Chapter 2

5.1K 61 0
                                    

HINDI lumabas ng kanyang silid si Mela hanggang sa dumilim. Nang sumapit ang hapunan dinalhan siya ng pagkain ng bunsong kapatid pero hindi niya iyon ginalaw. Pasado alas-onse na ng gabi nang lisanin niya ang kama, noon pa lang siya nakapagpalit ng damit. Masamang-masama ang loob niya sa mga magulang dahil sa ginawa ng mga ito sa kanya. Naisip niyang hindi siya mahal ng mga ito dahil ganoon na lang siya ipinagkasundo ng mga ito sa kung sinong lalaki. Hindi ba naisip ng mga ito ang mararamdaman niya? O mismong ang mga magulang niya ay ganoon ka-helpless ang tingin sa kanya na wala na siyang pag-asang makakita ng magiging asawa? Ngunit ano man ang palagay ng mga ito ukol doon, para kay Mela mali pa rin na ipakasal siya. Kaya nang mga sandali ring iyon isang desisyon ang nabuo sa kanyang isip. Mahirap man para sa kanya na gawin iyon, gagawin niya dahil iyon lang ang paraan na nakikita niya para ipa-realize sa mga magulang na nagkamali ang mga ito ng desisyon.

Naglakad siya patungo sa kabinet, kinuha niya sa ang mga damit at ipinagsasalpak iyon sa isang maleta. Maingat na binuksan niya ang pinto at nagpalingon-lingon sa kabuuan ng bahay. Nang masigurong walang kahit sinong makakakita sa kanya maingat na lumabas siya ng kanilang bahay.

Dahil malalim na ang gabi, kailangang maglakad ni Mela dahil wala ng pampublikong sasakyan ang bumibiyahe sa kanila ng ganoong oras. Safe naman sa lugar nila kaya hindi siya natakot na maglakad. Isa pa, malapit lang naman ang pupuntahan niya dahil ang kanyang destinasyon ay sa bahay ng best friend niyang si Sia. Nang malapit na siya sa bahay ng dalaga nagpadala siya ng text message dito.

Help! #CODETG

Ilang sandali lang ang lumipas at tumunog ang cellphone niya, nakatanggap siya ng reply galing kay Sia.

Copy!

Binilisan ni Mela ang paglalakad. Nang ilang metro na lang ang layo niya sa bahay ng kaibigan ay nakasalubong siya ng naglalakad at nakasaklob ng kulay puting kumot. Nagtayuan kaagad ang mga balahibo niya. White Lady ba ang kasalubong niya? Sa isipin pa lang na iyon pinangatalan na siya ng laman. Likas na matatakutin siya kaya nga hindi kaya ng puso niya ang manood ng horror. Napatigil siyang bigla sa paglalakad at saglit na nag-isip. Ah, mapipilitan siyang bumalik, at talagang kailangan niyang kumaripas ng takbo pabalik sa kanila dahil ang lintik na White Lady hindi tumitigil sa paglalakad at palapit na nang palapit sa kanya!

Inipon niya ang lakas at tumalikod, handa na siyang pumatikad ng takbo nang biglang magsalita ang White Lady.

"Hoy, Mela!"

Biglang-paling si Mela paharap, ngayon ay nakikita na niya ang mukha ng White Lady. At napagtanto niyang hindi multo ang nasa harap niya kundi si Sia. Nasapo niya ang dibdib at malakas na nagbuga ng hangin.

"You scared the hell out of me!" naiinis na wika ni Mela at hinila ang kumot.

"Akin na nga 'to!" Nakipag-tag of war si Sia sa kanya. "Bakit ba inagaw mo ang kumot ko?"

"Para ka kasing timang! Lumabas ka ng bahay n'yo at naglakad sa gitna ng kalsada na nakatalukbong ng kumot na puti dis oras na ng gabi!"

"Aba, ay nataranta lang naman po ako sa text mo kaya bigla akong napabangon. Matutulog na kaya ako. Eh, ang lamig-lamig sa labas, sa pagkataranta ko hindi na ako nakapagsuot ng jacket kaya itong kumot na lang ipinangbalot ko. Papunta na nga ako sa inyo, eh. 'No ba kasi ang nangyari?" Napadako ang tingin nito sa maletang dala niya. "Teka, ang laki ng dala mong bag. Mukha pang busog. Saan ka magka-camping?"

"Baka gusto mo akong patuluyin sa loob ng bahay n'yo since mukha tayong tangang dalawa dito?"

"Ay, oo nga. Come!" Hinila siya ni Sia patungo sa bahay nito.

Chasing Hearts 4: Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon