Tahimik akong nakatayo kasama ang ibang mga kababaihan habang naghihintay sa tamang oras na dadating ang prinsipe. Kita ko mula sa pwesto ko si Vicky at si Victoria na halatang sabik na sabik na rin. Sinugurado kong hindi nila ako nakikita dahil baka pagalitan pa ako. Panigurado naman na hindi nila ako makikita dahil sa dami namin na narito ngayon na naghihintay sa prinsipe. At aaminin ko, awang awa ako sa sarili ko. Kitang kita na hindi ako nababagay dito kahit pa nakasuot ako ngayon nang magarang damit. Kanina nga ay marami akong nakasalubong na kaibigan ko noon na prinsesa rin.
"Aia? Aia! Kamusta kana? Tagal na nating di nagkita, ah?"
"Ayos naman ako."
"Nabalitaan ko nga pala na hindi na ikaw ang namumuno sa inyo, ang kapatid mo na."
"Hindi ko iyon kapatid."
"Tama ka, hindi mo siya kapatid kase hindi na kayo parehas ngayon. Maharlika na ang buhay niya samantalang ikaw, pang-basahan na lang. Sige magpakasaya ka ngayong gabi! Masaya akong makita ka."
Kung wala lang talagang nakatinging tao sa amin kanina, dinukot ko na ang mga mata nang isang hipokritang iyon. Akala ko tinuturing akong kaibigan dahil kahit papaano ay may pinagsamahan naman kami, pero wala. Ang kapal nang mukha na pagsabihan ako. Humanda siya sa akin mamaya, pagkatapos nang gabing ito ay hindi na siya sisikatan nang araw.
Limang minuto matapos ang paghihintay ay bumaba ang hari mula sa kanilang engrandeng hagdan. Naamoy ko na mula sa kinatatayuan ko ang kanyang tinataglay na yaman. Nagsusumigaw nang karangyaan ang kanyang awra at ang kanyang suot. Agaw pansin din ang kanyang korona na gawa sa pinaghalong ginto at silver. May mga diamante din itong taglay. Bumaba ang hari nang may nakasilay na malaking ngiti sa labi. Pagkababa ay huminto siya sa gitna.
"Magandang gabi sa inyong lahat, lalo na ang pinaka-espesyal ba bisita dito, ang mga mahal na prinsesa. Ngayong gabi ay araw kung saan tumuntong na sa tamang edad ang aking pinakamamahal na anak upang mahanap ang kanyang magsisilbing prinsesa. Inanyayahan ko kayo upang matulungan ang aking anak sa paghahanap. At kung sino man ang kanyang mapili, ay malugod kong tatanggapin sa aking palasyo. Siya ang pinili nang aking anak, at may tiwala naman ako dito. Nais ko na magsama na sila nang ganon ay may kasalan nang maganap. Dahil ako ay hindi bumabata, kundi tumatanda. Nais ko sanang hangga't buhay pa ay magkaroon na ako nang apo. Upang maligaya kong lisanin ang mundo. Muli, magandang gabi sa inyong lahat!"
Nagpalakpakan ang mga narito pati na rin ako dahil sa mahabang salita nang hari. Kita ko sa mga mata nya ang saya at pagkagusto na magkaroon nang apo. Pinunasan niya ang kanyang pisnge dahil tumulo ang hindi inaasahang luha. Sigurado akong ang luhang ito ay dulot nag lubos na kasiyahan.
"Malugod kong ipinapakilala,ang aking pinakagwapo, pinakamabait, at pinakamamahal na anak, Clint Felix Mercedes!"
Napatahimik ang lahat kasama na ako nang lumitaw ang prinsipe at magsimulang maglakad pababa. Sa hindi inaasahan ay nagtama ang mga mata namin. Batid kong pinamulahan ako nang pisnge kaya nag-iwas agad ako. Pagkababa niya ay doon pa lamang nagsimulang umingay at pumalakpak ang mga tao, nanahimik lang ako. Nakamamangha ang taglay niyang kagwapuhan, na para bang pinakatatangi siya sa mundong ito. Hindi lang ako ang namangha, lahat nang tao dito ay alam kong bumilib sa taglay niyang kagwapuhan. Marami na akong nakilalang mga prinsipe na gwapo rin ngunit, naiiba siya. Kung ako ang tatanungin, pumapantay siya kay Adore, ang asawa ni Daisy. Sa bagay, may hitsura din naman ang kanyang ama, hindi na nakakapagtaka.
