"H-hello. Nasaan ako?"
Naramdaman ni Manolo na hindi siya nag-iisa. Dinig niya ang hinga ng lalaki.
"S-sino ka? Filipino?" Tanong ni Manolo.
Hindi umimik si Kenji na pinagmamasdan siya, nakaupo sa malapit.
"American?"
Hindi sigurado si Kenji sa sasabihin at ang nasabi niya ay, "Y-yes..."
Diretso ang Ingles ni Kenji, wala siyang accent. Mapapaisip si Manolo.
"A-are you from the ship? LST-708?" Tanong niya.
Pamilyar si Kenji sa designation ng binanggit na bapor--American vessel ito.
"Y-yes."
Napangiti si Manolo, nakahinga nang maluwag. Kaibigan ito, wari niya.
"I was on the ship too," masayang sabi ni Manolo. "What is your name?"
Napaatras si Kenji, nabigla sa tanong. At sinabi ang unang Amerikanong pangalan na naisip niya.
"Joe."
TITULO: Ang Huling Pagsuko MANUNULAT: GYJones
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Malilimutan
Historical FictionMga litanya, dayalogo o eksenang tumatak sa akin mula sa mga istoryang aking nabasa sa kategoryang historical fiction dito sa Wattpad Pilipinas. PETSA NG PAGPASKIL: Ika-30 ng Nobyembre 2018