Masayahin si ina, at napakagaling pang mag-alaga. Maayos din siya sa mga bagay bagay at maingat pa. Lagi niyang sinasabi sa akin noon na ingatan lahat nang mga bagay na pag-aari ko, mapa mahal man ako mura lang. Dahil kahit kailan, hinding hindi na ito maibabalik kung sakaling ito ay masira. Konting taon ko lang siyang nakasama,at bigla ay nawala na. Dahil sa kagustuhan kong matuto noon, ipinahamak ko ang sarili kong ina. Miss na miss ko na siya, ang boses niya at mga paalala. Kung hindi lang talaga ako lumabas, siguro ay hanggang ngayon magkasama pa kami. Kumpleto pa ang pamilya ko.
Bumaba ako upang kumain nang umagahan. Nakangiti akong sinalubong ni ama, samantalang ang kaniyang bagong asawa,ay patagong inirapan ako. Ang stepsister ko naman ay hindi napansin ang pagdating ko at diretso lang sa pagkain. Umupo ako sa katabing upuan ni ama, sa tapat ng aking step mother. Tahimik lang akong kumakain nang bigla siyang magsalita.
"Aia, tinanghali ka na naman gumising. Ganyan ba dapat ang susunod na mamumuno ng kaharian? Dapat ay laging maaga at handa."
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil alam ko na kung anong nais niyang sabihin. Mula nang iuwi siya dito ni ama, kasama ng kanyang anak, alam ko nang ubod ng sama ang kanilang ugali. Pero kahit ganon ay hindi na ako umangal, mahal siya ni ama at siya ang kasiyahan nito. Kahit pa kasal na silang dalawa, ako pa rin ang pinili na ama na mamumuno kung sakaling siya ay pumanaw. Hindi sang-ayon dito ang pangalawang asawa ni ama, dahil ramdam ko na nais niya ang anak niya.
"Arturo, pagsabihan mo ang anak mo. Hindi pwedeng ganyan iyan. Mabuti pa itong anak ko, mabait, masipag, maagang gumigising. Kayang kaya niya ang trabaho ng isang pinuno, diba anak?"
Kahit isang dapo lang ng tingin sakanila ay hindi ko ginawa. Pati si ama ay hindi na lang umimik at kumain na lang. Mas binilisan ko na lang ang pagkain upang makapag-handa na sa aking pagsasanay. Tumayo ako nang matapos at nagpa-alam kay ama. Habang paalis ako ay dumada na naman ang aking step mother.
"Pagsabihan mo yang anak mo, Arturo! Lumalaking bastos! Hindi niya tularan ang anak kong si Victoria! Napakabait!"
Napaikot na lang ang mga mata ko. Lagi niya na lang akong pinupuna, kahit pa wala akong pake sakanilang mag-ina. Sila nga, ordinaryong tao lang noon. Pero napangasawa lang ang ama ko, nag-ugaling reyna na rin. Mabait ako sa mabait na tao, pero kung masama sila sa akin, demonyo naman ako sakanila. Hindi ako magpapa-api, isa iyon sa turo sa akin ni ina.
Mabilis lang ang paghahanda ko. Matapos kong ayusin ang sarili ay bumaba na ako at nagtungo na sa kulungan ng mga kabayo. Nakapag-paalam na ako kay ama kaya diretso alis na lang ako. Matapos piliin ang paborito kong kabayo ay mabilis ko na itong pinatakbo. Limang minuto ang itinagal nang biyaje bago ako nakarating sa pupuntahan ko. Bumaba ako sa kabayo at itinali ito sa isang puno katabi nang maraming damo. Nilakad ko ang distansya dahil malapit lang naman. Pagkadating ko ay naghihintay na ang dakila naming mamamana at ang iba pa na dalubhasa sa pakikidigmaan.
"Magandang araw, mahal na prinsesa."
Yumuko sila matapos akong batiin. Nagbigay galang din ako sakanya at sa iba pa niyang mga kasama.
"Magandang araw rin po. Pasensya na, medyo nahuli."
"Ayos lang po, tara at mag-umpisa na tayo."
Ang buong araw ko ay ginugol ko sa pag-eensayo para mapagaling pa ang abilidad ko sa pakikipaglaban. Bawat tira, hampas, at palo ko, dinededikasyon ko sa ina ko. Ginagawa ko siyang inspirasyon para mas mapabuti pa ang kakayahan ko. Ilang taon ko na rin itong ginagawa, at hindi ko pa masasabing handa na ako. Sa tuwing naalala ko ang nangyari noon, umaatras ako. Hindi ko pa kanyang harapin ang bukas dahil tila nakulong pa ako sa dilim nang kahapon.
Nang matapos ang pag-eensyo at nag-hapon na ay nagpa-alam na ako. Nagpahinga muna ako nang kaunti sa ilalim nang puno kasama ang aking alagang kabayo. Nagpasya na rin akong umuwi dahil dumidilim na. Pagdating ko sa palasyo ay bumungad agad sa akin ang step mom ko at ang step sister ko. Nakataas pa ang kilay nang madrasta ko. Nangangamoy sermon na naman.
"Lagi ka na lang ginagabi sa pag-uwi. Saan ka ba nagsusuot at lagi ka na lang wala buong araw sa palasyo?"
Tinignan ko lang sila at nilampasan lang. Pagod ako ngayon at wala akong panahon para sa sermon nila. Iilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang biglang hablutin niya ang aking braso. Sa inis ko ay hinawi ko ito nang malakas.
"Mawalang galang na po, ano bang kailangan mo sakin?"
"Aba't! Ang ama mo ay may sakit! Umakyat ka doon sakanyang kwarto dahil kanina pa hanap nang hanap sayo!"
"A-Ano?"
"Wala na ngang kwenta bingi pa." singit ni Victoria.
Hinarap ko siya, "Huwag kang makialam dito, kami lang nag-uusap."
"Ang kapal----!"
"Shut the fuck up, step sister."
Tinalikuran ko na sila at iniwan. Naligo muna ako bago tuluyang nagtungo sa kwarto ni ama. Pagkabukas ko pa lang sa kwarto niya ay amoy na amoy ko na ang gamot. Sobrang tagal na nang makapasok ako dito. Ngayon lang ulit ako nakapasok dito. Mula nang namatay si ina ay nilayo ko na ang sarili ko kay ama, sa kadahilanang nagsisi ako at humanap siya nang ipapalit kay ina. True love never exists. Lumapit ako sakanya dahil nakahiga lang siya sa kanyang kama na parang hinang hina. Umupo ako sa tabi niya at naluluhang hinaplos ang kanyang puro puting buhok.
"A-Ama, ayos lang p-po ba kayo?"
Hinawakan niya ang kamay ko, "A-A-Anak, ramdam k-ko na hindi n-na ako m-magtatagal."
"Ama naman! Huwag mo sasabihin iyan! Aalagaan po kita. Hihinto po ako sa pag-eensayo. Bukas na bukas ako na po ang mag-aalaga sainyo."
"A-Anak, patawad dahil hindi ko agad sinabi sa iyo ang nararamdaman ko. Ayoko lang na mag-alala ka."
"Ama naman eh, dapat sinabi niyo. Kailan pa ito nagsimula?"
"Hindi ko alam anak, basta't simula nang dumating ang mama Vicky mo, unti-unti na akong nanghihina. Siya lang ang nag-aalaga sa akin. Pumayag naman ako dahil ayokong mag-alala ka."
"A-Ama---"
"Anak, mahal na mahal kita, kayo nang mama mo. Huwag mong isipin na pinalitan ko siya sa puso ko dahil hindi anak. Akala ko kailangan mo nang ina kaya't naghanap ako nang mapapangasawa. Pero mali pala ako, dahil kinaya mo anak. Ngayon, panigurado ako na kakayanin mo kahit wala ako."
"Ama! H-Huwag ka magsalita nang ganyan! Mabubuhay ka pa! G-Gagaling ka pa!"
"Patawad anak, hindi ko na kaya. Malubha na ang kalagayan ko, hindi na ako magtatagal. Alagaan mo ang sarili mo,pati na ang buong kaharian. Panigurado akong kayang kaya mong pamunuan ito nang maayos."
"Ama... hindi."
"Paalam anak, mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan, nasa tabi mo lang kami nang ina mo."
Ang hawak ni ama ay unti-unting bumitaw. Bumagsak ang kanyang kamay at nakapikit na rin siya.
"A-Ama? Ama, gumising po kayo!"
Kahit anong galaw ko sakanya ay wala na. Hindi na siya gumagalaw.
Ang tanging pamilya ko natira, nawala na rin.

BINABASA MO ANG
The Psycho
Mystery / Thriller[BASED ON THE TRUE STORY OF CINDERELLA] Aia Aloha Bermudez, the orphan. The good, the innocent, an angel. A girl who turns into a psychopath.