CHAPTER 25

1.4K 27 0
                                        

Lumipas ang isang linggo simula nung pumunta dito ang ama ni Uno. Isang linggo na rin ako nitong pinapahirapan sa trabaho dito sa bahay. Tulad nalang ng pagpapalinis niya sa akin sa buong mansion at hindi niya hinahayaan na tulungan ako ng mga kapwa kasambahay.

Ako na rin ang pinapagawa niya sa mga mabibigat na gawain kahit hindi dapat ako ang nagtatrabaho doon.

Kadalasan niya rin akong iniinsulto at pinagsasalitaan ng mga masasakit na salita. Naawa na nga sa akin ang mga kasamahan ko kaso wala naman silang magagawa dahil pinagbabantaan rin sila nitong tatanggalin kapag tinulungan ako.

Minsan ay pinagsasabihan na ni Ma'am Jezel ang asawa nito na tigilan na ang mga pagpapahirap nito sa akin kaso nauuwi lang ito sa away nilang mag-asawa at ako na naman ang pinagbabagsakan sa lahat ng galit ni Sir Martin.

May araw din na nagiging emosyonal ako at bigla nalang akong naiiyak dahil sa frustration at pagod.

Pero okay lang. Kahit pagod na ako o hindi ko na kaya, pinipilit ko parin ang sarili na gawin ang lahat para matapos na ang mga ito. Tutal, ngayon na rin naman ang uwi ni Uno mula France.

Speaking of Uno, wala akong natatanggap na tawag mula sa kaniya. May pasabi-sabi pa siyang 'tatawagan kita everyday' tapos ngayon ni text man lang, walang dumating.

Sobrang miss ko na siya at talagang nagtatampo na ako sa kaniya.

Minsan hindi ko na rin maiwasang mag-alala sa kaniya kasi baka may masama na nangyari dito o kaya may kinikita na itong ibang babae.

Busy ako ngayon sa pagpapaligo kay Black. Naaawa na ako dito sa cute kong alaga dahil hindi na siya nakakalabas dito sa kwarto ko. Allergic nga kasi si Ma'am Jezel sa mga aso kaya mas minabuti ko nalang na ikulong si Black at nang hindi ako malintikan ni Sir Martin.

Hapon na at madali ko ring natapos ang mga gawain ko ngayon kaya nagkaroon ako ng oras para atupagin si Black.

"Black huwag malikot." Saway ko dito dahil kanina pa ito takbo ng takbo dito sa loob ng cr.

🎶I met her on a Monday evening

She was standing outside of the park and ride

And I said Hey ma, where you've been?

Been looking for a woman like you for all my life🎶

Agad naman akong lumabas sa cr at iniwan sandali si Black para sagutin ang tawag. Pinahid ko ang aking basang kamay sa dulo ng uniform ko at kinuha ang cellphone ko.

Laking tuwa ko nang mabasa ang pangalan ni Uno sa screen. I felt my heart beat faster when my finger touched the answer button. Pero hmp, nagtatampo pa rin ako.

Siguro nasa airport na ito pauwi.

"Hello?" Paunang wika ko. Narinig ko mula sa kabilang linya ang mga boses ng mga taong nag-uusap sa hindi ko maintindihang lenguwahe. I think it's French since nasa France naman ngayon si Uno.

May narinig akong nagsalita kaso hindi ko ito masyadong naiintindihan dahil sa sobrang ingay.

"Uno, hello." Sabi ko ulit ngunit maingay pa rin.

[FERME TA GUEULE!]

Napatalon ako dahil sa biglang pagsigaw ni Uno gamit ang ibang lenguwahe. Agad tumahimik ang kabilang linya.

[Sweety.] Napangiti ako nang marinig ang kaniyang boses.

"Bakit ngayon ka lang tumawag?" Saad ko sa nagtatampong boses.

[I'm so sorry, naging sobrang busy ako. I didn't have the time para tawagan ka. I miss you so much.] Kaya naman pala.

"Sobrang na miss din kita. Okay lang uuwi ka rin naman ngayon eh." Nakangiting wika ko

[Uhm about that.]

"Bakit?"

[Next week pa ako makaka-uwi. Something happened in our company branch here and I need to fix it.] Agad bumagsak ang dalawang balikat ko dahil sa sinabi niya.

