69

27 2 0
                                    

"Bilang kaparusahan sa inyong pagtataksil sa mga nakasaad sa reporma ay inuutusan kita Thomas na patayin si Señorita Maria..." Usal ni Don Alfonso.

Nanlaki ang mga mata ni Señorita Maria nang itutok sa kanya ni Thomas ang baril na hawak nito.

Nakaawang lang ang bibig niya habang dumadaloy sa kanyang pisngi ang mga luha mula sa kanyang mga mata...

Sa isipan ni Catherine ay may bigla siyang nahinuha. Ito! Ito ang tagpong iyon na madalas niyang mapanaginipan sa kasalukuyan. Ang tagpo na kung saan ay tinutukan siya ni Thomas ng baril at sasabihin ang mga katagang...

"Memento Mori..." Nanginig ang mga kamay ni Thomas. Kitang-kita ni Catherine kung gaanong hirap iyon para kay Thomas. Hindi siya makapagsalita. Ang alam niya lang ngayon ay kahit ano pa ang gawin ni Thomas sa kanya ay mahal niya pa rin ito.

"Memento Mori. Memento Mori. Alalahanin mong mamamatay ka Maria ngunit alalahanin mo rin na mahal na mahal kita..."

"Thomas..."

"Memento Mori. Alalahanin mong mamamatay ka pero..."

TITULO:
Memento Mori:
A Love Story from 1804

MANUNULAT:
JoeyJMakathangIsip

Mga Hindi MalilimutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon