"Matagal ko na ring hindi naisasayaw sa hangin ang aking panabas, Bae. Sumasamba kami sa diyos ng digmaang si Gurama-un," aniya. Napasinghap ang ilan nang marinig ang maalamat na pangalan ng nasabing diyos. "Likas marahil sa aming Mamamana na masabik sa digmaan."
"Hindi ka ba natatakot?" May alinlangan ang boses ng babaeng nagtanong. Nilinga siya ni Talahib at para siyang nanliit nang mga sandaling iyon.
"Ang takot ang siyang tatalo sa iyo, kaibigan."
TITULO:
Talahib (Unang Aklat)MANUNULAT:
Fangsie
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Malilimutan
Historical FictionMga litanya, dayalogo o eksenang tumatak sa akin mula sa mga istoryang aking nabasa sa kategoryang historical fiction dito sa Wattpad Pilipinas. PETSA NG PAGPASKIL: Ika-30 ng Nobyembre 2018