Chapter 22

1.3K 64 1
                                    

'' luka!!! '' sigaw ko ng maispatan ko itong mabagal na nagbibisekleta sa kabilang kalsada. Mukhang hindi niya ako narinig kung kaya inulit ko ang pag tawag ng mas malakas kumpara nung una.

Inipon ko muna ang hangin sa loob ko sabay buga.

'' LUUUKAAAA!!!! '' at nayanig ang buong paligid. Nagka bitak bitak ang kalsada at nagsitumbahan ang mga poste ng kuryente. Syempre charot lang di naman nayanig napalingon lang ang tinatawag ko.

Inikot nito ang bike niya at pumarito sa akin.

'' oh eli bakit? '' tanong niya kaagad pagkahinto sa tapat ko.

'' ahmm ''

'' may kailangan ka ba sakin? ''

'' wala naman ''

'' so trip mo lang ang pagtawag sa akin ganun ba? '' ngumisi ito. Napatingin ako sa kanyang pawisang mukha pababa sa kanyang basang sando.

urgh!

Hay ang pogi naman ng lalaking ito, pakitanong nga ulit ang sarili ko kung bakit hindi ko siya nagustuhan?

'' eli yohooo!!! '' pagtawag niya ng aking pansin. Kinakaway kaway niya ang kaliwang kamay sa tapat ng mukha ko.

Iniling iling ko ang aking ulo para makabalik sa aking ulirat.

'' sorry napatulala na pala ako, nakaka....ammm....nagulat kasi ako sa katawan mo, may muscles ka pala noh '' wala sa loob kong sambit.

Tumawa ng malakas si luka.

'' matagal na yan nandyan mabuti ka pa napansin mo, si celestine hindi man lang yan nakita kahit halos nagsisigaw na mga muscles ko para pansinin niya '' tumigil muna ito pansamantala para uminom ng tubig.

'' I enrolled to the gym for her '' sambit nito.

'' huh? ''

ano daw? nag enrol siya sa gym for me?? 🤔🤔🤔

bingi na ata ako

Oo tama nabingi lang ako.

'' I said nag gym ako para kay celestine, ang payat payat ko kasi dati. Alam mo yun isang ihip lang ng hangin eh maililipad na ako, nahiya naman ako sa hitsura ko. I want to be a man to celestine, gusto ko maging makisig para sa kanya. Pero..... '' hinigpitan niya ang paghawak sa manubela.

'' pero....? '' I trailed off.

'' pero she's not into me. She's into someone. '' kumunot ang noo ko at mas napakunot pa ng tumitig siya sa akin.

'' take care of her eli. I'll entrust her to you. ''

Sumakay siyang muli sa bisekleta at umalis. Ngunit bago ito tuluyang makalayo ay nagpreno ito at sumigaw pabalik sa akin.

'' you're the man!!! ''

Tiningnan ko lang si luka hanggang sa makalayo na. Narinig ko naman na may tumatawag sa akin.

'' miss! ''

'' miss ''

'' miss kukunin mo pa ba itong ice cream mo?? ''

Lumingon ako sa likuran.

'' ah opo '' sagot ko kay kuyang surbetero, yung sa nestle.

Ayan tuloy natunaw na yung binili ko. Dapat kasi hindi na muna niya nilabas eh.

'' kuya pakipalitan na lang po, tunaw na eh ''

Bago man lang ako binigyan ng panibago ay umiling muna si kuya. Problema niya eh magbabayad naman ako. Kaloka, mga tao nga naman.

tsk!

Habang naglalakad ay iniisip ko pa rin mga sinabi ni luka.

So alam niya? nahalata na niya sa amin?

Oo halata naman talaga sa inyo ni eli eh

shut up wag ka magulo dyan.

Sa gusto ko magsalita, atsaka kelan ba kayo aamin? kapag nabuntis ka na niya???

Napatigil ako sa sinabi ng utak ko. Ang haliparot ko ba? kasi pumayag ako kaagad kay eli?

😬

Ay naku bakit ko ba iniisip yun mahal naman namin isa't isa so it doesn't matter. Atsaka hindi naman niya ako mabubuntis.

wahaha *evil laugh.

Wait! mahal nga ba ako ni eli?? hindi pa naman siya nagtatapat talaga eh. hay. Bahala na.

Patakbo kong tinungo ang condo. Balak ko sanang gulatin si eli pero pagkabukas ko ng pintuan ay ako ang nagulat. Nakaupo ng naka dekwatro sa sala si shane ang masiste pa dito ay magkasalubong ang mga kilay nito, senyales na may magaganap na imbestigasyon.

I gulped.

Living in Miss Nobody's Body!!???  GxG story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon