CHAPTER 1

2.9K 94 4
                                        

Its been three days since the incident between me and my parents at wala parin akong balak na pumayag sa arranged marriage na yun. Tatlong araw narin akong nagkukulong dito sa kwarto ko. Wala akong balak na magpakita o kausapin ang mga parents ko dahil nagtatampo parin ako sa kanila.

"Baby please open the door. At kumain ka na." Nagmamaka-awang sabi ni Mom. Napairap naman ako dahil doon. Bubuksan ko naman ang pintuan e basta tigilan na nila ang mga kalokohan nila.

Hindi ako sumagot at sa halip ay tinawagan ko si Aera na kanina pa tawag ng tawag sakin. Nagring ito ng tatlong beses at sinagot naman niya kaagad.

[Mabuti naman at naisipan mo rin akong tawagan. Bakit ba hindi ka sumasagot sa mga tawag namin ha? Nasaan ka na at bakit ka absent ng tatlong araw gusto mong sapakin kita Gabi?!] Bungad sakin ni Aera. Nailayo ko naman ang phone sa tenga ko dahil sa bulyaw niya.

Napicture-out ko na agad ang mukha ni Ae sa naging expression niya at sigurado akong masasapak na ako nun pag kasama ko yun. Kagabi pa kasi siya tawag ng tawag sa kin pero wala ako sa mood na sagutin yun dahil nag-eemote pa ako.

Hindi ko mapigilang mapaluha tuwing naalala ko ang mga pangyayari.

"A-ae.." Naiiyak kong tawag sa pangalan niya. I can't help it.

[Uy bat ka umiiyak diyan ha? Hindi pa nga kita nasapak e.] Pabiro nitong sabi pero bakas ang pag-alala sa boses nito.

Hindi pa nila alam ang mga nangyayari sa akin dahil hindi ko sinabi. Gusto ko sana pero hindi ako pinapalabas ni Dad ng bahay dahil baka tuluyan na akong makatakas at hindi na bumalik na ilang beses ko nang pinagtangkaang gawin pero sa kasamaang palad ay lagi nila akong nahuhuli.

Kaya nga mas pinili ko nalang kulungin ang sarili ko sa kwarto ko. Ayoko rin namang makita ang mga pagmumukha nila.

"P-pwede ka bang pumunta dito sa bahay?" Hindi ko parin mapigilan ang pag-crack ng boses ko.

[Why?What happened?]-Ae

"B-basta saka ko nalang sasabihin pag nakarating kana dito."

"Anak sino bang kausap mo diyan?" Wala paring tigil na makaawa ni Mom na hindi ko naman pinansin.

[Okay. Don't worry I'll be there in ten minutes.] Hindi naman mahirap na pumunta dito si Ae dahil its Saturday at wala namang pasok kaya I'm sure na makakapunta siya. Nagpaalam na siya sakin dahil tutungo na siya dito. Tumigil narin si Mom sa kakakulit sakin. Siguro pumasok na sa trabaho.

Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at hinarap ang salamin. Mapait akong napangiti dahil sa kabuuan kong itsura. Isang maputla at sabog na Gabi ang kaharap ko ngayon. Hindi ako kumakain sa tamang oras dahil ayokong maabutan sila Mom sa baba. Anlalaki na rin ng eyebags ko dahil sa kakaiyak.

Hinanda ko na ang mga damit ko at napagpasyahang maligo. Ilang minuto ang itinagal ko sa banyo bago ako tumigil. Gusto ko kasing damhin ang malamig na tubig para kahit minsan ay makalimutan ko ang mga pangyayari

Pagkatapos kong mag-ayos ay isang mahinang katok ang narinig ko mula sa pinto.

"Gabi iha nandito ang kaibigan mo." Salita ni Manang. Wala na nga si Mom. Lumabas na ako ng aking kwarto at bumaba sa hagdan.

Naabutan ko naman si Ae sa sala na naiinip na naghihintay. Napatingin naman ito sakin na nakakunot noo na may halong pag-alala.

"Hoy bruha, anyare sayo at ang putla mo?" Taas kilay na tanong niya. Napangiti ako ng mapakla at umupo sa tabi niya.

Ang there I burst out everything. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari simula nung sa pageant.

"They did that to you? Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako na naging dahilan ng pag-iling niya.

"I can't believe it. Mabuti nalang at hindi mo sinubukang tumakas." Na-iiling parin niya sabi.

"Ahm sa totoo lang ginawa ko talaga yan pero nahuli nila ako." Pag-aamin ko. Napalingon naman siya sakin na nakataas-kilay. Sinimulan ko nang umatras dahil inaasahan kong sasapakin na naman niya ako pero napatigil nalang ako nang biglang napalitan ang ekspresyon nito. From a harasser to amusement.

"Woah talaga? Pero nahuli ka kasi ang weak mo haha." Biro nito. Bigla naman akong natigilan dahil sa sinabi niya. Yes I'm weak hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko mula sa parents ko dahil mahina ako.

Nawala bigla ang ngiti ni Ae dahil sa naging expression ko. Mahina itong tumikhim.

"Ahm sorry, I think I popped your ego." Paumanhin nito. Inilingan ko naman siya

"You don't have to. Its true naman e." Pag-aamin ko sa malungkot na ekspresyon.

Tumagal si Ae sa bahay ng dalawang oras at wala kaming ibang ginawa kundi ang maging emotional. Binilinan naman niya ako ng kaunting payo at nangakong magiging lihim ang lahat ng sinabi ko sa kanya.

Hindi naman sa nagdadalawang isip ako sa iba kong kaibigan pero napagpasiyahan ko na wag munang ilapaalam ang sitwasyon ko dahil baka mag-alala sila sakin. Gusto ko na may mapagsabihan ng mga kinikimkim ko kahit isa man lang at si Ae yun.

Nang makauwi na siya ay dali-dali akong umakyat sa kwarto dahil ayokong maabutan nila Mom. Pero huli na ang lahat dahil paakyat pa lang ako ay siya namang pagpasok nila sa sala at naabutan agad nila ako.

"At last lumabas ka rin." Nabuhayang sabi ni Mom. Inirapan ko lang siya at aakyat sana pero muli akong napahinto.

"Where do you think you're going?!" Dahil sa sigaw ni Dad. Napabuga ako ng hangin at matapang na hinarap siya. I need to be tough.

" Sa kwarto saan pa ba?" Matapang kong sagot. Nakita ko kung paano lukutin ni Dad ang palad niya dahil sa galit. Binara ko siya e.

"Ang bastos mo na talaga Gabi! Gumalang ka naman!" Galit na sabi ni Dad. Napingiti naman ako ng mapakla dahil sa sinabi niya.

"Bastos? Kayo ang dahilan kung bakit ako naging bastos! Kung hindi lang sana kayo naging makasarili, hindi sana ako maging ganto!" Sagot ko pabalik.

"Hindi kami naging makasarili anak, ginawa namin ito para sayo-sa kinabukasan mo. Gusto naming maging matiwasay ang buhay mo pagnakagraduate ka na." Naiiyak na sabi ni Mom.

"Yun ba ang naging sulosyon niyo para sa kinabukasan ko? Ang bobo niyo naman ata kung ganoon. Pwede naman kasi akong magtrabaho pagkagraduate ko e. Ang sabihin niyo ay ginawa niyo ito para sa sarili niyo-para mas maging mayaman pa kayo at kilalanin sa buong mundo at-"

"How dare you talk back to your mother!"-Dad.

Napangiwi ako dahil sa ginawa ni Dad. Its the second time na sinampal niya ako. Napahawak naman ako sa mahapdi kong pisngi at nagsimula na naman akong umiyak. Pero imbis na magdrama ay pinahid ko ang luha ko at mapaklang ngumiti.

"Ayan na naman kayo e. Masarap ba sa pakiramdam na paulit-ulit na sampalin ang anak mo Dad? Nakakagaan ba ito ng loob? Co'z I felt like nagiging habit niyo na ang pagsampal sakin e." Sabi ko dito. Hindi naman agad nakapagsalita si Dad dahil sa sinabi ko. Tuluyan nang umiyak si Mom habang yakap-yakap ang braso ni Dad.

"I'm sorry daughter." Tanging sambit ni Dad. Hindi ko na sila pinansin at sinimulan ng tahakin ang hagdan pataas. Sinubukang higitin Mom ang kamay ko para pigilan ako pero tinapik ko lang siya at tuluyan nang umalis.

"Sa tingin mo mapapatigil mo ang kasunduang ito? Sorry anak pero wala ka nang ibang paraan. You need to marry him! Because I say so!" Pahabol pa ni Dad pero pinalampas ko lang iyon na tenga ko. You're wrong Dad, may paraan pa.

To be continued...

DAMSEL SERIES 1: Twisted Fate (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon