MATAAS na ang sikat ng araw ng magising si Mela. Ilang araw na siyang puyat simula noong alagaan niya si Van nang magkasakit ito, nang mga sumunod na araw naman ay naging busy siya sa paggawa ng menu nila para sa café. Malapit na iyong mag-operate at hinihintay na lang na maayos ang mga finishing touches. Ang balak ng kasosyo niyang si Ruen buksan iyon sa petsa ng kaarawan nito which is the twenty-seventh day of December.
Mukhang si Van ay naging busy rin dahil ilang araw ding hindi niya nakikita ang binata. Kung minsan pa nga ay parang hindi niya nauulinigang umuwi ito ng apartment. Nagtitimpla siya ng kape nang biglang nasipat niya mula sa bintana si Van na lumiban ng bakod. Hindi niya napigilan ang mapahalakhak nang makitang muntik na itong magsubasob dahil nawalan ng balanse nang lumapat ang mga paa sa lupa. Nakabukas nang mga sandaling iyon ang pinto sa sala kaya dumiretso na ito sa pagpasok sa loob.
"Kagigising mo lang?" tanong nito nang maupo sa silyang katapatan niya.
"Oo, eh." Itinaas niya ang tasa ng kape. "You want some coffee?"
"Nah!" Umiling ito. "Medyo hindi maganda ang lagay ng sikmura ko."
Napakunot ang noo ni Mela. "Kagagaling mo lang sa trangkaso ngayon may aberya ka na naman? Sinisikmura ka?"
"Parang gano'n na nga." Ngumiwi ito nang panlisikan niya nang mga mata.
"Malamang dahil nalipasan ka ng gutom kaya ka sinisikmura."
"I've been very busy lately. Wala na sa oras ang pagkain ko."
Tumayo siya at nagkalkal sa cupboard.
"Ano'ng hinahanap mo?" tanong nito.
"Naghahanap ako noong herbal tea na ibinigay sa 'kin ni Sia last time." Nailabas na niya ang lahat ng laman ng cupboard pero wala siyang nakita. "Sayang, ubos na pala. Mabisa pa naman 'yon sa sinisikmura."
"I'm fine, iinom na lang ako ng gamot sa hyper acidity at solve na ito."
Bumalik si Mela sa kinauupuan. "Hindi rin masyadong maganda 'yong puro synthetic drugs ang tine-take. Masama sa katawan ang chemicals na meron 'yon."
Kumunot ang noo nito. "Albularya ka ba?"
Pinitik niya sa noo si Van at tumawa. "Hindi! Mukha ba akong albularya?"
"Ah, hindi naman masyado..." Ngumiti ito.
"Nurse ang panganay namin kaya marami akong natututunan sa kanya pagdating sa mga usaping medikal. Iyong mga kung ano-anong tradisyonal na mga methods at panggagamot napulot ko naman sa mga matatandang kapitbahay namin. Kapag kasi doon ka nakatira sa min sa Ta—probinsiya marami kang matututunan talaga." Napahigop siya ng kape na mainit pa pala kaya napaso ang dila niya. "Aray, ang init!"
Muntik na siyang madulas sa harap ni Van. Ang isda nga naman, nahuhuli sa sariling dila.
"Okay ka lang?" Natatarantang tumayo ang binata para daluhan siya.
Pero sa kasamaang palad ay natapunan pa ito ng kape sa damit nang bumangga siya rito dahil nagkasalubong sila pagtayo niya.
"Ay, sorry!"
Mabilis na hinubad ni Van ang suot na t-shirt na natapunan ng mainit na kape. Ipinangalandakan na naman nito ang machong katawan sa kanya. Almusal, solved! Burrp! At para-paraan din lang, ang palad niya mismo ang ipinunas niya sa bahagi ng tiyan nitong natapunan ng kape.
So much tsansing for today, Mela!
Napapansin niya sa sarili na habang lumilipas ang mga araw na magkasama sila ni Van nag-e-evolve ang monster sa loob niya. Such a pervert monster!
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts 4: Best Mistake
RomanceNagalit si Mela at bumanat nang layas sa bahay nila nang malamang ipapakasal siya ng ama sa lalaking ni hindi niya kilala. Marriage is sacred, she must marry for love. One day, she met Van-the man who stole her heart and captivated her soul. Natagpu...