"Saan kayo pupunta?"
Lumingon si Victor sa kanya at ngumiti.
"Magic. Gagawa ako ng magic." Naupo si Victor sa director's chair.
"Gagawa raw siya ng magic," kuwento ng matandang Andrea. "At ang kanyang magic words ay..."
"Lights! Camera! Action!" Sigaw ni Victor sa megaphone. Pagkasabi'y bumukas ang malalaking spotlights. Gumalaw ang mga crane ng camera. Ang mga actor at actress sa kanilang makukulay na costumes ay nagsayaw. Sabay-sabay. Parang umaalon ang kulay ng kanilang kasuotan. Umiikot. Umaangat. Bumababa. Isang kaleidoscope ng color and motion. Sa mata ni Andrea, ito ang magic ng pelikula na sinasabi ng director. Napuno siya ng pagkamangha at kasiyahan.
TITULO:
Dugo sa BughawMANUNULAT:
GYJones
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Malilimutan
Historical FictionMga litanya, dayalogo o eksenang tumatak sa akin mula sa mga istoryang aking nabasa sa kategoryang historical fiction dito sa Wattpad Pilipinas. PETSA NG PAGPASKIL: Ika-30 ng Nobyembre 2018