"Jessica Valdez." Tinanggap ko naman ang kamay niya pero bago pa man niya iyon makuha ay tinapik na ito kaagad ni Uno.
"Don't touch her you moron." Istriktong saway nito na tinawanan lang ni Loui. Possessive pala itong isang to.
"Relax hindi ko siya aagawin." Natatawang bigkas nito. Sinamaan lang siya ng tingin ni Uno.
Hindi na nila pinahaba pa ang kanilang pag-uusap at tuluyan na nga kaming umalis.
Si Loui pala ay half Russian at half Filipino which is obvious naman dahil sa surname niya. He's Uno's childhood friend ayon pa nito.
Tahimik lang kaming naglalakad papasok sa entrance ng mall at hindi ko maiwasang ma-ilang dahil dito.
"Ano nga palang bibilhin nyo sir?" Tanong ko sa kaniya para mawala naman yung awkward moment. Nilingon niya ako at nagsalita.
"I'll buy you clothes." Sabi niya at lumiko sa isang boutique.
Eh?
Anong pumasok sa utak niya at bibilhan niya ako ng damit? Halata na ba na sobrang luma na nitong damit ko at naisipan niyang bilhan nalang ako ng damit dahil naawa siya? Oo nga at inulit-ulit ko na itong damit ko pero matingkad pa naman yung kulay.
"Naku huwag na po." Nahihiya kong sabi sa kaniya. Nakakahiya naman kasi. Kakabigay niya pa nga nung wallet kagabi tapos bibilhan na naman niya ako ng bagong damit.
"You're my girlfriend remember? Paano maniniwala ang family ko kung ganyan ka ragged ang mga sinusuot mo." Sagot niya sa akin. Ragged? Wow nahiya naman ako sa mamahalin niyang damit. Tiningnan ko ang sarili kong damit at hindi naman ito katulad ng tinutukoy niya pero may point siya. Matino naman yung suot ko pero hindi ito babagay sa standards ng family ni Uno. Dapat ba talaga akong mag adjust?
Hindi na ako nakaimik pa nang hilahin niya ako patungo sa ladies' section. Tumingin tingin ito ng mga damit pumili ng isa saka tinapat sa akin.
Napakunot ang noo ko dahil sa damit na hawak niya. Isa itong makintab na strapless black dress na halos makita na yung pwet ko sa sobrang ikli. Like wft? Gagawin niya ba akong dancer sa club?
"Sir mukhang hindi po bagay sakin." Hindi ko pagsang-ayon at kinuha yung damit tsaka sinauli sa painagkunan nito.
Nagkibit-balikat lang siya at nagsalita.
"Whatever, ikaw nalang pumili. Hindi ko naman alam yung taste mo." Nginitian ko lang siya ng pilit at binaling ang paningin ko sa mga damit.
Maraming magagandang damit dito pero parang hindi naman bagay sa akin. Halos maiikli kasi lahat. Sumasali ako sa mga pageants noon kaya dapat ay sanay na ako sa mga maiikling damit pero hindi ko talaga trip ang mga ganung designs.
Yes nagsusuot ako ng shorts pero wala talaga ako sa mood para pumili ng mga fancy na damit ngayon. Siguro nagiging conservative na ako.
Nilibot ko ang paningin upang makahanap pa ng ibang disenyo hanggang sa napako ang paningin ko sa isang baby pink na cocktail dress. Sobrang cute ng design nito which is suitable for my taste.
Lumapit kaagad ako dito at sinuri pa ng mas maigi. Ngunit nanghina agad ako nang makita ang prize nito. It's freaking 7,500 pesos!
"You wanna buy that?" Halatang nabobored na si Uno dahil tono ng boses niya. Nilingon ko siya at dali-daling umiling.
"A-Ay hindi, hindi yan keri ng bulsa ko hehehe." Kako at tiningnan ulit yung damit. Sayang naman nung damit. Ang ganda at simple lang kasi nito tapos sa tingin ko ay komportable pang suotin.
To be honest, mamahalin naman yung mga damit ko noon. May mas mahal pa nga kesa diyan pero noon yun. Iba na ngayon. Hindi na yan kaya sa budget ng isang maid na katulad ko.
BINABASA MO ANG
DAMSEL SERIES 1: Twisted Fate (UNEDITED)
RomanceGabriella Arcus was born to be the star in the field of pageants-according to her parents. No one opposes it since she has the beauty and brain. At the age of six, she already started her training to be a professional candidate until she reached her...
