"Bakit siya nagsisibak? Hindi pa magaling ang sugat niya sa likod, hindi ba?" Takang tanong ng pinuno.
"Hindi mo ba alam, Babaylan?" Ani Ka Efa, makahulugang tinitigan ang pinuno. "Nanunuyo ang diyaske sa iyo." Napakunot-noo si Tanglao. Nagbungisngisan naman ang iba pang naroon.
"Para saan pa ang panunuyo niya? Kasal na kami."
"Kaya nga siya nanunuyo sa iyo, Babaylan... dahil ikinasal kayo ng walang nangyaring ligawan." Paliwanag ni Kista.
"Nan... liligaw siya?" Biglang uminit ang tenga ng Babaylan, namula ang pisngi at hindi niya maipaliwanag ang pagsirko ng kanyang tiyan.
TITULO:
Tanglao
(Ika-2 Aklat sa Seryeng Hiyas)MANUNULAT:
Fangsie
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Malilimutan
Historical FictionMga litanya, dayalogo o eksenang tumatak sa akin mula sa mga istoryang aking nabasa sa kategoryang historical fiction dito sa Wattpad Pilipinas. PETSA NG PAGPASKIL: Ika-30 ng Nobyembre 2018