CHAPTER 10

1.8K 45 2
                                        

Damn you Uno! Bakit mo ako dinawit sa kaguluhan mong iyan?!

Gusto ko siyang sigawan ng paulit-ulit dahil sa mga pinagagawa niya. Paano niya naging girlfriend ang isang maid na katulad ko, and worst ay binuntis niya pa!

Pero syempre hindi ko yun ginawa. Boss ko parin siya at kailangan kong huminahon at kausapin siyang maigi.

It's almost 12 and naka-uwi na ang mga parents niya kaya kami nalang dalawa ang naiwan. Hindi na nila hinintay pa ang Christmas Eve since na badtrip na si sir Martin. Hanggang ngayon ay nakatulala parin ako at hindi makapaniwala sa mga pagsisinungaling niya kanina.

"Uhmm-"

"Sir paki-explain." Putol ko sa dapat sabihin niya. Bumuntong hininga ito at umupo malapit sa akin.

"Sorry, that was an emergency and kailangan ko ng alibi. He wants me to marry his friend's daughter which is against my will." Explain naman niya. Great! Tapos ngayon, nasali na ako sa kaguluhang ito. Ginagawa ko na nga lahat para lang makalayo sa gulo tapos hinihila naman niya ako pababa.

"Ano na ang gagawin natin ngayon? Pwede pa namang tawagan yung daddy mo tapos sabihin natin ang totoo."

"No. I have a plan." Seryoso siyang nagsalita na para bang may malalim na iniisip.

"Kung ano man yan, hindi na sana makalala sa sitwasyon." Paunang sabi ko. Kung ano-ano nalang kasi pumapasok sa kokote niya eh. Humarap siya sa akin at nagsalita.

"Let's play the role. Magpapanggap tayong in a relationship." Suhestyon niya. Sandali akong natahimik at hinarap narin siya.

Seriously?

"Pero sinabi mo sa kanila na buntis ako. Ano, magpapanggap rin ba akong buntis?" Paano yun? Argh ba't pa kasi ako nadamay eh.

"Obviously yes. Or kung gusto mong totohanin natin ang pagkabuntis mo. It would be more realistic." Nakangisi niyang sabi sakin. Namula ang aking mga pisngi dahil doon. He's teasing me! Ansarap niya batukan but of course he's my boss.

"Lalagyan ko nalang ng unan yung tiyan ko kesa gawin yang mga pinagsasabi mo." Ika ko na halos irapan na siya. Mas lalong gugulo para sakin pag nagkataon.

Tumawa lang ito at nagsalin ng wine sa glass niya. Idiniscuss niya ang mga plano niya kuno. Magpapanggap daw kaming magkasintahan pero sa harap lang ng parents and relatives niya.

Nung una ay ayoko talaga pumayag pero nung sabihin niyang dodoblehen niya yung sweldo ko ay hindi na ako naka-angal pa. Nasilaw yata ako sa pera at ang salitang 'oo' ang lumabas sa bibig ko. Okay lang naman eh. Pretending is an easy job but pretending to be pregnant is out of the picture. Like duh, paano nalang pag umabot na ng buwan ang pag papanggap namin tas hindi parin lumulobo ang tiyan ko? Edi wapak.

"I'll tell them that we broke up kasi nakunan ka and you'll fly abroad at huwag nang magpapakita pa." He simply said. Huwaw ang galing naman ng plano niya. Insert sarcasm in that.

"Look, I already told them kaya wala na tayong magagawa. You should go with the flow. Just don't fall in love with me because I won't catch you." Pang-aasar niya. Inirapan ko lang siya at kumuha rin ng wine. Wala akong pake kung maid lang ako dito. Nauuhaw din ako at yung wine ang pinakamalapit.

"Asa." Kako at nilagok ang inumin.

"Just saying. We don't know the future." Nagkibit balikat siya at lumagok din. That won't happen. Hindi ako papatol sa kaniya. Yes na-aattract ako but not to the point na magugustuhan ko siya. Siguro as a friend lang.

Hindi ko na siya sinagot at tumayo para kumuha ng pagkain. Kanina ko pa pinipigilan sarili ko kasi nakakatakam talaga. Wala akong balak maghintay para Notche Buena, gutom na ako.

DAMSEL SERIES 1: Twisted Fate (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon