Chapter 6

2.3K 83 1
                                    

'' WHAT? ginising mo ako ng maaga for this? paglalakarin mo ako??? '' reklamo ko.

Papano wala pang 4 am binato na niya ako ng unan at gumising na daw ako. Hindi pa nga ako kumakain ng breakfast dahil sabi niya baka tanghaliin kami, so ako naman kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta ay nagdali dali ako dressing up myself.

Nagbyahe kami ng mahigit 2 hours bago makarating dito sa bundok. And now almost halfway na daw kami. Ang nakakaloka lang hindi man lang niya sinabi kung anong gagawin namin dito.

'' diba you wan't to talk? so eto yung kondisyon ko '' pang aasar nito.

Pawis na pawis na ako at pakiramdam ko ay sobrang lagkit ko na while her on the other hand parang hindi man lang nahihirapan sa ganitong kahabang lakaran.

At wait eto daw yung conditon niya? akala ko ba yung.....yung.......kiss?

I told you it was not a kiss.

'' hoy okay ka lang? '' tawag niya sa akin.

'' h...uh?? y...yes ''

bakit ba palagi akong natutulala kapag kasama ko siya? celestine naman!!!

'' para ka kasing timang diyan ''

'' ano ako timang?! ''

'' whatever! '' pagtataray nito at naglakad na naman palayo sa akin.

Wala akong nagawa maliban sa sumunod sa kanya. Nagsimula kaming maglakad ng 6:30am at ngayon ay 8am na, nagugutom na talaga ako. Ang layo na ng nalakad namin at pagod na pagod na rin talaga ako. Tumigil ako pansamantala at humawak sa puno. I gasped for air, grabe ang kabog ng dibdib ko sa pagod.

'' eli wait! '' sigaw ko pero tuloy tuloy pa rin eto.

'' ELI!!!!!!!!!!!!!!'' mahabang sigaw ko dahil nadulas ako at kamuntikan ng mahulog sa bangin kung hindi ko lang nagawang makahawak sa sanga ng puno.

Tumingin ako sa baba, agad umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa katawan ng makita ko kung gaano kalalim ang bangin sa ibaba. Makapigil hininga kong pinilit maabot ng isa ko pang kamay ang sanga.

'' ELI HELP !!!!! '' sigaw ko ulit.

'' Celestine?????? '' narinig ko siyang tumatawag, papalapit na ang boses niya sa akin.

'' ELI NANDITO AKO!!! ''

'' CELESTINE!!! ''

Nang makita niya ako ay kaagad niyang ibinaba ang backpack at lumuhod.

'' MAHUHULOG NA AKO ELI!!!! '' nagpapanic ko nang sambit, ramdam ko na ang pagdulas ng kamay ko sa sanga. Naghahanap rin ang paa ko ng maaaring apakan pero wala, sa bawat pag apak ko ay siya namang agad agad na pagkahulog ng mga bato sa ibaba.

'' HERE GRAB MY HAND! '' iniabot niya ang kanang braso niya. I stretched up my left arm and hold on her. Hanggang sa mahila na niya ako paakyat. We stumbled at napaibabaw ako kay eli. We are both gasping for air, wala akong pakialam kung awkward ang posisyon naming dalawa. Inihilig ko ang ulo ko sa my leeg ni eli at saglit na nagpahinga sa lugar kung saan nakadama ako ng seguridad. Naramdaman ko naman na pinaikot niya ang braso niya sa katawan ko.

'' are you okay? '' tanong niya.

Eto yung unang pagkakataon na tinanong niya ako at naramdaman ko na she meant every single word she said.

'' okay na ako salamat sa pag sagip '' sagot ko habang bumubuhat mula sa pagkakapatong sa kanya. Umupo ako sa lupa kaharap niya.

Nagtaka naman ako ng bigla niyang kinuha ang braso ko.

Living in Miss Nobody's Body!!???  GxG story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon