Chapter 36

1K 45 0
                                    

'' my babe munchkin I'm home!!! '' masayang bati ni eli pero isang malutong na sampal ang sumalubong sa kanya.

PAK!!!!

'' anong!?? ''

'' Kailan mo pa ako niloloko eli!!!!! '' sigaw ko. Namilog ang mga mata ni eli. Halatang gulat na gulat siya sa inasal ko dahil kanina lang ay maayos kami pero ngayon ay galit lang talaga ang nararamdaman ko towards her.

'' ano bang sinasabi mo? at teka niloloko? kailan pa kita niloko!?? ''

PAK! (sa kabilang pisngi naman)

'' FROM THE VERY DAY YOUR EYES LAID ON ME. FROM THE DAY YOU TOLD ME YOU LIKE ME. FROM THE DAY YOU STEP YOUR FEET INTO THIS HOUSE NILOLOKO MO NA AKO!!! ''

'' Ano bang sinasabi mo babe, huwag ka namang ganyan pag usapan natin 'to hindi yung sampal ang inaabot ko sayo '' kalmado niya pa ring saad kahit alam ko na nasaktan ito sa mga sampal ko.

'' USAP? ANONG PAG UUSAPAN NATIN ELI. I THOUGHT MAHAL MO TALAGA AKO. AKALA KO TOTOO ANG NARARAMDAMAN MO SA AKIN. ANG TANGA KO ELI. ANG TANGA KO DAHIL NAPANIWALA MO AKO '' this time ay humahagulhol na ako sa pag iyak. Hindi ko na kaya pa na magpigil. Ang sakit na ang sakit na sa puso. Pakiramdam ko ay unti unti na itong napupunit sa loob ko💔.

'' Munchkin ano ba ang sinasabi mo? '' lalapit na sana siya sa akin.

'' Huwag kang lalapit sa akin and DON'T YOU EVER CALL ME THAT NAME!! ''

'' Ano ba ang problema? Tinatanong kita para maayos natin ito ''

Binato ko sa kanya ang litrato ni angel. Nahulog ito sa mismong harapan niya na nakatihaya. I saw how her face shifted like a crumpled paper.

'' I asked you pero anong sabi mo, sabi mo hindi yun litrato, na wala akong dapat ipagalala! '' bulyaw ko pa rin sa kanya.

Maluha luha niya akong tinitigan.

'' Ngayon mo sabihin eli, hindi pa rin ba dapat ako mag alala? All this time pinagmukha mo akong tanga. Angel looks like me..... '' pabalya kong tinuro ang larawan.

'' babe ''

'' tsk babe? talagang may gana ka pang banggitin yan sa pagmumukha ko. Sabihin mo at please kahit ngayon lang magsabi ka ng totoo... siya ba ang nakikita mo sa akin? '' hikbi ko pa rin. Wala na atang katapusan ang pagluha kong ito.

'' babe ''

'' please lang kahit ngayon lang parang awa mo na eli '' lalapit na naman sana ito sa akin pero humakbang ako papalayo.

'' pag usapan natin to celestine '' basag na rin ang boses niya. Pagtingin ko sa kanya ay umiiyak na rin ito.

'' Tama na ang pagpapanggap eli nahuli na kita. Just tell me eli SIYA BA ANG NAKIKITA MO TUWING TINITINGNAN MO AKO? TUWING HINAHAWAKAN? HINAHALIKAN? SIYA BA ELI? SIYA PA RIN BA!!!! ''

'' babe I'm sorry ''

'' SIYA BA??! ''

'' celestine ''

'' SIYA BA?!! SI ANGEL PA RIN BA?! '' halos mapatid na ang litid ko sa sobra kong pag sigaw. Aaminin ko na hindi ako handa sa magiging sagot niya pero ayaw ko na rin naman magpakatanga pa.

'' TELL ME ELI!! ''

Silence......

'' ELI SABIHIN MO SIYA BA? SI ANGEL PA RIN BA??!!!! ''

Tumango siya kasabay ng pagpatak ng napakarami niyang luha. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa naging sagot niya. Para na akong mamamatay sa sakit. Bakit ba ganito kasakit na masaktan ka ng taong mahal mo?! letse namang pag ibig ito oh.

Humahagulhol na ako ng labis at napahawak na rin sa dingding para sa balanse. Wala na wala na ba kami??

'' celestine I'm sorry pero --- '' pinatigil ko siya sa pamamagitan ng pagkumpas ng aking kamay.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay nais ko siyang sampalin ulit, pero para san pa? wala na rin, wala na ang lahat.

'' I...I don't want to hear anything, your answer is enough. Ang sakit eli, ang sakit sakit. Minahal naman kita pero bakit? bakit mo ito nagawa sa akin? '' pinupukpok pukpok ko ang aking dibdib para makita nya how painful it is for me. Maging ang para ng talon na pinanggagalingan ng aking luha ay mas nadoble pa sa mga sandaling ito.

Gusto ko ng makaalis dito, gusto ko ng hangin. Pakiramdam ko ay nauupusan na ako sa paghinga sa kakaiyak. Sinok na rin ako ng sinok. Hindi ko na mapigilan pa ang sari't sari kong mga emosyon.

Marahas kong hinablot ang susi ng kotse at tumakbo palabas ng condo. Narinig ko na tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa.

How can I turn back? kung ang dahilan ng kagustuhan kong umuwi sa araw araw ay siya rin ang dahilan kung bakit ngayon ay tumatakbo ako patungo sa kabilang direksyon?

All I wan't is to run, go far away from her and hopefully to end this misery.


Living in Miss Nobody's Body!!???  GxG story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon