isa kong tinahak ang daan papunta doon.
Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang hindi lamigin. Ang sweater at balabal na suot ko ay hindi pa rin sapat. Hindi pa naman masyadong malalim ang gabi at maliwanag naman ang daan kaya panigurado akong ligtas ako. Pagkadating ko doon ay ikinabigla nila ang pagdating ko. Sinabi kong pakay ko si Clint ngunit ang sabi nila ay wala roon. Mas nagtaka pa ako nang nakila Auntie Victoria. Ano namang ginagawa niya doon? Nagpa-alam ako sakanila at halos takbuhin ang daan patungo doon. Hinihiling ko na ang ideyang pumapasok sa isip ko at hindi totoo. Hindi magagawa iyon ni Clint sa akin. Mahal niya ako at may mga anak kami. Hindi naman sinabi nila mama kung anong ginagawa niya doon.
Papalapit pa lang ako ay naalala ko ulit ang mga pangyayari noon na pilit ko nang kinalimutan. Habang palapit sa palasyo ay hindi ko maiwasang hindi maluha sa hindi malamang dahilan. Kinakabahan na rin ako at hindi ko alam kung bakit. Kumatok ako sa pinti at binuksan ito. Walang taong bumungad sa akin. Tahimik ang buong sala pati na rin ang kusina. Nagpasya na lang akong tumaas. Hindi ko na sinubukang mag-ingay para masiguro kung tama ba o mali ang iniisip ko.
Pinili kong pasukin ang dating kwarto ko na kwarto na ngayon ni Victoria. Dahan-dahan kong pinilit ang door knob. Sa bawat segundo na bumubukas ang pinto ay mas lalo pa akong kinakabahan. Nang tuluyan nang bumukas ang pinto ay tumamabad sa akin ang hindi ko inaasahang makikita ko.
Hubad na nakapatong si Clint kay Victoria.
"C-Clint, p-paano mo nagawa sakin t-to?"
BINABASA MO ANG
The Psycho
Mystery / Thriller[BASED ON THE TRUE STORY OF CINDERELLA] Aia Aloha Bermudez, the orphan. The good, the innocent, an angel. A girl who turns into a psychopath.