CHAPTER 3

2K 94 4
                                    

Hindi parin ako makapaniwala sa naging desisyon ni Manang Rita. Kilala ko na siya dahil nagpakilala siya sa akin kanina.

Akala ko talaga hindi na niya ako tatanggapin dahil wala naman akong mga papeles at puro kasinungalingan lang naman ang sinabi ko pero hindi ko akalain na hindi niya ako nabisto.

I think I already developed a talent in lying.

Nasabi ko nalang sa sarili ko. I need to start again from now on, with a new identity, a new place and of course a new me.

She showed me my room which is located in the ground floor of the house. Isang single bed ang bumungad sakin nang makapasok na ako. Hindi siya gaano kalaki but not that bad. Ako lang naman kasi mag-isa dito and I like being alone.

Pagkatapos ng kaunting paalala at instructions na binigay sa akin ni Manang Rita ay lumisan na agad siya sa kwarto ko. I throw myself in the bed with all my force. At last may matino na rin akong matutulugan.

Napahawak ako sa likod ko dahil ramdam ko parin ang pananakit nito dahil kanina. Nakatulog kasi ako sa isa sa mga bench doon at malamig pa. Hindi naman kasi ako sanay. You already know my status in life that's why I suffered.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata upang makatulog sandali at makapaghanda para sa simula ng trabaho ko bukas.

********

Mariin kong tinitigan ang repleksiyon ko sa salamin. I'm worried baka makilala nila ako because my parents are quite popular and they might pull their connections just to find me at baka magka- business partners din sila sa pamilyang ito.

I need to find a way to disguise myself kahit konti. Yan ang unang ideya na pumasok sa isip ko. Worries.

And because of the worries, I ended up cutting my long and wavy hair into a shoulder length cut and wear a rectangular spectacles. Napatitig ako na sarili ko sa salamin. Woah I didn't thought na magkakaroon ako ng large transformation because of just cutting my hair with matching spectacles.

I'm still me but hindi ako makikila ng mga taong hindi ko masiyadong close. Only those who really know me can recognize my true identity. Napangiti ako ng mapakla. I wouldn't had ended here cutting my hair and disguising like an idiot if my parents did just accept my opinion about that freaking marriage.

Napatalon ako nang konti ng makarinig ako ng tatlong mahinang katok. Tsk I'm really spacing out not realizing my surroundings.

"Yes-ahm sino yan?" I need to change my English speaking into plain tagalog. Baka magtaka sila kung bakit ako mag-eenglish e di hamak na mahirap lang ako at wala pang birth certificate.

Dahan-dahang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babaeng nakaponytail. She smiled at me at ipinakita ang dala niyang uniform. I think ito yung uniform namin as maids.

"Hi." Nakangiting bati nito sakin. I smiled back.

"Hello." Sabi ko rin sa kanya. Lumapit ito at ibinigay sakin ang dala-dala niyang uniporme.

"Ito yung magiging uniporme mo. Suotin mo yan nang makapagsimula ka na sa pagtatrabaho." Sabi nito. Tumango naman ako sa kanya at tinanggap ito. Aalis na sana siya pero tumigil naman ito sa paglalakad at lumapit pabalik sakin.

"Ay muntik ko nang makalimutan, ako nga pala si Ella. Nagagalak akong makilala ka." Sabi nito at inilahad ang kamay niya sa akin.

"Gab-I mean Jessica ang pangalan ko." Sabay tanggap sa kamay niya at nakipagkamay sa kanya.

"Sana maging magkaibigan tayo. Kung may kailangan ka hanapin mo lang ako at tutulungan kita. At isa pa ang ganda mo." Puri nito sa akin.

" Naku hindi naman haha, sige maraming salamat." Nahihiya kong sabi. I have a gut feeling na magiging close kami. Hindi naman kasi siya mahirap pakisamahan and she's friendly.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon