38

42 6 0
                                    

"Datu Mananagat..." Mahinahon ang boses ng lakan nang magsalita. Hinatak niya palapit sa kanya ang pising hawak ng kawal. Dahil hindi inaasaha'y napalakad patungo sa kanya ang lalaking kanina'y tuwang-tuwa bumugbog sa kay Rauyan. "Sa isang ito magsisimula ang digmaan..."

At sa isang iglap ay kumilos ang kanang kamay ng lakan at iwinasiwas sa leeg ng kawal. Bumulwak ang dugo sabay ng pagkagulat ng kawal.

Malahayop ang ngisi ni Rauyan nang itulak palayo ang nag-aagaw buhay na lalaki. Para itong sako ng buhanging nabuwal sa lupa. "Sa lahat ng nagpahirap sa akin, tumakbo man kayo'y huli na!"

"PATAYIN SILANG LAHAT!" Bulyaw nang nabiglang datu.

TITULO:
Babaylan (Ika-5 Aklat)

MANUNULAT:
Fangsie

Mga Hindi MalilimutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon