Chapter 24

1.3K 60 0
                                    

'' nakita niyo si shane? '' tanong ko sa mga kaibigan ko. Dalawang araw na rin kasing hindi ito nagpapakita o nakikipag usap matapos yung naging usapan sa condo.

'' hindi eli eh tinatawagan ko nga yung babaeng yun at may tatanong ako ang kaso hindi sumasagot sa tawag '' sagot ni marites na nakaupo katabi ni malak. Si brit naman ay katabi ko. Nandito kami sa pizza hut.

'' may problema ba si shane? '' tanong ni malak habang nagtatap ng daliri niya sa mesa, inip na inip na kasi siya sa tagal ng pag dating ng order namin.

'' haaaay ang tagal naman ng pagkain, gutom na ako '' and right on cue tumunog nga ang tyan nito.

'' gutom ka na nga '' nakangising biro ni britany habang busy kakakalikot ng cellphone niya. Agad siyang pinansin ni marites.

'' brit ano ba katext mo naman ba ang boyfriend mo, kanina ka pa sa cellphone mo ah '' umirap naman itong isa.

'' gaga wala akong boyfriend and fyi may iba akong gusto noh. Hinahanap ko lang yung text ni shane last 2 days. Pinagpatuloy niya ang pag scroll sa phone niya.

'' gotcha! oh eto sabi niya pupuntahan niya lang daw si celestine ''

'' oh tapos? '' si malak

'' tapos na ''

Binato ni malak ng tissue si britany.

'' bwisit ka talaga, sarcastic much ano pang sabi ni shane? '' ibinato naman pabalik ni brit ang tissue dun sa isa.

'' bwisit ka rin, maka sarcastic ka eh yun lang naman talaga text niya. Tingnan niyo pa oh '' pinahaba nito ang braso niya at itinapat sa mukha nung dalawa ang kanyang cellphone.

'' see, yun lang ang text niya ''

'' so it means si celestine lang makakasagot ''

Napa buntong hininga na lang si marites.

'' sino pa nga ba, magbestfriend ang dalawang yun, asan nga pala si cele. eli? ''

'' ahm nagpaiwan sa bahay eh masama daw pakiramdam '' tumango lang si marites. Hindi naman talaga masama pakiramdam nung isa, tinatamad lang daw siya lumabas. hay.

'' baka nag away yung dalawa '' dagdag pa nito.

'' I doubt mahal na mahal ni shane si celestine pero.....ahm baka nga '' si malak.

Hay naku tama bang pag tsismisan nila kami, guys nandito ako kaharap niyo. phew!

'' eli may alam ka ba sa nangyayari dun sa dalawa? '' tuyaw ulit sa akin ni marites.

'' huh? a e hmmm wala eh atsaka tingin ko magiging maayos naman rin ang lahat sa dalawa kung may pag hindi pagkakaunawaan. ''

'' sabagay tama ka kahit naman dati pa nagkakatampuhan yun pero etong isang chinita (tukoy niya kay shane) kahit gaano kataas ang pride pag dating sa bestfriend niya ibinababa niya eto at siya ang sumusuyo. ''

'' truth at parang hindi na tayo nasanay, madalas pa nga awayin si cele ng mga babae ni shane dahil napagkakamalan siyang mang aagaw sa sobrang closeness nila, hay kung hindi nga lang natin sila mga kaibigan kahit ako mag iisip na mag jowa ang dalawang yun. Iba eh '' si brit.

Talaga naman oh oh tsismis pa more, andito ako guys!!!

Magsasalita pa sana si marites ng bigla ng dumating ang waiter.

'' here's your order mam '' Inilapag na ng waiter ang hawaiiiiiiaaan pizza at double cheese naman ang isa pa.

'' wow large talaga pareho ha '' biro ko.

Living in Miss Nobody's Body!!???  GxG story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon