Hindi ako makatulog buong gabi. Laging paulit-ulit sa isipan ko ang mga sinabi ni Frizzy kahapon. Wala na rin ito sa bahay dahil umalis na ito kanina. Pero bago man 'to lumisan ay may ibinulong pa ito sa akin.
"Do the right thing Jessica, I'll leave the rest to you,"
Totoo kaya 'yon? What if pinlano lang pala niya para makuha si Uno. Pero may point naman siya eh! Baka magiging isang kawawang bangkay na lang ako pag nalaman ito ng family niya.
Napatingin ako sa hawak kong test kits na may tig-iisang pula na guhit. Tama ba 'tong ginawa ko? Tama bang traydorin ko si Uno? Ano kayang mararamdaman niya pag nalaman niya'ng lilihis ako sa plano? Pero kasi eh, nung umpisa pa lang, dapat sinabi ko na 'to. Hindi pa naman huli ang lahat diba? Ito dapat ang gagawin nang sa gayo'y matapos na ang kaguluhang 'to. Di naman kasi ako sang-ayon dito sa simula pa.
Paano na si Uno? Ha, Jessica? Pumayag kang tulungan siya tapos ngayon tatraydorin mo lang? Ang selfish mo naman! Panenermon naman ng kalahati ng utak ko.
Ugh! Nakakalito na!
🎶I met her on a Monday, evening
She was standing outside of the park and ride 🎶
Napatalon ako ng biglang tumunog ang ringtone ko. Tiningnan ko kung sino ang caller at kinabahan ako nang si Uno pala ito.
"H-Hello,"
[Hey sweety, how are you doing?] Syet sweety daw! Naramdaman ko ang pag-init ng dalawa kong pisngi.
"Okay lang naman ako, bakit ka napatawag?" Nakarating na rin kasi siya sa bahay, kanina pa. Hindi ko alam kung anong trip nito at pwede naman akong puntahan dito sa ibaba, kung may kailang siya.
[Do I need a reason to call my girlfriend?] Kinilig naman ako. Tandaan mo Jessica hindi 'yan totoo! Pa fall talaga 'tong gagong to.
"Uno naman eh, ano ba kasi?" Hindi ko maiwasang mapangiti. I can't help it! Mukha na akong galing sa marathon nito dahil sa mabilis na kabog ng dibdib ko.
[Hahaha okay, okay. I just want to tell you that you'll be on leave tomorrow.]
Natatawa nitong tugon. Napakunot ang noo ko.
"Hala bakit? Tanggal na ba ako sa trabaho?" Nagpapanic kong tanong sa kaniya. Narinig ko ang halakhak sa kabilang linya kaya napasimangot nalang ako.
[No,no, may pupuntahan tayo bukas,]
Ano na naman kayang pakulo to?
"Saan?" Naguguluhan patin ako.
[It's a secret, goodnight sweety, sweet dreams.] For the second time, tinawag na naman niya akong sweety.
"Goodnight," sagot ko dito at ibinaba na ang tawag. Nailagay ko ang telepono ko sa dibdib. Kinagat ko ang aking labi dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Buset ka talaga Uno! Bakit ganito nalang lagi ang naaani ko tuwing kausap kita?
Napangiti nalang ako. Hindi na ako aatras. Sasamahan ko si Uno sa labanang ito kahit na ano pang gagawin ng pamilya niya pag nabisto kami. Bahala na si batman.
*****
Hindi ko alam na may mailalabas pa palang kilig ang kaibuturan ko. Paano ba naman kasi, dinala lang naman ako ng poging nilalang na 'to sa isang fine dining restaurant!
Kanina pa akong tiling-tili dito pero pinapigilan ko lang. Nakakahiya naman. Lahat kasi ng kumakin in dito ay halatang mga taga alta de sosyedad. Hindi ko nga alam kung anong nakain ng isang 'to at dinala ang haliparot na tulad ko dito.
Nakasuot lang ako ng simpleng dress at inayusan ng konti. Gawa na naman 'to ng babaeng si Ella. Tiningnan ko ang lalaking nasa harapan ko. Syet poging pogi niya sa suot na blue longsleeve! Simple lang ang get up niya pero yummy parin 'to kung tingnan.
"Uno bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko sa kaniya habang nagsasparkle na ang mga mata ko dahil sa masasarap na pagkain sa menu. Pero nanghina naman agad ako nang makita ang presyo nito.
"I just wanna eat dinner with you, and besides we should act more realistic." Tugon niya sa tanong ko at tinawag na yung waiter.
"Asus, gusto mo lang talaga akong maka-date." Pang-aasar ko naman sa kaniya saka ininom yung tubig na nasa mesa.
"What if I said yes?" Muntik ko ng maibuga ang iniinom ng dahil sa pagkabigla. Ito kasing si Uno, kung ano-ano nalang pinagsasabi. Itinaas ko ang aking paningin at nakita itong seryoso na nakatitig sa akin. Agad akong umiwas dito. Wag kang magpadala Jessica, pa-fall lang 'yan! Pota yung puso ko nagwawala na naman!
Ang isang Uno Sebastian na mahirap i-reach ay gusto akong maka-date! Is this for real? Hinintay ko itong tumawa at sasabihing nagjojoke lang siya pero hindi ito nangyari. Mababa lang naman ang hair ko ah.
Laki nalang ng pasasalamat ko nang dumating na yung waiter at nakuha nito ang atensyon ni Uno. Agad akong nakahinga ng maluwag.
"What is your order ma'am?" Magalang at nakangiti sa tanong nito. Tiningnan ko yung menu sandali at nginitian ito pabalik.
" Fiorentina Steak please," isang putahe lang ang inorder ko kahit gustong-gusto ko pang dagdagan. Sobrang mahal kasi ng mga pagkain dito at nahihiya naman ako kay Uno pag dinamihan ko. Good thing pamilyar ako sa Italian course at hindi na ako nahirapan pang umorder. I miss these foods!
"Is that all?" Binaling ko aking paningin sa mokong na nakakaasar na ngumingiti.
"Oo," sabi ko at nag-iwas ng tingin.
"Really?" Tanong ulit nito. Pinoprovoke niya talaga akong dagdagan yung pagkain! Wala na akong ibang nagawa kundi ang umorder ng ibang putahe. Mapilit siya eh, tsaka libre naman to kaya grab the opportunity na.
"Okay, sabi mo eh. Isang Bruschetta, Ribollita, Lasagne at Osso buco alla Milanese. Oh! Tsaka Tiramisu for the dessert." Sinabi ko na halos lahat ng nasa menu at tinawanan lang ako ng bugok na inirapan ko naman. Nagulat pa yung waiter dahil hindi ito makapaniwala sa dami ng in-order ko. Kasalanan ko bang malakas akong kumain? Ha?
Umalis na si kuyang waiter na hindi man lang tinanong itong kasama ko. Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Hindi ka ba kakain?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.
"He already know what I want," tugon nito. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.
"Paano 'yon? Ginamitan mo ba si kuyang waiter ng telepathy?" Natatawa kong biro sa kaniya. Ngumisi lang ito sa akin.
"I own this place," Literal akong napanganga dahil sa sagot nito. Seryoso? Sa kaniya to? Kaya pala ang bongga at patok na patok ito sa mga costumers. Bukod sa masasarap na delicacies, mas yummy naman yung may-ari. Good chemistry.
Dumating na yung in-order namin at agad ko itong nilantakan. Ang sarap! Ito na yata ang pinakamasarap na Italian restaurant na napuntahan ko sa buong buhay ko!
"Kegandang babae, buraot naman. Saan mo ba nilalagay yang kinakain mo at nangangayayat ka parin?" Natatawang puna nito sa akin. Wait, sinasabi niya bang maganda ako? Enebe kenekeleg eke.
Ilang beses ko nang narinig ang complement na 'yan pero ang lakas nalang ng epekto nito nung si Uno na ang nagsabi, may halo pa ngang panlalait.
" Mas masarap kasi pag libre," lalo na't yummy rin yung nanlibre. Syet lang talaga. Napa-iling nalang ito.
Hinarap ko siya para magsalita sana ulit nang maabutan ko ang sobrang malapit na mukha nita sa akin. Ilang dangkal lang ang layo nito sa akin at natulala nalang ako sa asul nitong mga mata. Tila ako'y napipi dahil sa sobrang kaba. Anong ginagawa niya? Hahalikan niya ba ako? Bakit dito, nakakahiya naman.
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Napakunot ang noo ko nang hindi parin ako nito hinahalikan. Ang tagal naman yata. Dumilat nalang ako dahil sa inip. Agad naaninag ko ang nakangising mukha ni Uno. May dala itong panyo.
"Mukha kang bungi kung kumain," komento nito at bumalik na sa pwesto. Agad akong napa-upo ng matuwid at napaiwas ng tingin. Tangna, sana hindi niya napansin ang katangahan kong yun!
"Hey, why are you blushing? Wait, did you think that hahalikan kita?" Wika nito at humagalpak ng tawa.
Nag-init ang buong mukha ko at parang sasabog na dahil sa kahihiyan. Bakit ko ba kasi ginawa yun?!
To be continued...
BINABASA MO ANG
DAMSEL SERIES 1: Twisted Fate (UNEDITED)
RomanceGabriella Arcus was born to be the star in the field of pageants-according to her parents. No one opposes it since she has the beauty and brain. At the age of six, she already started her training to be a professional candidate until she reached her...
