Chapter 16

1.6K 78 5
                                    

Limang araw na ang nakakalipas matapos ang kantahang naganap dun sa bar at eto rin ang parehong bilang ng araw na mas lalo kong napatunayang gusto ko talaga si Eli. Hindi na rin ako nilubayan pa ng mga paru paro na nakita ko sa lugar na yun.

Dahil gusto ko pang mas maliwanagan sa aking nararamdaman ay tinawagan ko si ate charity kagabi at nagtanong. Wala naman mas ibang makakatulong sa akin kundi siya lang. Ang tagal na rin kasi nila ni kuya Lyndon, boyfriend ni ate. Mag aapat na taon na sila.

Naalala ko pa ang sinabi ni ate, she told me that you'll know na gusto mo talaga ang tao kapag you are starting to care for them, yung tipong alam mong may iba. Hindi niya rin daw maipaliwanag dahil in terms of love may mga bagay talagang hindi kailangan ng explanation all you have to do is to feel.

Nagtanong ulit ako, sabi ko eh papano kung kabaliktaran mo ang taong ito at hindi mo pa talaga lubos na kilala?

Medyo natawa si ate. Madalas daw eto yung worries natin. Kesyo hindi kilala at magkaiba or ibang iba siya sa standards mo o sa iniimagine mo.

'' kaya nga may sinasabi tayong opposite attracts diba? kahit minsan lang yun mangyari nangyayari pa rin and one more thing hindi mo kailangan makilala na parang nag mememorya ka sa quiz o sa recitation mo sa klase ang pagmamahal. May oras naman para mas maging closer kayo kahit sa history pa niya and that time na tinutukoy ko is everyday '' yan ang sabi ni ate.

Napaikot ako sa kama, una sa kaliwa then sa kanan. Nang makaramdam ako ng pagkainip ay bumangon na ako. Mag aalas otso na rin kasi ng umaga.

Pumasok muna ako sa banyo para mag ayos ng sarili. Dahil ang diretso mo ng paglabas ng kwarto ay ang living room, naabutan ko si eli na gising na rin at nakaupo. Hawak at tinititigan niya sa kanyang kamay ang yosi at lighter.

'' aga aga magyoyosi ka? '' tumingin siya sa akin.

'' I don't do smoke '' plain niyang sagot.

'' ah hindi ba? akala ko kasi eh ''

Lumabas na ako ng tuluyan sa kwarto.

'' Eh bakit meron ka at palagi mo pang dala? ''

'' dahil gusto ko lang '' napakunot ako ng noo bago sumagot.

'' pwede ba yun, may dala ka dahil sa gusto mo lang? ''

'' oo naman, may mga bagay naman na ginagawa mo dahil gusto mo at walang dahilan diba? ''

Ay parang katulad ng sinabi ni ate kagabi

'' sabagay ''

Tumayo siya at tinungo ang basurahan. Tinapon niya ang kahon ng yosi at pansindi. Pag ikot niya paharap sa akin ay inunahan na niya akong magsalita. Napansin niya siguro ang reaksyon ko.

'' may mga bagay kasi na kailangan kong i let go..... ''

Naglakad siya at tumapat sa akin.

'' at simulan '' dugtong niya.

'' huh? ''

'' gusto kita alam mo ba yun? ''

Nagulat ako ng bigla niya itong sabihin. Bigla ding lumamlam ang mga mata ni eli na hindi matinag sa pagkakatitig sa akin.

'' hindi mo ba nararamdaman o napapansin man lang? '' tanong niya pa.

'' ang? ''

'' na gusto kita ''

'' pero? ''

'' pero babae tayo pareho? ''

Para namang na guilty ako bigla, lumungkot kasi ang mukha ng kausap ko.

Living in Miss Nobody's Body!!???  GxG story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon