Chapter 10

6.9K 133 5
                                    

NAPANGIWI siya nang magmulat ng mga mata, ang kulay puting pintura ng ospital ang sumalubong sa kanya. Nang igala niya ang paningin nakita niya ang mga kaibigan na magkakatabing nakaupo sa couch, nakapatong ang ulo ni Sia sa balikat ni Abby. Ang kay Abby ay sa balikat ni Genel nakapatong habang ang ulo ni Genel ay nakapatong kay Pau. Si Pau naman ay tuwid na tuwid na nakasandig sa pader. Natawa siya sa hitsura ng mga ito dahil halatang pinagkasya lang ang mga sarili sa couch. Nang magawi naman ang tingin niya sa gilid ng kama ay nakasubsob doon si Van, mukhang nakatulog na rin sa pagbabantay sa kanya.

Ngayon hindi na lang ang buong katawan ni Mela ang masakit kundi maging ang puso niya at pagkatao. Nagsinungaling sa kanya ang kaisa-isang lalaking minahal niya. Akala niya tama na ang lalaking minahal niya, subalit mali pala... It hurts, you know!

Nang bumukas ang pinto ng hospital suite ay nagtulug-tulugan siya, pero iminulat niya ng kaunti ang isang mata. Isang nurse ang pumasok at binisita ang dextrose niya pagkatapos ay ginising nito si Sia na siyang malapit dito. Kitang-kita niya kung paanong na-transform sa beast mode ang kaibigan niya mula sa pagiging maamong tupa noong tulog ito.

"Bakit?" mataray na tanong nito sa nurse.

"Hanggang dalawang companion lang po ang pu—"

"Lolo ko ang may-ari ng ospital na ito kaya 'wag kang ano diyan. Gan'tong ngayon lang ako nagkaroon ng tulog sa loob ng apat na araw, naku."

Hindi na nakaimik pa ang nurse at lumabas na. Nang luumapat ang pinto naghagikhikan ang mga kaibigan niya sa kabila ng pagkakapikit ng mga ito. Anak ng teteng, at gising pala ang mga bruha!

"Lolo ko ang may-ari ng ospital na ito kaya 'wag kang ano diyan. Gan'tong ngayon lang ako nagkaroon ng tulog sa loob ng apat na araw, naku!" panggagaya ni Pau kay Sia, animated nga lang ang dito dahil may kasama pang pagtarak ng mata at paggalaw ng nguso.

Lalong lumakas ang tawanan ng mga ito kaya imunulat na niya nang todo ang mga mata.

"Kayo talaga, kahit kailan... Igalang n'yo naman ang natutulog."

Pinagtaasan lang si Mela ng kilay ng mga ito.

"Gising ka na naman, eh!" malakas na sabi ni Pau.

Gumalaw ang ulo ni Van, mukhang naalimpungatan sa lakas ng boses ng dalaga. Itinuro niya sa mga ito ang lalaking natutulog sa kanyang tabi.

"Ah, siya?" ani Abby, malakas din ang tinig.

Eksasperadong napabuntong-hininga si Mela, halata naman sa mga itong sinasadya na para magising ang binata. Ngali-ngali niyang mabato ang mga ito ng dextrose. Kaya lang ay naudlot ang plano niya nang maalala ang lalaking nakabundol sa kanya.

"Maalala ko... namataan ba ninyo rito 'yong lalaking nakabundol sa 'kin?"

"Yes." Tumayo si Abby, pumisik-pisik pagkatapos ay nag-inat. "Unfortunately but fortunately the poor guy is my big boss. His name is Chrome Zaiden Valderama. Ipinagbilin na niya sa 'kin na bayaran ang bill mo at ibigay ang lahat ng kakailanganin mo habang nakaratay siya sa kabilang kuwarto. He passed out when he entered the hospital."

"What?"

"Magkasabay kayong ipinasok ng ER, Tets! My God!"

"Melanie..."

Biglang nanigas si Mela nang marinig ang boses ni Van. Pinanatili niya ang tingin sa mga kaibigan at sinikap na huwag lingunin ang binata. Nararamdaman pa niya ang sakit sa kanyang puso dahil sa kagagawan nito.

Pinandilatan niya ang mga kaibigan nang magsipagtayuan ang mga ito at iniwan sila ni Van.

"Melanie, I'm sorry..." anang binata sa basag na boses. "Pakinggan mo naman ang paliwanag ko, o..."

Chasing Hearts 4: Best MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon