Nagdaan ang ilang linggo, buwan, at taon. Unti-unti nang bumabagsak ang kahariang pinaghirapan ni ama at ina. Gustuhin ko mang kumilos, wala akong magawa dahil hindi na ako ang namumuno dito at hindi na rin ako sinusunod nang mga tao. Tanging ang mag-ina na lang ang kanilang kinikilala at nakalimutan na ang aking pamilya. Ang aking mga magulang na minsan nilang minahal at ginalang, ay unti-unti na nilang nakakalimutan. Nagbago na rin sila, kung noon ay masayang nagtratrabaho, ngayon ay bakas sa kanilang mga mukha na hindi nila gusto ang kanilang ginagawa.
Sa nagdaang panahon, patuloy pa rin ako sa paninibilhan sa mag-ina. Patuloy ko pa ring hinahaluan nang kung ano-ano ang kanilang mga pagkain. Naisin ko mang patayin sila ay hindi ko magawa dahil naisipan kong mas maganda kung unti-unti at dahan dahan ang kanilang pagkamatay.
Slowly, but surely.
Naging bihasa na rin ako sa pagkain at pagkatay nang mga hayop. Maski mga ligaw na aso ay isinasama ko na rin sa kanilang mga pagkain. Walang katumbas na saya ang aking nararamdaman sa tuwing nakikita ko ang kanilang mga mukha na sarap na sarap sa pagkaing inihahain ko. Ngayon, nais kong ibahin ang karneng aking gagamitin. Para maiba naman, nais kong pumatay nang tao upang iyon ang gamitin. Plinano ko nang mabuti ang gagawin kong pagpatay kay Leslie, ang babaeng naligaw at naging kasambahay na rin kasama ko. Si Vicky ang nag-desisyon na maging isa siyang kasambahay, at dahil doon ay naging magkaibigan na rin kami.
"Aia, anong iluluto natin para sa mahal na prinsesa at reyna?"
Nagitla ako sa biglaan niyang pagsulpot sa aking kwarto. Kasalukuyan kase akong nananahi nang aking nga damit at nag-iisip na rin nang mga bagay patungkol sa pagpatay sakanya. Dahil sa pagkabigla ko ay natusok ko ang aking hintuturo. Mabilis itong nagdugo na nais ko mang sipsipin ay hindi ko magawa dahil narito si Leslie. Nagulat siya sa nakita niya at agad na lumapit sa akin upang gamutin ang aking daliri.
"Ayos ka lang?"
"Ayos lang ako, Les. Pumunta kana lang sa basement at kunin ang pinakamalaking kaldero doon at iba pang kagamitan. Ayos na ako dito, susunod na lang ako."
"Sigurado ka?"
"Uhm. Sige na-"
"Para saan nga pala yung mga malalaki na iyon? Di pa ba sapat ang mga kaldero na nasa kusina?"
'Daming satsat, bwiset.'
"Panigurado kase na masasarapan sila sa iluluto ko mamaya."
"Ikaw lang? Pati rin kaya ako!"
'Tanga, ikaw iluluto ko, paano ka makakaluto?'
Tumango na lang ako para maka-alis na siya. Ilang minuto bago siya tuluyang maka-alis. Parang uhaw na uhaw kong sinipsip ang dugo sa aking daliri nang mawala siya sa harap ko. Kinuha ko ang itak na hinasa ko mula pa kagabi at ang patalim na gagamitin ko. Inayos ko ang kwelyo nang damit ko at lumabas na sa aking kwarto. Bitbit ko ang bawat yapak ko, na kahit anong mangyari ay hindi dapat ako makagawa nang ingay. Naabutan kong nakabukas ang pinto papunta sa basement kaya hindi na ako nahirapan sa pagpasok. Ang likod ni Leslie ang naabutan ko at tila ba abalang abala siya sa paghahanap. Dahan dahan ay isinarado ko ang pinto at ni-lock ito. Pagkalapit ko sakanya ay agad kong binain ang itak sa kanyang likod. Napatumba siya dahil dito. Nang makita niya ako ay nanlaki ang kanyang mga mata.
"A-Aia, anong g-ginawa mo s-sakin?"
"Uh, sinaksak kita ng itak sa likod? Di' ba halata?"
"N-Nababaliw kana Aia! B-Bakit mo ginawa to s-sakin?"
"Hindi ako baliw! Sadyang matalino lang akong tagaluto at naisipan kong ikaw ang lutuin."
"Tulong-!"
Labag man sa kalooban ko na tapusin agad ang kanyang buhay ay wala na aking nagawa. Kung hahayaan ko pa siyang mabuhay ay may posibilidad na mahuli pa ako at pumalpak ang plano ko. Gamit ang matulis kong itak ay ginilitan ko ang leeg niya. Nangisay siya dahil dito at unti-unti ay nawalan nang buhay. Ang dugo niyang tumalsik sa mukha ko ay nilasap ko gamit ang aking daliri. Dahil sa kasabikan ko ay nadukot ko ang kanyang mga mata gamit ulit ang aking daliri at mabilis itong sinubo. Pinunasan ko ang dugo sa aking labi at ginawa na ang aking trabaho.
Inuna kong huwain ang kanyang mga kamay at paa. Nahirapan pa ako dahil sa kanyang buto. Nang maihiwalay ko na ang mga ito ay sinunod ko ang kanyang tiyan. Gamit ang patalim ay dahan-dahan ko itong sinugatan. Maingat ako sa pagsugat dahil ayokong masira ang mga bituka. Nang tuluyan ko na itong mabuksan ay inilabas ko ang kanyang nga bituka, atay, at huli ang kanyang puso na siyang nagdulot nang labis kong saya. Ang kanya namang ulo binabad ko sa pinaghalong paminta, suka, toyo, bawang, at sibuyas. Maya-maya ay iiihaw ko ito. Nilinis ko ang aking kalat at nagsimula na sa pagluluto. Ang kanyang mga braso ay pinag-isa ko sa isang putahe. Ilang oras ko muna itong pinakuluan para lumambot. Sinunod ko ang kanyang binti na pinakuluan ko din para lumambot. Nang lumambot na ay inuna ko ang binti na lutuin at sinunod ang binti. Ang kanyang mga kamay at paa ay itinapon ko na lang dahil wala itong gaanong laman. Nang mailuto ko na ang mga ito ay inihaw ko na ang ulo. Habang tumatagal ay amoy na amoy ko na ang bango nito at hindi na ako makahintay na kainin ito. Pero pinigilan ko muna ang aking sarili at nilinis ang katawan upang ihanda na ang mga niluto sa naghihintay na mag-ina. Dahil sa laki nang kaldero ay nahirapan akong ilipat ito sa kusina, nabuhos pa sa balat ko ang mainit itong sabaw. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. Naglagay ako sa isang malaking mangkok nang tig-isang putahe. Amoy na amoy ko na ang bango nito at halos maglaway na ako. Nang mailagay ito sa hapag ay kitang kita ko na hindi na sila makapag-hintay upang kainin ito.
"Napaka-bango naman nito, Aia!" komento ni Auntie Vicky.
"Sang-ayon ako sayo, ina. Ang galing nitong magluto eh!" singit naman ni Victoria.
Tumango ako at nilisan sila nang may ngiti sa aking labi.
Lasapin niyo lang,katawan ni Leslie yan.Hihi ^.^
BINABASA MO ANG
The Psycho
Mystery / Thriller[BASED ON THE TRUE STORY OF CINDERELLA] Aia Aloha Bermudez, the orphan. The good, the innocent, an angel. A girl who turns into a psychopath.