CHAPTER 22

1.4K 33 0
                                        

"You look pale." Saad niya habang tinatahak namin ang daan papuntang parking area.

"H-Ha? Uhm masama kasi pakiramdam ko." Palusot ko tsaka umiwas ng tingin. Ramdam ko parin ang panlalamig at kaba. Sandali niya akong tinitigan nang makarating na kami sa sasakyan niya. Mas lumala ang nararamdaman kong kaba. Alam niya kayang nagsisinungaling ako?

Laking pasasalamat ko nalang nang marahan itong umiling at naunang pumasok sa kotse niya. Sumunod naman ako.

"Sorry kasi hindi mo natapos yung event." Salita ko. Nakakahiya naman kasi. Pinamake-over niya pa ako tapos ako yung nagyayang umuwi agad. Bakit ko ba kasi nakalimutang pupunta pala doon parents ko. Katangahan mo talaga Jessica. Buti nalang at hindi galit 'tong si Uno.

"Not a problem, besides I hate how those perverts look at you. You're too hot for that place." Sabi naman niya.

Agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Hot daw ako sabi ng nag-iisang Uno Sebastian. Napakagat labi nalang ako.

"Paano na yung auction?" Kalmadong tanong ko.

"I already donated ten million for their fund. I guess that's enough. Hindi ko naman kailangan yung mga items doon." He answered. He's right. Wala siyang hilig sa mga antique at mamahaling items. Donations lang naman ang kailangan ng charity.

"So let's head home." Dagdag niya at agad pinaharurot ang sasakyan.

Tahimik lang si Uno na nagdadrive. Busy ako kakascroll sa social media account ko nang may mabasa akong article about sa isang meteor shower na magaganap daw ngayon. And yes I have a social media account pero hindi ko ginagamit yung mukha ko as a profile picture to stay hidden. Gumawa ako out of boredom. Wala na kasi akong ginagawa pag tapos na ang mga gawaing bahay.

Sinilip ko ang langit sa bintana upang tingnan ang panahon and thank God it's not cloudy. "Uno huwag nalang muna kaya tayong umuwi?" I said to him. Nilingon niya ako sandali. At nagsalita.

"I thought you're not feeling well."

"Okay na ako." Sabi ko sabay thumbs up. Nakakunot noo niya akong tiningnan na sinuklian ko lang ng pagtaas baba ng dalawa kong kilay. Napansin ko ang maliit na ngiting sumilay sa kaniyang labi.

"Fine. Where do you wanna go?" Saad niya at ibinalik ang tingin sa kalsada.
I told him kung saan kami pupunta.

Nang makarating na kami ay agad ko siyang hinila palabas para umupo sa harapan ng sasakyan. "Anong gagawin natin dito?" He asked.

"Manonood ng meteor shower." Simpleng sagot ko at tumingala sa kalangitan. It's ten twenty-five in the evening and sabi doon ten thirty daw magsisimula ang shower.

"Meron ngayon?" Tanong niya.

"Oo sabi doon sa nabasa ko kanina." Sagot ko habang nakatingala parin.

Nakahiligan ko na talaga ang manood ng ganitong events simula bata pa. I even have stargazing tools sa bahay because of this. Sabi kasi ni Mommy na kapag nagwish daw ako sa mga shooting stars ay magkakatotoo daw ito. And I live with that belief until now.

Nilingon si Uno at tahimik din itong nakatingala sa langit. Ang amo naman ng mukha niya. Hindi ko namalayan na tinitigan ko na pala siya ng matagal kaya napapitlag ako nang bigla itong magsalita.

"It's starting." Sabi niya sabay turo sa kalangitan.

Agad akong tumingala at tama nga siya. May naaninag na akong mga nahuhulog na bituin. Napangiti nalang ako dahil sa mangha. The view was so comforting. Parang nakalimutan ko sandali ang lahat ng problema ko. Mariin akong pumikit at humiling. Iisa lang naman ang wish ko.

DAMSEL SERIES 1: Twisted Fate (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon