Chapter 8

2K 78 2
                                    

'' palitan mo yang sapatos mo eli ''

'' ano bang mali sa sapatos ko? diba white uniform kayo and white shoes, puti naman ang suot ko ah ''

Tumingin kami pareho sa sapatos niya.

'' puti nga sneakers naman ''

'' so........? '' pinahaba niya pa ang kanyang nguso.

'' anong so, ay di magpalit ka. First day of school ngayon tas magpapasaway ka, may I remind you eli. Hindi pasaway na student si celestine '' tumango tango lang siya na parang nang aasar lang.

'' ba't ba pinapakialaman mo ang gusto kong sapatos? una kahit ayaw kong pumasok sa eskwelahan ay gagawin ko pa rin, pangalawa what's wrong with sneakers like duh? puti pa rin yan. Eh ang palda niyo nga ang ikli ikli '' reklamo pa nito.

Natatawa na ako actually pinipigilan ko lang. Mga reaksyon niya kasi na parang bata at.......

'' isa pa...... '' simula niya ulit hindi pa pala tapos pag tantrums niya.

'' isa pa hindi nga ako nagreklamo when you dyed my hair to black tapos ikaw pinapakialaman mo sapatos ko '' dagdag niya sabay nag crossed arms.

Napakagat na lang ako ng labi para mapigilan ang pagtawa. Halatang halata kasi ang pagkairita nito sa lahat ng pinapagawa ko sa kanya maging sa suot niya, ang sikip sikip daw ng uniporme ko hindi na siya halos makahinga.

'' Listen eli nagkapalit tayo ng katawan kaya wala kang choice kundi magpanggap na ako at ako ikaw. Secondly I dyed your hair kasi ang pangit ng pink na color and third kung hindi man ako ang magsasabi niyan sayo ngayon si dean ang magagalit sayo mamaya.''

Nanahimik siya at napabuntong hininga na lang. Nagpapadyak ito na tinungo ang kwarto para magpalit ng sapatos.

'' okay na ba?? '' suot na niya yung school shoes ko talaga.

'' hmmmmm yes better ''  simangot lang sinagot niya sa akin.

si eli talaga.

---------------

'' so tanda mo na ba ang mga sinabi ko sayo about them? '' tukoy ko sa mga kaibigan ko.

Nandito na kami sa sasakyan.

'' Oo si shane yung bestfriend mo na nagtampo sayo dahil hindi ka nakasama sa kanila last time, si Luka yung manliligaw mo, matangkad at blonde ang buhok. Si marites ang joker ng grupo, si Analisa ang pinakamaganda daw sabi niya at si Brit ang may nunal sa may labi aka pinakamadaldal. ''

'' wait sinong analisa? wala akong kaibigang analisa ''

san naman kaya nito napulot ang pangalang yun?

'' ay wala ba? eh ano bang name nung isa? ''

'' A...A...A '' pilit niya pa rin inaalala.

'' hindi sa A nagsisimula ang name niya ''

'' ay hindi ba? favorite ko kasi ang letter A eh ''

Sumulyap ako sa kanya.

paborito niya ang letter A? bakit kaya.

Tatanungin ko sana pero naunahan niya akong magsalita.

'' aha! Letter M pala Malak, bakit ganun pangalan niya? saudi ba siya? ''

'' hindi pero yun ang naisip ipangalan ng nanay niya sa kanya eh. In english it means Angel '' ngumiti ako.

Ay A din pala yun nagsisimula.

'' angel '' mahinang ulit niya.

Lumingon ako sa kanya ng huminto kami pansamantala sa traffic light. Mukhang nagbago ang mood nito after niya mabanggit ang angel.

Living in Miss Nobody's Body!!???  GxG story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon