Chapter 27

1.2K 52 0
                                    

Sa sandaling yun ay nasubok ang tatag at galing namin bilang indibidwal at mapa grupo sa samu't saring laro.

Una: who first to blink lose. Lahat ata kami ay naging winner walang kumukurap eh lahat dilat na dilat ang mga mata na nakatitig sa isa't isa.

Pangalawa : Stop dance - yun nga lang walang tugtog na pop na nagaganap maliban sa kabog ng mga puso namin ni eli gawa ng sobrang kaba. At oo naka stop talaga kami pati nga ata kamay ng orasan ay nakisama rin, pakiramdam ko kasi ay hindi na ito umiikot pa.

Pangatlo : Group yourself/selves(warevs) -into two, dito natalo si ate charity kasi magkahawak kamay pa rin kami ni eli at nakagrupo kami whereas si ate ay mag isa lang and the last.

Pang apat : Charades - ito sana ang gagawin namin next week pag uwi ni ate, ang kaso nahuli kami ng wala sa oras.

Hay.

'' hi? '' patanong na bati ni ate charity sa nakatulalang kami. Wala kami nasagot kundi ang paglunok lang ng laway.

'' soooo magtititigan na lang ba tayo dito? '' si ate ulit. Pinisil ko ang daliri ni eli.

'' a...ate chari...ri....ri...ty '' putol putol na sambit ni eli. Halatang halatang kinakabahan ito. Maging ako rin naman eh, naiihi na nga ako sa sobrang kaba.

'' mabuti naman at naalala mo pa ako baby sis, para kang natuklaw ng ahas sa hitsura mo. '' Isinara na niya ang pintuan.

'' hindi mo ba yayakapin ang ate? '' ngiting dagdag pa niya sabay bukas ng kanyang dalawang braso.

Pinisil ko ulit ang daliri ni eli senyales na lumapit siya kay ate.

'' masaya ate ang aga mo ata umuwi. I thought next week ka pa? '' yumakap na si eli.

Halatang halata ang pagkamiss ni ate sa akin. Ang higpit kasi ng pagkakayakap nya kay eli. Naiinggit ako gusto ko rin yakapin ang kapatid ko.

'' I missed you so much cele. I'm happy to see you again '' malaki ang ngiting namutawi sa kanyang magandang mukha.

Kahit sobra pa rin ng kaba ko ay nagawa kong pagmasdan ang panganay kong kapatid. Mukhang namayat si ate (grabe ata ang work sa abroad, kawawa naman), pero mas pumuti siya at mas lalong humaba ang tuwid niyang buhok that compliments more her beauty. Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata naming dalawa.

'' baby sis pakilala mo naman ako sa katukaan mo. ''

me - 😳 (katukaan talaga kainis to si ate.)

'' ate naman '' napahawak sa batok si eli mukhang pareho kami ng nasa isip. Natawa si ate charity.

'' biro lang to naman '' naglakad sya at lumapit sa akin. Nagpakilala siya at inilahad ang kamay sa akin.

'' hi I'm charity older sister ng...ahm I bet girlfriend mo ''

Lumingon siya sa likod at lihim na kumindat kay eli. Ibinalik niya atensyon sa akin pagkatapos.

'' I...i'm Elixsandra Nobody po, nice meeting you ate '' kabado kong kinuha ang kamay niya at bumitaw na rin after the hand shake.

'' so.... ''

'' so??? '' si eli.

'' kayo nga? may relasyon kayo? ''

Wala na rin rason para itago pa ang lahat kung kaya'y umamin na kaming dalawa.

'' opo ate '' sagot ni eli sabay lapit sa akin.

'' hmmmmm okay ''

'' okay? so okay lang sayo ate?! '' bulalas ko, nagulat kasi talaga ako na payag si ate sa relasyon namin. Akala ko mag iiba na ang tingin niya sa akin.

Naglakad si ate charity patungo sa sofa at naupo. Tiningnan niya kami pareho na hindi pa rin nakakagalaw sa aming mga posisyon.

'' Ano ba kayong dalawa, wala namang problema sa akin. It's love, basta mahal niyo ang isa't isa that's it. Wala yun kung sino o kung lalaki o babae as long nagkakaintindihan kayo at yun nga you feel the same way then who am I to be against right? Isa pa matalino at matanda na si cele. Alam ko na alam niya ang ginagawa niya '' ngumiti na naman si ate.

Sa totoo lang ito ang isa sa best traits ni ate ang maging pala ngiti, siya yung palaging in good mood/in good vibes. Parang gusto niya positive lang palagi kahit nakikita niyang negative na ang paligid she's digging into it para makakita ng mahahawakang positibong bagay. Napakaintindihin din niya at hindi basta basta nanghuhusga, that's why she is my idol kahit noon pa.

'' anyway dito muna ako ngayong gabi ha. Nagpaalam ako kay dad at sinabi ko na gusto ko munang makasama ang kapatid ko and luckily may isa pa pala akong makakabonding. '' tumayo ulit ito at lumapit sa amin. Hinawakan ni ate ang parehong balikat namin ni eli.

'' don't worry okay, lahat ay magiging maayos. I know hindi pa to alam ni dad at mom right. Your secret is safe gals '' kumindat na naman ito sa amin at niyakap kami bago sabihin ang balitang muntik ko ng ikahimatay (charot), kinagulantang lang naman.

'' be ready tomorrow night. Dad will prepare a dinner for us ''

'' huh? '' sambit ni eli.

'' Don't worry nandun naman ako baby. Remember what I told you before, ate will take care of you at hindi kita pababayaan. And that promise has no expiration date ''

With her words kahit sobra ang kaba ko, ito ay unti unting naglaho dahil alam ko, na kahit ano man ang maging kaganapan bukas ay nandyan si ate, si ate na mahal na mahal ako.

Living in Miss Nobody's Body!!???  GxG story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon