"Mga mamamayan ng Ilocandia," panimulang sabi ng kawal na may dalang pagbasa sa kanyang hinahawakang papel. "Sa araw na ito ay masasaksihan ninyo ang nakatakdang pagparusa kay Ginoong Condrado Guevarra. Sa pangyayaring ito ay makikita ninyong lahat kung gaano kamakamakapangyarihan ang nabubuhay na batas ng ating pamahalaan na dapat lamang sundin na may buong paggalang at katiwasayan."
Inilapit naman agad nang may hawak na mga kawal ang matandang don at muli ay iniharap ito sa buong madla.
"Ikaw, Ginoong Condrado Guevarra, mamamayan ng bayan ng Sangrevida, sa taglay na kapangyarihan ng batas ng pamahalaan ng Ilocandia at ng Kahariang Espanya, ikaw ay bibitayin ngayon sa garote sa salang pagtataksil sa iyong bayan," ang pagbasa ng kawal.
Pagkatapos ng pagbasang ito ay dinala na ng tatlong kawal si Don Condrado sa upuang de rayos, ang garote at tinanggal na rin ang mga kadena. Pinaupo nila ang don sa itim na upuan. Pagkatapos ay sunod na iginapos ng mga kawal sa mga nakakabit na mga bakal na posas ang mga kamay at mga binti ng yaong don.
"Ngayon at nalalabi na ang iyong buhay, Ginoong Condrado Guevarra, ito na ang tamang pagkakataon mo na magsalita at umamin sa malaking kasalanang iyong nagawa. Ito'y sa gano'n mabawasan ang iyong mga kasalanan bago namin ibigay sa iyo ang kaparusahang kamatayan. May sasabihin ka ba sa harap ng iyong mga kababayan, ang iyong pinagtaksilan?" Wika ng kawal sa nakaupong don.
Sa pagdaan ng ilang sandali, tumawa na lang bigla ang matandang don. At kasabay sa pagkagitla at mga pagtataka ng mga tao dala nang pagtawang ito, bigla na lamang niya isinigaw nang buong lalim at lakas ang mga salitang, "Viva Filipinas! Viva Indios!"
Ito ang parehong mga salitang huling isinigaw ni Damian Vicente sa lahat bago ito ibinitay noon.
TITULO:
Ang Bampirang IlustradoMANUNULAT:
rickyxpie
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Malilimutan
Historical FictionMga litanya, dayalogo o eksenang tumatak sa akin mula sa mga istoryang aking nabasa sa kategoryang historical fiction dito sa Wattpad Pilipinas. PETSA NG PAGPASKIL: Ika-30 ng Nobyembre 2018