"Ganoon ba?" Walang ganang sabi ko. Nanlabo ang aking mga mata dahil sa mga nagbabadyang luha. Paano na ako? Malapit na akong mapagod sa masamang trato ng dad niya sa akin.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

[I'm really sorry sweety. But don't worry, uuwi rin ako agad as soon as possible.] He said in a sad voice.

"Okay lang. Hihintayin kita." Pinipilit kong pasiglahin ang aking boses.

[I gotta go, bye. I love you.] Pagpapa-alam nito sa akin na mas ikinalungkot ko.

"Love you." Sagot ko at binaba na ang tawag.

Na-extend ang stay ni Uno sa France, ibig sabihin nito extended rin ang pang-aalipusta ni Sir Martin sa akin.

"Okay ka lang Jessica. Huwag kang susuko." Pag-eencourage ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin at nakangiti.

'Kakayanin ko para sa atin Uno.'

Bumalik na ako sa cr at ipinagpatuloy ang naudlot na pagpapaligo kay Black. Sobrang likot pa rin nito kaya napabuntong hininga ako.

"Black naman." Pagod kong salita.

"Halika na sasabunin na kita." Saad ko ulit pero hindi parin ito nakikinig sa akin.

Akma ko itong habulin ngunit napatigil ako dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak ako ng ulo ko at sinubukang tumayo kaso mas lalo lang umikot ang paningin ko kaya dahan-dahan akong napa-upo sa gilid.

Siguro dahil 'to sa sobrang pagod at gutom. Hindi rin kasi ako nakakain ng tanghalian kanina.

Pumikit ako sandali para mawala ang pagkahilo at nagtagumpay naman ako. Tumayo na ako ng maayos at babalik na sana sa ginagawa nang mapansin kong wala na si Black sa loob ng cr.

Lumabas ako para kunin ito pero napamura nalang ako nang mapagtantong nakalimutan ko palang isara ang pintuan sa kwarto ko.

Agad kong nilisan ang aking kwarto para hanapin si Black. Hindi siya pwedeng lumabas. Lagot ako nito pag nakita siya ni Sir Martin.

"Black." Mahinang tawag ko dito.

Nakita ko si Ella sa may kusina at tinanong kung saan si Black pero wala raw siyang nakita.

"Naku patay tayo pag nakita 'yun ni sir." Ika nito na tumulong na rin sa paghahanap sa aso. Nag-aalala ko siyang tiningnan.

Napagdesisyunan namin na maghiwalay para mas mapadali ang paghahanap namin kay Black. Nagtungo ako sa likurang bahagi ng mansion.

Sumuot na ako kung saan-saan pero wala paring senyales na nandoon si Black.

"Asan ka na ba." Mahina kong bulong.

Agad napukaw ang damdamin ko nang may marinig akong sumigaw. Boses iyon ni Ma'am Jezel.

Dali-dali kong sinundan ang pinanggalingan nang boses at taimtim na nagdadasal na sana mali ang naiisip ko. Pero sa kasamaang palad ay kabaliktaran ang nakita ko.

Napasinghap ako nang matagpuan si Ma'am Jezel na nakasalampak sa gilid ng pool habang nakadagan dito ang galit na galit na si Black. Pilit nitong inaalis ang aso ngunit hindi ito nagtagumpay dahil sa laki ni Black.

"Black!" Tawag ko sa aso. Tumigil naman ito sa pagtahol at umalis sa pagkadagan kay Ma'am Jezel.

Agad kong dinaluhan si ma'am. Halatang nahihirapan ito sa paghinga. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang dumudugo ang kanang braso nito na sa tingin ko'y kinagat ni Black.

"H-Help, I can't b-breathe." Nanghihinang salita nito.

Hindi ko na alam ang dapat gawin dahil sa sobrang kaba. Plano ko sanang tulungan ito patayo ngunit may tumulak sa akin na naging dahilan ng pagkahulog ko sa pool.

"Get off my wife bitch!" Puno ng galit na singhal ni Sir Martin.

To be continued...

"Ferme ta gueule" means "Shut the fvck up" in French.

DAMSEL SERIES 1: Twisted Fate (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon