Chapter 3

7.8K 140 9
                                    

A/N

* MUSTREAD*

THE CHAPTERS(esp 3, 4 and 5) WAS SCRAMBLED WHEN THE WATTPAD TOOK IT'S UPDATE (JUSMIO MARIMAR) palagi na lang🤦‍♀️.I consider to unpublish and re published the story but then naisip ko rin na baka pwedeng kayo na lang mag adjust lol (pls?). Hope you don't mind this bothersome click of back button here and then. Thank you my dear readers and my apologies.

Ps. Naloloka na din ako it happens to me twice.

Note to myself : wag mag update ng wp. app. kapag di pa talaga tapos ang story *phew

------------------------------

'' Sigurado ka na ba sa desisyon mo anak? '' si mom kinakakausap niya si eli tungkol sa pagpapatira niya sa akin sa condominium.

'' yes mom perhaps Eli needs a place to crash in malayo po kasi yung bahay na nirerentahan niya sa pinagtatrabahuan niya. Tumingin siya sa akin.

Naks galing umarte, medyo bilib na ako!

Napag usapan kasi naming dalawa na manirahan siya pansamantala sa condo. ko for the obvious reason. Ayaw niya nung una pero dahil nga sa sitwasyon namin ay napapayag ko na rin siya. Ang hirap pa naman kausap ng isang to.

'' okay para may kasama ka na rin at hindi kami masyadong mag alala sayo '' sagot niya kay eli at tumingin sakin si mom. '' salamat eli pumayag ka na samahan ang anak ko ''

'' ahm...ahm s..siya nga po yung dapat kong pasalamatan at papatuluyin niya po ako sa tirahan niya '' pag gawa ko naman ng isasagot ko.

'' oh siya sige kausapin ko lang yung doktor para makalabas na kayong dalawa '' hinimas himas ni mom ang likod ko bago lumabas ng kwarto. Nandito kami sa hospital. Mom insisted to have us check up para masigurado na maayos talaga ang kalagayan namin pareho. Nang sinabi naman ni doc na okay ang lahat ay umuwi na rin kami.

Dumiretso kami sa condo ko at si mom naman ay sa bahay. Ibabalita niya pa kasi kay dad na natagpuan na ako, kadarating lang niya from his travel at umuwi lang dahil sa balitang nahulog ako sa barko. Bibisitahin niya raw ako bukas. Natuwa ako dahil nag alala rin si dad sa akin. Minsan lang kasi yun mangyari dahil madalas wala naman siyang pakialam sa akin.

'' hey ba't nakatapis ka ng tuwalya??? '' pinandilatan ko siya ng mga mata.

'' maliligo? '' sagot nito at naglakad na patungong banyo.

Tumakbo ako at hinarangan siya bago makapasok sa loob.

'' ano? '' iritableng tanong nito.

'' h..huwag........ ''

'' huwag? ''

'' h....huwag mo a...akong s...silipan okay! '' utal utal at medyo kabadong sambit ko sakanya. Technically kasi ay makikita niya ang kabuuan ko when she take a shower.

Oh my god!!!

'' yun lang ba? don't worry may taste naman ako '' she smirks. Hinawi niya ako pagilid at pumasok na sa banyo.

Napatingin na lang ako sa saradong pintuan na naaasar na naman.

'' may taste daw siya? excuse me, tingin niya sa katawan ko? ''

Nagpapadyak akong nagtungo sa kusina at nagluto na lang muna ng makakain. Si eli lang kasi ang kumain sa hospital. Hindi naman ako basta basta kumakain sa kung saan. Mas gusto ko pa rin ang home made, yung luto ko. Kaya mabuti na lang talaga hindi siya nakita ni mom na kumakain sa hospital at naku magtataka talaga yun.

'' I'm hungry, anong pagkain? '' bigla na lang sumulpot ang ngayon ay naka shorts na itim at puting sando na si eli. Hinahayaan nitong tumulo sa balikat niya ang tubig mula sa kanyang buhok.

'' uso po ang pumunas at mag blow dry ng buhok '' sabi ko habang sumusubo ng hotdog. Tapos na ako magluto.

'' I don't do that kind of thing and I'm hungry '' sagot nito sabay kuha ng tinidor at umupo katapat ko. Agad itong kumuha ng hotdog at sumubo. Pagkatapos ng isa ay kumuha ulit ito hanggang sa maubos  ang 7pcs na prinito ko. Naka dalawa lang ako at siya 5.

'' mukhang gutom na gutom ah, hindi kumain kanina? '' sarkastiko kong turan.

Uminom lang ito ng tubig at umalis. Wala na talaga akong matinong masasabi sa babaeng ito, napaka isnob akala mo maganda! ahm... well maganda naman siya maliban sa pag uugali niya.

Tumayo ako at hinugasan na ang plato atsaka nag handa na rin para maligo. Dinaanan ko lang ang feel at home na si eli na nakahiga sa couch. Nakalagay ang parehong braso sa ilalim ng ulo niya at nakapikit. Napa buga na lang ako ng hangin bago dumiretso sa kwarto. Matapos kong kumuha ng damit ay tumuloy na ako sa banyo.

Hinubad ko na ang damit at inilagay sa labahan. Isinunod ko na ang damit panloob ng mapatingin ako ng di sinasadya sa hinaharap. Agad kong binawi ang tingin ko ng maalala ko na hindi nga pala ito ang katawan ko.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng hindi maalis ang hitsura ng hinaharap ni eli sa utak ko.

Gosh sorry hindi ko sinasadyang busohan ka.

Binuksan ko ang shower at binasa ang buong katawan. Sinabon sabon ko habang iniilagan ang maseselang parte.

'' Ang hirap palang maligo ng ganito diyos ko ''

Dahil hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng panginginit ay inuna ko na muna ang pagbanlaw sa buhok ko ng paulit ulit at ng medyo kumalma na ang pakiramdam ko ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na sabunin at kuskusin ang hinaharap ni eli.

'' goodness s...sorry talaga '' sambit ko habang nakapikit na kinukuskos ang dalawang umbok.

Ibinaba ko ang sabon hanggang sa may ibaba ng puson ng bigla na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

'' ano ba yan, go celestine kailangan mo yang linisin. '' Ibababa ko na sana ang kamay ko ng mapatigil na naman ako.

'' wala namang malisya eli promise ''

Hindi ko alam kung bakit kinakausap ko ang katawan ni eli pero mukhang kailangan ko talaga eh dahil mahahawakan ko ang bee hive niya.

Urgh!

Lumunok ako ng makailang ulit bago ibinaba ang kamay ko doon. Kinuskos ko lang ito ng madalian atsaka nagbanlaw na. Pakiramdam ko tuloy ay mas uminit ang pakiramdam ko matapos maligo.

Agad agad akong nagsuot ng bathrobe at binuksan ang pintuan.

''  Ayyy butiki!!! '' napatalon ako sa gulat ng tumambad sa harap ko ang nakapamewang at nakataasang kilay na katawan ko.

'' tagal, enjoy much ba sa katawan ko? '' she smirks again.

Ang kaninang nanginginit kong pakiramdam ay napalitan ng pagkalamig ng makaharap ko si eli with that kind of smirk.

'' h..hindi ah m..matagal lang t..talaga akong maligo ''

Pinasadahan naman ako nito ng mapanudyong tingin mula ulo hanggang paa. Inayos ko ang bathrobe ko dahil pakiramdam ko ay nahuhubaran ako sa ginagawa niya.

'' ahem ....'' I clear my throat '' eli i am warning you ha, d..don't ever try to....to touchmyprivateparts!!! '' sinadya kong bilisan yung last part kahiya kasi, namula nga ata ang mukha ko.

She smirks again '' I just did '' at tinaboy na naman niya ako bago pumasok sa banyo. She left me speechless.

Living in Miss Nobody's Body!!???  GxG story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon