CHAPTER 13

1.5K 42 1
                                        

Nakarating na kami sa bahay ng Auntie Feli ni Uno. Unang pagtapak ko palang sa loob ay nakaramdam na agad ako ng kaba. Nilibot ko ang aking paningin. Everything shouts with wealth. Ang yaman nga nila!

"Close your mouth. Nakakahiya ka," saway niya sakin. Hindi ko napansin na nakanganga na pala ako. Agad kong tinikum ang bibig ko at humarap. I should act elegant.

Bumungad sa harapan ko ang isang babaeng medyo may katandaan. Nakatalikod ito sa amin kaya hindi niya pa kami napapansin. Napalingon ako ni Uno na nakatingin din pala sakin nang maramdaman kong hinawakan niya ng mariin ang kamay ko at pinisil. Nginitian lang niya ako at nag-iwas ng tingin. Tiningnan ko ang mga kamay naming magkahawak. May parang kung anong kuryente akong naramdaman mula doon.

"Tita Feli," pagtawag niya sa babae. Humarap ito sa amin at ngumiti ng matamis. Maganda ito kahit matanda na. Napapansin ko rin ang kaunting hawig nila ni sir Martin. "Oh iho nandito ka na pala. How's life?" Lumapit siya kay Uno at nakipag beso ito.

"Still breathing pa naman auntie." Nakangisi nitong sagot sa auntie niya. They seemed close to each other.

"Stop joking will you? Is she?" Tiningnan ako ng auntie niya head to foot. Medyo nakakailang kaya napayuko nalang ako. Grabe naman kasi maka head to foot eh. Parang ini-examine niya pati kaluluwa ko.

"Hi po madam, I'm Jessica Valdez." Nahihiya kong pakilala. Ngumiti naman sakin ang auntie ni Uno tsaka bumeso na rin.
"Oh geez don't call me madam. Just call me Auntie. You're not a maid here, are you?" Mapakla akong ngumiti dahil sa sinabi niya. I felt something when she spoke that. Parang pinapamukha niya kasi sakin na isa lang akong maid.

"Right, auntie." Wika ko. Pinagsawalang bahala ko nalang yung sinabi niya kanina.

"Where's Frizzy?" Singit ni Uno.

"Miss me dear?" Narinig kong may nagsalita. Hinanap ko ito at nakita ko ang isang babaeng may brown at maalon na buhok. Nakasuot ito ng isang fitted na maroon dress. Nilingon ko naman si Uno at naabutan kong umasim ang timpla ng mukha nito. Nababasa ko ang pagsisisi sa ekspresyon niya.

Nilingon ko ulit yung babae na nagmamadaling bumaba sa hagdanan at agarang lumapit kay Uno. Dinambahan siya nito ng yakap na ikinagulat naman niya pati ako rin pala nagulat.

Binitawan ni Uno ang pagkakahawak niya sa kamay ko at marahang tinulak si Frizzy palayo sa kaniya. "Gosh it's been a while Uno! I missed you." Ika nito at akmang yayakapin ulit si Uno pero umiwas lang ito sa kaniya.

"Stop it." Reklamo ni Uno mula sa kakayakap sa kaniya. Tuluyan na ngang tumigil yung babaeng higad. Tama! Mukha siyang higad, kung makakapit kala ko wala nang bukas.

"You're still masungit." Conyong sabi nito. Yuck! Halatang nagpapacute ang bruha. Teka bakit ba inaaway ko siya dito sa isipan ko? Wala namang ginawang masama sakin yung tao. Ikaw talaga Jessica ugh!

Binaling ni Frizzy ang atensiyon niya sa akin at katulad ng nanay niya, sinuri rin ako nito mula ulo hanggang paa na puno ng disgusto. "Oh! You're the maid! So nice to meet yah." Turo niya sa akin na para bang sobrang close na namin sa isa't isa tapos nakipag-beso pa sakin. Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Ngayon may dahilan na ako para awayin siya. Ready na akong manuntok nang muling hawakan ni Uno ang kamay ko para pakalmahin ako. Nagtagumpay naman ito.

"Enough with that. Let's continue our talk while eating." Wika ni Auntie Feli at naglakad papuntang dining room. Sinundan naman ito ni Frizzy pero huling-huli ko pa ang pag-irap nito sa akin bago ako tinalikuran. The nerve!

"Ganyan ba talaga siya?" Baling ko kay Uno na kanina pa nakasimangot. Nilingon niya ako suot ang poker face niya. "Don't ask me. I hate her too." Sabi nito at nauna nang naglakad. Heh sungit! Sumunod ako sa kaniya.

DAMSEL SERIES 1: Twisted Fate (UNEDITED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon