Chapter 10

1.7K 79 3
                                    

Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni eli. She tried to talk to me pero sumama talaga ang loob ko kaya iniiwasan ko siya. She knows how education is really mean to me at napag usapan na namin ang bagay na ito, pero ngayon parang binalewala lang niya ang future ko.

Nalaman ni dad ang ginawa niya. Kaibigan kasi ni dad ang adviser namin this year. Sumugod siya agad dito sa condo. at pinagalitan ako. Although si eli ang kinakausap at sinisigawan niya in the end ako pa rin yun. Pinatunayan ko lang daw talaga na I am less than what he expected.

Hindi kasi talaga ako ganun katalino. Pero ginagawa ko ang best ko para mapanatiling mataas ang grado ko. Shane always help me especially sa mga subjects na nahihirapan ako like Medical and Surgical. Siya kasi talaga yung top 1 sa class. Natutuwa nga si dad kay shane kasi good influence daw talaga siya sa akin and he's right. Bukod pa dun ay napakabuting tao rin ng bestfriend ko at isa ako sa magpapatunay against sa mga taong hindi tanggap ang seksualidad niya like her relatives.

'' celestine? '' si eli.

Naghanda ito ng dinner. Sabado ngayon kaya nagtataka naman ako kung bakit ito nandito, madalas naman nasa labas siya hanggang madaling araw tuwing weekends.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa mini ref. para kumuha ng tubig. Nagugutom na ako pero mas mataas ang pride ko kesa sa gutom. tse!

Hahakbang na sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso, bigla na lang akong kinilabutan. Hindi dahil sa ang lamig ng kamay niya, kasama na rin siguro yun pero para kasing may gumapang na kung anong enerhiya sa buo kong katawan. Tinanggal ko sa pagkakahawak niya ang braso ko.

'' Cele look, hindi ko alam na ganun magagalit ang dad mo. Kung alam ko lang sana.....sana..... ''

'' sana ano? pumasok ka? well congratulations galit sa akin ngayon si dad '' I spat.

Nagsimula na ako maglakad palayo sa kanya.

'' I...i cooked for you! ''

so??? - sabi ng mataray kong isip pero ang katawan ko ay iba ang naging reaksyon. Parang kiniliti na ewan.

'' then eat that! '' pagtataray ko.

Nagpatuloy ako sa paglayo sa kanya at nakahawak na sa door knob ng kwarto ko ng sumigaw ito.

'' Sorry!!!!! '' napahinto ako sa pag ikot ng hawakan sa pinto. Nang hindi ako sumagot ng ilang minuto ay inulit niya ito. This time nakalapit na pala siya at nasa likuran ko na.

'' Sorry celestine, hindi ko sinasadya. Kain ka na please '' pagsusumamo niya.

Balak ko pa sanang magtaray ng bigla akong nakaramdam ng dalawang braso na pumapaikot sa aking bewang. Niyayakap ako ni eli... si eli na ayaw na ayaw magpahawak sa akin ay nakayakap  sa bewang ko ngayon ng sobrang higpit.

At heto na naman siya ang pagtambol ng sobrang lakas ng dibdib ko.

Ano ba ito???

Bakit nagkakaganito ako???

Hay!

------------------------

'' tama na ba to munchkin? '' Iniabot niya sa akin ang kanyang notebook. Pinapakita niya sa akin ang mga sagot niya sa assignment nila sa psychology.

Nakaupo kami sa study table ko dito sa kwarto.

'' yes tama, ang galing mo na '' ngumiti ako sa kanya.

'' talaga? ''

'' yep '' tumango pa ako.

'' sumakit ulo ko diyan eh. Ang hirap naman mabuti na lang nandyan palagi si shane para tulungan ako '' ngumiti siya. Eto yung unang beses na ngumiti siya ng ganito katingkad. Alam mo yun, yung alam mong totoong pagngiti. Madalas kasi napipilitan lang to eh especially kapag kaharap mga kaibigan ko.

Napatitig lang ako sa kanya habang tahimik itong nakaupo. Simula kasi nung magkaayos kami ay naging seryoso si eli sa pag aaral. Alam ko nahihirapan ito palagi nga sumasakit ang ulo niya. Sa totoo kasi kung hindi mo alam ang fundamentals ng lahat mahihirapan ka mag cope up sa susunod pero itong isang to ay talagang nagpupursige, nagpapakapuyat para lang makasagot sa mga quizzes at exams and I am commending her for doing a great job.

'' bakit ka nakatitig? '' tanong niya habang hinihilot ang sintido.

'' come here '' sagot ko, iwas na rin sa tanong niya. Awkward kasi at titig na titig talaga ako sa kanya kanina.

Hinawakan ko kamay niya at pinaupo sa kama.

'' ako na gagawa niyan sayo ''

Sinimulan ko ang paghilot sa ulo niya.

'' ako na nakakahiya ''

'' no I insist... ikaw itong marami ng ginagawa para sa akin ano ba naman ang hilutin kita bilang pasasalamat diba '' sabi ko pa habang ipinagpatuloy ang pag hilot.

'' sige if that's what you want '' mahina niyang pagsagot. Narinig ko rin siyang mahinang tumawa. Napangiti na lang din ako.

Ibang iba na talaga si eli ngayon. Minsan sinusumpong pa rin siya ng emong eli pero madalas ibang side ng elixsandra ang pinapakita niya.

'' gusto mong humiga? '' tanong ko, nakita ko kasi na nakapikit na ang mga mata niya. Antok na siguro, sarap kasi kapag may naghihilot sa ulo mo o kahit humihimas himas lang sa buhok at anit mo diba? diba? ump!

'' pwede? '' inaantok niyang sambit.

'' oo naman ''

Agad siya humiga sa kanang parte ng kama matapos alisin ang panloob niyang tsinelas. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya, ipinagpatuloy ko naman ang paghilot. Habang ginagawa ko yun ay hindi ko mapigilang mapatitig sa magandang mukha ni eli. Never naman akong naging attracted sa babae o nakaramdam ng kakaiba pero bakit sa kanya may iba??

She makes me feel that I like her..

like???

Hindi naman siguro like pero gusto ko siya.

gusto? diba ang english ng gusto ay like???  - sabi ng mahadera kong utak.

'' ay oo nga pala '' mahina kong sagot sa sarili ko.

Darn ngayon para na akong loka loka na kinakausap ang sarili.

Iniling ko ang ulo ko at itinigil ang paghilot. Huli na ng mapansin ko na nakatitig na naman ako kay sleeping beauty.

Napalunok ako ng mapatitig ako sa maninipis at mapupula kong labi. Kainis mukha ko nga pala ang tinititigan ko at eto rin ang sinabihan kong sleeping beauty.

'' silly '' sambit ko ulit habang nakangiti na parang wala sa sarili.

Hinawakan ko ang pisngi ko, but the ironic thing here hindi ko mukha ang nakita ko kundi ang mismong mukha ni eli. Sa araw araw kasi namang ginawa ng diyos ay nasaulo ko na ang bawat detalye ng mukha niya maging ang maliit na dimple niya sa ibaba ng labi na mas nagiging prominent everytime she smiles.

'' thank you eli '' bulong ko sa tenga niya before kissing her on the cheek and go to sleep while hugging her.

Living in Miss Nobody's Body!!???  GxG story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon