MALIWANAG pa lang umalis na sina Mela at Van para makarating sila sa bahay ni Pau ng tama sa oras. Ayaw niyang ma-late dahil sigurado siyang masesermunan siya ng kaibigan. Para silang dadalo ng binata sa isang prom dahil sa mga suot nila. She was wearing a powder blue silk halter dress while Van was on a three-piece suit. Hindi niya alam kung ano ang nakain ni Pau at ganoon pa ang naisip nitong dress code. Mabuti na lang at nasa mall sila kanina nang tumawag ito kaya nakabili siya ng damit na isusuot.
Habang nagmamaneho si Van, pinagmamasdan niya ang binata. Bagay na bagay dito ang suot at nagawa nitong dalhin iyon na para bang iyon ang klase ng damit na isinusuot nito sa araw-araw. Bagaman medyo magulo pa rin ang buhok ni Van, hindi naman na ito mukhang bagong gising na hindi maalam manuklay. Ayon dito, iyon daw mismo ang fashion statement nito. At bumagay naman dito ang ganoong ayos kahit paano. Bagong ahit din ang binata kaya fresh and young kung titingnan. Malayo na nga ito sa Van na una niyang nakilala noong kasal ng kaibigang si Genel. Ito ang best example ng evolution of a handsome man. Teka, ano raw?
Biglang tumunog ang cellphone ni Mela kaya nawala ang atensiyon niya kay Van. Ang pangalan ni Sia ang nakita niyang nakabandera sa screen nang kunin niya iyon sa loob ng bag.
"Hello, Sia."
"Nasaan na kayo?"
"Malapit na kami sa kina Pau. Why?"
"Just checking."
"Oka—" Naputol na ang tawag, hindi man lang nito tinapos ang sinasabi niya.
"Bakit daw?" tanong ni Van. Iniliko na nito ang sasakyan papasok sa lugar nina Pau.
"Wala naman nagtanong lang."
Ilang metro ang layo sa bahay ni Pau itinigil na ni Van ang sasakyan dahil wala na itong paparadahan doon. Ilang sasakyan na kasi ang nakapila sa labas ng bahay ng kaibigan niya.
Naunang bumaba ito at ipinagbukas siya ng pinto. Pagkababa ni Mela, iniabot sa kanya ni Van ang regalo niya.
"Ay salamat, muntik na 'tong mawala sa isip ko."
Magkasabay silang naglakad patungo sa bahay, hawak pa nila ang kamay ng isa't isa. Siguro napakakaswal lang ng pakikipaghawak-kamay para kay Van ngunit para kay Mela ay may ibig sabihin iyon. Ilang gabi rin niyang pinagninilayan ang tungkol sa kakaibang nararamdaman para sa binata.
"Nandito na sila!" malakas na anunsiyo ni Wilmer nang mapadaan ito sa nakabukas na pinto ng sala at nakita sila.
Sinalubong ni Pau sina Mela at Van nang pumasok sila ng bahay. Yumakap ang kaibigan sa kanya at nagbeso-beso silang dalawa.
"Ito, regalo ko." Iniabot niya rito ang bote ng champagne na nilagyan pa niya ng kulay pulang ribbon.
"Naku, nag-abala ka pa. Salamat, Tets! Halina kayo, naghihintay na sila sa dining."
Nagulat si Mela nang pumaikot ang braso ni Van sa kanyang baywang. Wala siyang sinabi at hindi siya tumutol sa ginawa nito. Ngunit napakahirap itago ng totoong nararamdaman. Dama niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi, alam niyang pinamumulahan na siya ng mukha. Nang dumating sila sa dining nakapako ang tingin sa kanila ng mga bisita na para bang sila ang bituin ng gabi. Ah, ewan ba niya! Baka siya lang ang nag-iisip ng ganoon.
Pau's family were present, of course. Magkatabi ang magnobyong Sia at Ruen, sunod sa mga ito ay ang mag-asawang Genel at Earl. Sa kabilang panig ay naroon si Abby katabi ang lalaking hindi niya kilala. Sa tabi ni Abby napiling pumuwesto ni Mela para magkatapatan sila ni Sia. Ipinaghila pa siya ng silya ni Van na parang isang prinsesa. Humawak pa ito sa siko at likod niya upang alalayan siya sa pag-upo. May pagka-gentleman din naman ang mokong.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts 4: Best Mistake
RomanceNagalit si Mela at bumanat nang layas sa bahay nila nang malamang ipapakasal siya ng ama sa lalaking ni hindi niya kilala. Marriage is sacred, she must marry for love. One day, she met Van-the man who stole her heart and captivated her soul. Natagpu...