MAAGANG gumising si Mela nang umagang iyon, mas maaga kaysa sa regular na gising niya tuwing umaga. Kailangan kasi niyang mamili sa palengke ng mga kakailanganin sa pagluluto ng mga pagkaing dadalhin sa Sta Ana-San Joaquin Home For The Aged sa bayan nila sa Tanauan. Simula rin nang maglayas siya isang buwan na ang nakakaraan iyon pa lang din ang muli niyang pagtapak sa lugar. Bahagi na ng buhay niya ang pagkakawang-gawa, binibigyan siya ng kakaibang saya sa buhay ng pagtulong niya sa kapwa. Ilang taon na rin simula nang mag-umpisa siyang gumawa ng charity work tuwing malapit na ang pasko. This year, ang pagpapasaya sa mga matatandang wala ng pamilya at nangungulila naman ang naisip niyang gawin. Sinabihan niya ang mga kaibigan at ilang kasamahan sa church, hiningi ang tulong ng mga ito, at hindi naman siya binigo.
Inaayos ni Mela ang bag nang biglang makarinig siya ng busina sa labas ng apartment. Biniyabit niya ang bag at lumabas ng bahay, nagtataka at nag-iisip. Sino ang bubusina sa tapat ng bahay niya ng ganoon kaaga?
Isang kulay pulang van ang nakatigil sa harap ng apartment, at nang bumaba ang windshield bumungad sa kanya ang isang guwapong-guwapo at preskong Van na nakasuot ng shades hindi pa man sumisikat ang haring araw. Binuksan nito ang pinto ng passenger's seat. Natawa si Mela nang maalala si Edward Cullen ng Twilight Series, parang binigyang buhay ni Van ang karakter ng kanyang long-time fictional crush. Kaya naman hayun at mas lalong nawala sa katinuan ang puso niya.
"Hop in!" anito, ibinabandera na naman ang ngiti nitong wagas na wagas.
Napakunot ang noo niya. "Bakit?"
"Sabay na tayong magpunta roon." Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito.
"Huh?" Walang naaalala si Mela na may pupuntahan sila ni Van. Isa pa kung meron man, hindi niya maaaring ipagpalit ang charity work niya.
Napakamot si Van sa noo.
"Hindi ba sinabi ni Earl sa 'yo na ako ang representative nilang mag-asawa?"
"Wala naman silang sinasabi sa 'kin..." Ang dami mang hanging question sa isip ni Mela sumakay na rin siya ng van. "Kaninong van ito?"
"Nakuha ko lang diyan sa tabi-tabi." Pinaandar na nito ang sasakyan.
"Luko-luko ka!" Hinampas niya sa braso ni Van na eksaheradang umigik.
"Siyempre joke lang. Hiniram ko ito sa isa kong kakilala. Sira ang kotse ko at hindi ko pa nakukuha sa talyer dahil wala pa akong pantubos. Isa pa, hindi tayo kakasya roon." Tinapunan siya nito ng tingin sandali at ibinalik na ang atensiyon sa daan. "Susunduin ba natin ang mga kaibigan mo?"
"Kikitain natin sila sa city proper ng Tanauan. Saka mamimili pa kami. Doon tayo magluluto sa bahay nina Pau."
"Okay, ituro mo lang sa 'kin ang daan."
"Sure." Umayos si Mela ng upo.
Ilang sandali ang lumipas at nagsawa siya sa katitingin sa mga nadaraanan nila. Naisip niyang tanungin si Van.
"How are you related to Earl?"
Bumusina ito nang may makitang asong nakahiga sa gitna ng daan.
"Minsan siyang nagkaroon ng project sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. We met a couple of times and became friends later on, good friends."
"So... ano ba talagang trabaho mo?" Nilingon niya ito, nanatiling nakatutok ang atensiyon nito sa daan.
"I'm a marketing consultant."
She was surprised.
"Hindi halata, ha. Bakit parang hindi ko naman napapansin na umaalis ka ng apartment?"
"I'm on leave."
"Oh... I see."
"How about you?" He gave her a sideway glance.
BINABASA MO ANG
Chasing Hearts 4: Best Mistake
RomanceNagalit si Mela at bumanat nang layas sa bahay nila nang malamang ipapakasal siya ng ama sa lalaking ni hindi niya kilala. Marriage is sacred, she must marry for love. One day, she met Van-the man who stole her heart and captivated her soul. Natagpu...