53

27 4 0
                                    

"Ngunit bakit kailangang sumunod ng isang dalaga sa kung ano man ang dapat niyang ikilos ayon sa dikta ng sociedad?" Tanong ni Anastacia na ngayon ay nahihirapan sa kanyang puwesto habang minomolde ang luwad.

"Sa tingin ko'y ang luwad ay parang isang dalaga. Kung paano mo siya hulmahin ayon sa iyong nais ay siya rin ang kinalalabasan nitong imahe. Ang pagtingin ng sociedad sa dalaga ang nagiging dahilan ng hugis at hitsura ng dalaga. Ang estado ng babae ay tila isang banga rin. Hangga't malambot pa at maaari pang baguhin ang hitsura nito, maaari pa itong magbago. Ngunit kung ito'y nakaranas ng matinding init mula sa isang hurno at dumaan na sa maraming proseso, ano man ang gawin mo'y hindi mo na mababago ang hugis nito sapagkat ito'y matigas na. Kung nais mo mang baguhin ang matigas at naproseso nang banga, maaari itong mabasag."

TITULO:
La Escapador

MANUNULAT:
YellowLock

Mga Hindi MalilimutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon