"Gabi naman e- ay sorry naka-istorbo yata ako." Wika ni Tricia nang makita niya kami at dali-daling umalis.
Agad akong lumayo kay Uno nang masiguradong wala na si Trishia sa paligid.
"Sir sorry po talaga sa nagawa ko." Nahihiya kong sabi sa kaniya at yumuko. Ramdam ko parin ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kahihiyang ginawa ko. BAKIT KO BA KASI GINAWA YUN?!
"That was unexpected. I didn't thought that you were such a good kisser hahaha." Pangungutya nito sa akin. Napaiwas ako ng tingin. Of course I know how to kiss. Hindi naman kasi ito ang first kiss ko. I already kissed a guy before, hindi na to bago. But why does it felt like first kiss ko yun? I just can't explain this abnormal beating in my chest. That wasn't a big deal right?
"Hindi ko na po iyon uulitin. Huwag nyu lang po sanang bawasan yung sweldo ko." Salita ko ulit.
"Don't be an idiot. That was normal, especially for a couple." He said calmly with a smirk tsaka umalis na sa harapan ko at hinanap yung kotse niya. At ako? Heto nakanganga lang at hindi parin maka get over.
Ako yung bigla-biglang nanghahalik tapos ako rin yung nagulat. Teka bakit ba ako magugulat? Hindi na nga yun bago diba? Hayst ewan ko sa sarili ko.
Sinundan ko si Uno papunta sa sasakyan niya nang maalala ko yung mga pinamili namin at si Black. Nyeta naiwan pala dun sa restaurant! Ang tanga mo talaga Jessica, pati yung kawawang aso dinamay mo pa dyan sa katangahan mo!
Nagpaalam ako sa kaniya na babalik muna ako sa pinagkainan namin para kunin ang mga pinamili namin kanina at si Black. Sinermonan niya ako at ang tanga ko raw tsaka pumasok sa loob ng kotse niya.
Nang makarating ako sa restaurant ay sumilip muna ako para hanapin yung mga taong iniiwasan ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala na sila dito. Naglakad ako papunta sa table namin kanina. Naabutan ko doon si Black na nakaupo katabi ng mga pinamili namin. Kawawa naman ng baby ko. Buti nalang at hindi kinuha ng staff nila.
Kinarga ko kaagad siya tsaka kinuha yung mga bag at umalis na. Tapos na rin kasing bayaran ni Uno ang mga pagkain kanina kaya wala ng problema.
Tahimik lang ang byahe namin pauwi. Pati si Black kasi natutulog na naman ito. Hindi ko magawang tingnan si Uno at magsalita. Nakakahiya naman kasi yung mga kabobohan ko kanina. Hindi na rin siya nagtanong kung bakit kami hinahabol kanina.
*****
Kinabukasan ay dumating na ang mga kasamahan kong katulong dito sa bahay. Sa wakas ay may tutulong na rin sakin sa paglinis.
Nandito ako ngayon sa kuwarto ni Ella. Busy ako sa paghahalungkat ng mga pasalubong niya saakin nang may inabot si Ella na kung ano. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung tatanggapin ko ba or what.
"Kunin mo." Sabi niya sa akin at mas nilapit pa yung bagay na yun. "Ano to?" Kyuryos kong tanong sa kaniya at kinuha nga ito.
"Diba sabi ko sayo na bibigyan kita ng suman. Iyan yung specialty ng lola ko." Paliwanag niya sa akin. Ah ito pala yung pagkain na sinabi niya sakin. Sinuri ko ito ng maigi. Medyo oily siya tapos binalot ito ng dahon ng saging? Parang ganun.
"Paano to kakainin?" It's my first time seeing it kaya wala akong idea kung paano ito kainin.
"Seryoso, ngayon ka lang ba nakakain nito?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Napatango nalang ako at tiningnan ulit yung suman.
Kumuha siya ng isa pang piraso ng suman tsaka tinuruan ako kung paano ito buksan. Sinunod ko lang siya at kumain. Napatango-tango ako nang matikman ito. Masarap nga! Hindi ako masyadong pinapakain noon ng mga oily foods kasi on diet ako pero feeling ko mapapakain ako ng marami ngayon. Dapat pala ay sumama nalang ako kay Ella dahil for sure, ay maraming mga pagkain doon na hindi ko pa natitikman.
BINABASA MO ANG
DAMSEL SERIES 1: Twisted Fate (UNEDITED)
RomanceGabriella Arcus was born to be the star in the field of pageants-according to her parents. No one opposes it since she has the beauty and brain. At the age of six, she already started her training to be a professional candidate until she reached her...