"Magandang gabi po sa inyong lahat."
Boses niya pa lang, nakakaakit na. Inosenteng inosente ang kanyang boses pati na rin ang kanyang aura. Nakangiti siya nang matamis at hindi ko na muling nahuli na tumingin sa akin. Tahimik lang ang lahat at hinihintay siyang ipagpatuloy ang kanyang sasabihin.
"Lubos akong nagagalak dahil pinaunlakan niyo ang inbitasyon ni ama. Masaya rin ako dahil narito kayo sa aking kaarawan. Hindi ko na ito patatagalin pa, sisimulan ko na ang paghahanap."
Tumingin siya sa kanyang ama. Sabay silang nagtanguan. Nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat. Ang mga babaeng nasa harap ko ay kilig na kilig kanina pa dahil anito'y sakanya daw nakatingin kanina si Clint. Hindi na siya mapakali at sabik na sabik na mapili ni Clint. Hindi umalis sa pwesto ang mga babae dahil ani ni Clint, isasayaw niya isa-isa ang nga babaeng narito nang panandalian lang upang maisayaw ang lahat. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at kinabahan ako sa sinabi niya. Agaran akong umalis sa pwesto ko at napalabas. Hawak hawak ko ang dibdib ko dahil ang lakas nang tibok nang puso ko. Ano bang nangyayari sakin?
Nagpasya akong sa labas na lang pumirmi dahil mula naman dito ay kita ko si Clint na masayang isinasayaw isa isa ang mga prinsesa. Para bang nanikip ang dibdib ko sa paraan nang pag-ngiti niya sa mga ito. Hindi ko nakaya nang panoorin kaya tumalikod na lang ako at pinagmasdan ang kanilang napakagandang hardin. Huminga ako nang malalim at naisipang humarap upang makita kung ano na ang nangyayari sa loob. Pagkaharap ko ay nabigla ako dahil nauntog ako sa dibdib nang kung sinong tao na nasa harap ko.
"Ano ba! Nakaharang ka kase eh!"
Hinimas-himas ko pa ang noo kong magkakabukol yata bago tumungala upang tignan kung sino ito. Muntik na akong mapa-atras nang mapagtantong ang prinsipe ang nakabanggan ko! Lagot, nasungitan ko pa! Mabilis na namuo ang pawis sa noo ko na nawala agad ang sakit dahil sa kaba. Agad akong yumuko upang magbigay galang sakanya.
"M-Magandang g-gabi po prinsipe C-Clint,pasensya na po sa inasal ko. Pasensya na."
Nakayuko lang ako habang nagsasalita. Hindi ko magawang tignan siya dahil nahihiya ako! Gusto ko na lang na bumaon sa sahig sa sobrang hiya ko dito! Huhu, mukhang gulo na naman ito. Baka isumbong niya ako kay Vicky! Malalaman nila na na nan-
"Ang ganda mo ngayon, Aia. Ikaw ang pinipili ko."
"H-huh?"
Agad akong napatingala dahil sa sinabi niya. Alam kong kinilig ako sa sinabi niya ngunit naguguluhan ako. Baka naman niloloko niya lang ako? Baka trip lang niya ako. Baka naman biro lang dahil mukha na akong takot na takot. Baka gusto niya lang akong patawanin.
"A-Anong sinabi mo? E-ste, mahal na prinsipe, ano pong sinabi niyo?"
"Ang ganda mo, ikaw ang pinipili ko."
"T-Teka,hindi ko maintindihan kung-"
Naputol ang sasabihin ko nang Lumapit siya lalo sa akin at bumulong sa tenga ko.
"Ang ganda mo ngayon prinsesa Aia, at ikaw ang pinipili ko upang maging prinsesa ko."
BINABASA MO ANG
The Psycho
Mystery / Thriller[BASED ON THE TRUE STORY OF CINDERELLA] Aia Aloha Bermudez, the orphan. The good, the innocent, an angel. A girl who turns into a psychopath.