CHAPTER 20

1.4K 32 0
                                        

Papunta na naman ako ngayon sa office ni Uno dala-dala ang adobo na niluto ni Ate Tes. Nadatnan ko doon si Ate Diane na secretary niya. Mukhang nasa mid thirties na ito at sobrang bait pa. I call her ate because she told me to, besides mas matanda siya sakin. Naging close nga kami eh. Bumati ako dito na sinuklian naman niya at ngumiti.

"Nasa loob po ba si Uno?" Tanong ko dito.

"Oo nandiyan lang, pero may kausap pa." Tugon niya. Tumango ako at nilagay muna sa table niya ang bitbit ko. Napagpasyahan kong maghintay muna dito sa labas since ayaw ko namang maka-istorbo kay Uno.

Nagkwentuhan lang kami ni Ate Diane nang biglang bumukas ang double door sa opisina ni Uno at iniluwa nito ang pamilyar na mukha. Nagtagpo ang aming mga mata at sumilay ang ngiti nito.

"Jessica? Hey we meet again." Energetic na sabi nito at naglakad palapit sa akin. So siya pala ang ka-business kanina ni Uno.

"Oh ikaw pala 'yan Loui. Anong ginagawa mo dito?" Nakangiti ko ring salita dito. He's Uno's friend if I'm not mistaken.

"Work. You?" Sagot niya.

"Dinadalhan ko ng pagkain si Uno." Wika ko sa bahagyang inangat ang dala.

"How sweet of a girlfriend you are." Nakangising sabi nito sa akin. I felt like all my blood went to my face. Naalala ko na naman kasi 'yung nangyari noong nakaraang araw.

"Asus, sige na pupuntahan ko na 'yung isa dun." Tanging sambit ko at nagpaalam sa kaniya.

"Okay see you around." Huling pasabi nito at kinindatan ako bago umalis. Napailing nalang ako.

Loui is nice, unlike his friend na ubod ng kasungitan. Napagka-alaman ko ring nagtatrabho siya dito as the COO of Sebastian Inc., according to Ate Diane. But something is bothering me about him. That guy's familiar face keeps on bugging me as if we met before. Especially when he did that wink. It fells like he already did that to me. Hindi ko lang maalala kung saan at kalian.

Louigi Nikiforov. Even his name sounds so familiar. Hmmm.

And then and idea popped out in my mind as if a lighted bulb.

I remember.

Gosh how fool of me. Lougi Nikiforov, I remember him. He's my highschool crush! I was in junior high and he was my senior back then. But that was a secret. Wala akong pinagsabihan kahit ang mga barkada ko patungkol dito. You know, I'm a type of person who likes to keep little shitty things by myself. Lalo na nung nalaman kong nangibang bansa ito pagkagraduate.

What a small world nga naman. Akala ko talaga hindi na kami magkikita, pero heto't kaibigan niya pala ang boss ko. Biruin mo, ang crush ko noon ay kaibigan na ng crush ko ngayon. Oh diba hanep. Napangiti nalang ako dahil sa naisip.

Nawala ang mga ngiti ko nang makita si Uno at madilim ang ekspresyon nitong nakatitig sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano na naman bang problema nito?

"Uno andiyan ka pala-" hindi ko natapos ang sasabihin nang marinig ko itong mag-tsk saka pabalibag na sinara ang pinto. Bahagya akong napatalon dahil sa lakas ng pagkahampas nito. Kunot noo ko siyang sinundan.

"Hoy ano bang problema mo?" Tanong ko sa kaniya pagkapasok ko sa loob. Nilapag ko ang dalang container. Hinarap niya ako at nagsalita.

"You. You're the problem," singhal niya saka dinuro ako. Naguguluhan ko siyang tiningnan.

"Ako? Inaano ba kita at sobrang galit ka yata?" I see him clench his jaw.

"I saw you flirting with that bastard. Did you enjoyed it?" Asik niya at tiningnan ako na para bang sobrang laki ng kasalanan ko.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ako nakipaglandian kay Loui at lalong hindi ako nag-eenjoy!" Sabi ko sa kaniya. What is gotten into him? Nakikipag-usap lang naman ako kay Loui ah. Flirt agad? OA teh?

"Don't deny it! Nakita ko kayo with my own eyes!" Napasinghap ako ng taasan niya ako ng boses. May ideyang biglang pumasok sa isip ko. Don't tell me,

"Oo nakit mo nga, pero nag-uusap lang kami. Bawal ba 'yun? OA mo naman, nagseselos ka ba?"
Napansin kong kadali itong natigilan, pero agad din naman niyang ibinalik ang galit sa mukha niya.

"No way, why would I get jealous? I just don't like sharing what's mine."
Sabi nito at nag-iwas ng tingin. Pinaningkitan ko siya ng mata. Hindi ako gamit na basta-basta nalang inaangkin.

"FYI nagpapanggap lang tayong makarelasyon kaya hindi mo ako pag-aari." I said calmly with the matter of fact. He smirked and walked the distance between us without breaking his stare at me. My feet involuntarily stepped backward as if sensing an incoming danger. He leaned para magkapantay kami.

"You're already mine since the day you agreed with that fvcking plan." Nakangising sabi niya at siniil ako ng isang mapusok na halik sa ikalawang pagkakataon.

*****

Nandito ako ngayon sa isang park malapit sa subdivision, kasama si Black at Viana. Suggest kasi ni Manang Rita na mag stroll daw muna ako para exercise. Tapos naman lahat ng trabaho ko so I agreed.

Ang saya pala dito. It's my first time here though.

Maraming mga batang naglalaro kasama ang parents or yaya nila at mayroon ding mga magjowang nagpipicnic sa ilalim ng mga puno. My cheeks turned red nang mahagilap ng mga mata ko ang isang couple na naghahalikan. PDA much? It reminds me on what happened kanina. Shoot that was the third time he kissed me! At hindi ko 'yun pinagsisihan.

Tumingin ako sa kalangitan. It's four am kaya uuwi narin ako maya-maya. Umupo ako sa isang bench na nasisilungan ng malaking puno.
Napairap aka habang pinagmasdan ang dalawang aso na naghaharutan. They're a couple now. Tangna, diba hanep ng dalawang to. Buti pa sila may lablayp, ako? Heto and it's complicated.

"Viana saan ka pupunta?" Tawag ko sa babaeng aso dahil bigla lang itong tumakbo palayo sakin dulot ng aksidenteng pagkabitaw ko sa tali niya.

Agad ko siyang sinundan kasama si Black na karga ko na. Papunta ito sa isang masukal na parte ng park kung saan walang tao at puro puno lang. Ano bang trip ng asong 'to?

Buti nalang at nabuhol ang tali niya sa isang sanga kaya nadampot ko ito.
"May balak ka bang lumayas? Ha?" Kausap ko sa kaniya. Tatayo na sana ako nang may mahagilap ng mata ko ang dalawang pamilyar na nilalang.

Anong ginagawa nina Dos at Frizzy dito?

Agad akong nagtago sa isang puno. It's bad to eavesdrop pero na-eenganyo talaga akong makinig.

"Dos, tigilan mo na ako. You know how I love your brother so please, get over me already." Ani ni Frizzy as if she's so done.

"You know I can't. If you love kuya the damn! I'll make you forget him!" Dos exclaimed.

Napasinghap ako nang dahil sa narinig. Gosh I can't believe this.

To be continued...

DAMSEL SERIES 1: Twisted Fate (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon