Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan. Bakit nandito si Uno? Paano niya ako nahanap? At bakit siya may dalang baril?
Galit ba siya sa akin kasi bigla-bigla ko nalang siyang iniwan sa ere at plano niya akong patayin? Pero bakit si Aera ang tinutukan niya ng baril at hindi ako?
Ang daming tanong na gustong kunawala sa akin pero ni isa, walang nakalabas sa bibig ko. Para lang akong tangang nakatunganga sa kaniya.
"Jessica?" Halatang gulat na banggit niya sa pangalan ko l. Naguguluhan niya akong tiningnan at parang hindi rin makapaniwala.
Sana panaginip lang 'to.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at mahinang kinurot ang hita ko, umaasang hindi ito lahat totoo ngunit nabigo lamang ako nang nasa harapan ko parin sila pagkatapos kong dumilat.
Hindi ako makapagsalita.
"Jessica, it's you! It's really you! I thought I'd never see you again but you're here, alive and-" Nagagalak niyang salita pero naputol ito nang dumako ang paningin niya sa malaki kong tiyan.
"Pregnant." Mahina at parang nalulungkot niyang sambit.
Napaiwas ako ng tingin.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong. Napalunok ako nang mapunta ang aking paningin sa hawak niyang baril.
Napating din siya doon at parang natauhan. Mabilis niya itong ibinaba at binigay niya sa lalaking nakatayo sa likuran niya.
As if on cue, agad na lumapit si Ae sa akin at itinago ako sa likuran niya.
"I won't let you do anything to her." Wika ni Ae. Nararamdaman ko ang panginginig sa kaniyang boses.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kaibigan ko. Ano ba kasing nangyayari?
"They're here to kill you." Deretso niyang sabi na ikinatigil ko.
"What?" Napatakip ako sa aking bibig at hindi makapaniwalang binalingan si Uno.
Agad nagbago ang kaniyang ekspresyon.
"No! That's not it. We got the wrong person. I was searching for Gabriella Arcus but swear, I'm not going to kill her." Natatarantang paliwanag ni Uno na mas lalong ikinakunot ng noo ko.
"But she is Gabriella Arcus!" Mariin na sambit ni Ae at mas lalo pa akong itinago sa likuran niya.
Tiningnan ako ni Uno gamit ang naguguluhan niyang mga mata. Hinihintay ang salitang lalabas sa bibig ko upang makumpirma ang sinabi ni Ae.
Napatingin ako sa sahig at mahinang tumango.
"But you are Jessica Valdez. How come-"
"She doesn't exist. I made Jessica Valdez up. My real name is Gabriella Arcus." Pagputol ko sa salita niya at umalis sa likuran ni Ae.
"Gabi what are you doing?" Saway ni Ae sa akin.
"Ae can you give us a minute?" Paghingi ko ng pabor sa kaibigan ko sabay tingin rin sa taong nakatayo sa likod ni Uno.
"But-"
"Please?" Paki-usap ko. Parang nararamdaman naman niya ang tensyon sa paligid kaya wala ma itong ibang nagawa at pumasok sa loob. Umalis rin ang kasamahan ni Uno.
Ibinalik ko ang atensiyon sa lalaking nasa harapan ko.
Mababasa ko ang magkahalong hindi makapaniwala at pagkabigla sa mukha niya. Hindi ko siya masisisi. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ko sinabi ang totoo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
DAMSEL SERIES 1: Twisted Fate (UNEDITED)
RomanceGabriella Arcus was born to be the star in the field of pageants-according to her parents. No one opposes it since she has the beauty and brain. At the age of six, she already started her training to be a professional candidate until she reached her...
