1

91 9 9
                                    

Leigh's POV

"Guys! Kailangan na nating tapusin 'yong research natin. Tsaka sabi ni mama namimiss na rin niya kayo kaya pwede tayong mag-sleepover sa bahay. Kung gusto niyo sabay-sabay na tayong lahat mamayang uwian. Nakangiting anunsiyo ni Jamaica, Jam for short. She's pretty, petite, with a perfectly curved eyebrows, kissable lips, and pointed nose. She also is the richest in our group.

"Marami ba kayong stock ng pancit canton, Jam?" Nakangiting tanong ni George na tinanguan naman ni Jam.

Lalo mamang napangiti si George sa tabi ko sabay palakpak ng kamay. "Ayos! Mabubusog na naman ako neto ah haha"

"Baka mga bulate mo sa tiyan kamo haha!" Natatawang sabi ni Jam. Ganyan silang dalawa. They're acting na parang mga bata. Daig pa minsan sila Tom and Jerry kung magbangayan.

"Haha baka puwet mo may bulate! Ikaw, Leigh sasama ka ba mamaya?" Lingon sakin ni George. Well, cute siya. Maputi, tapos makapal 'yong kilay niya, matangos din ilong niya at medyo chubby siya na nagpadagdag sa cuteness niya.

Hindi ko pa man tuluyang naibubuka ang bibig ko ay sumingit na si Jam. "Hep hep. Magtatampo si mama 'pag 'di ka pumunta"

"May sinabi ba akong 'di ako pupunta?" Sagot ko naman habang nakataas ang kilay na nagpangiti sa kanila.

"So that means you're coming with us?" Tanong ni Jam. Masyado bang exage kung sasabihin kong abot langit ang ngiti niya? Haha.

"Well, wala rin akong sinabing pupunta ako" sagot ko na nagpakunot naman ng noo nila. "So hindi ka pupunta?" Tanong ni George.

Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago sila sinagot. "You know my parents, right?"

"Ngayon lang naman 'to, para naman sa research e. Kung gusto mo ipaalam ka namin kanila tita" Ang namimilit pang sabi ni Jam.

"They are in Singapore right now, celebrating thei-" hindi ko pa man din natatapos ang sinasabi ko ay bigla namang sumingit si George. "E wala naman pala sila a. Anong kinakatakot mo?"

"Sila papa lang ang wala, meron sila ate sa bahay and you know them, istrikto sila sa pag-uwi ng maaga and they have their motto na hindi ko kailangang maki-sleepover dahil may sarili kaming bahay." Ang walang gana kong sagot sa kanila na siyang nagpabuntong hininga kay Jam.

"Hays, as expected. Hindi ka na naman makakasama. Kung bakit kasi napalibutan ka ng mga alagad ng batas." Singit naman ng katatapos lang mag retouch na si Karla---na pinanganak na Karl.

My father is a retired general, mom is a lawyer, I also have an older sister who is a forensic examiner which then married to a soldier. I can say that I am very lucky to have this kind of family. Maybe because no one tries to mess up with me. Pero hindi rin naman maiiwasang mainis. Dahil nga sa alagad sila ng batas e lagi silang updated sa mga balita which pushed them na mas maging istrikto.

"Nasa bahay namin ngayon si Alex. Nasa business trip kasi ang parents niya." Anunsyo naman ni Jam na nagpalaki ng mga mata ko. Shocks, nakalimutan kong magpinsan nga pala sila.

"Is that a joke?" Hindi makapaniwalang tanong ko na ikinataas ng kilay niya. "Do I look like a comedian now?"

Matagal ko nang crush si Alex. Who wouldn't? Siya lang naman ang Editor in Chief ng Publishing Office ng school. Matalino, kulot, matangkad tapos pogi. Tapos 'yong pinaka gusto ko naman sa mga traits niya ay 'yong pagiging friendly niya. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit maraming kababaihan at kabaklaan ang nagkakagusto sa kanya.

"Well, overnight is different from sleepover. Just make sure na maiuuwi niyo ako sa bahay before 10pm " Abot langit naman ang ngiti nila at sabay sabay na sumagot ng "Oo" and right after that ay nag-message na agad ako sa bahay para magpaalam kay ate and she agreed, basta before 10pm daw ay dapat nasa bahay na ako.

Matapos ang usapan ay sabay-sabay na kaming pumunta sa classroom namin para sa klase namin.

We're now on our last year in highschool. In few months maghihiwa-hiwalay na kami ng landas. Many are planning to get a degree sa pagiging abogado and some are going to pursue courses na may kinalaman sa pagtuturo. Well, considering the fact na yun ang mga courses na naka-align sa strand na kinuha namin-HUMSS.

Me? I want to be a news writer. A journalist. Sadly, tutol dito ang pamilya ko. Nakabaon na raw sa hukay ang isang paa ng mga mamahayag. Ewan ko kung anong tingin nila sa mga trabaho nila dahil kung tutuusin ay kalahati na ng katawan nila ang nakabaon sa hukay. But considering the fact that they are still my parents at sila pa lang ang nagpapalamon sa akin, I cannot complain- ang toxic na paniniwala ng mga nakatatanda.

"Do an advance reading about our next lesson para sharing of ideas na lang ang gagawin natin bukas. Goodbye" Ang pagtatapos ng teacher namin bago ito lumabas ng classroom. At this age, I really don't think na marami paring mga estudyante ang naga-advance reading para sa mga future lessons. Let's face the reality, majority of the students nowadays would choose na mag-scroll na lang sa facebook or twitter kahit na wala silang kachat than to do an advance reading.

Right after our last subject ay sabay-sabay na kaming apat papunta sa bahay nila Jam. Hindi naman kami inabot ng matagal dahil na rin sa may sarili silang kotse at hindi na namin kailangang pumila pa sa sakayan ng jeep.

Pagpasok namin sa bahay nila Jam ay bumungad sa amin ang napaka-eleganteng bahay nila. Knowing that they are RICH at isang sikat na architect ang papa niya ay given na talagang maganda ang bahay nila.

Nagpatiuna na si Jam sa amin para hanapin ang mama niya na natagpuan namin sa garden ng bahay nila. "Ma, we're here" pag-agaw niya sa pansin ni tita.

"Oh, you're here!" Turan ni tita Jamilyn na agad namang lumapit pagkakita niya sa amin. "Good afternoon po, tita" Pagbati naming tatlo sa kanya with matching beso.

After ng maikling kwentuhan ay pinaakyat na kami ni tita sa kwarto ni Jam para masimulan na namin ang dapat naming gawin.

Habang paakyat sa mala-palasyong hagdan nila Jam ay panay ang paglingon ko sa kaliwa't kanan para makita si Alex. Ewan ko ba pero na-disappoint ako kasi hindi ko pa rin siya nakikita.

"Kung si Alex ang hinahanap mo ayun siya o" Pagtawag ng pansin sakin ni Jam sabay nguso sa kung nasaan ang lalaking hinahanap ko. Sinundan ko naman ang itinuturo ng nguso niya at nakita ko si Alex na palabas sa kanyang tinutuluyang kwarto, ang hot niyang tignan sa suot niyang sando. Hindi pa naman ganoon ka toned ang mga muscle niya considering na teenager pa lang siya, pero ang lakas pa rin ng dating niya sakin. Well, siguro dahil crush ko siya.

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang bigla na lamang siyang nagsalita. "Hi! Nandito pala kayo?" Nakangiting turan niya bago lumapit sa amin. Bigla na lang akong natulala. Iyong kili-kili niyang may manipis na buhok na nakita ko nang itaas niya ang kanyang kamay para kumaway na parang ang sarap langhapin, Iyong singkit niyang matang bigla na lang nawala at ang ngipin niyang sumilip sa pag-ngiti niya, napaka-gandang pagmasdan.

"Ang pogi mo" wala sa sarili kong naibulong na kinakunot ng noo ni Alex na ngayon ay na sa harapan ko na. "Ha?" Tanong niya na nagpataranta sa akin.

"Ahhhh, ano. Sabi ko Hotdog, oo tama Hotdog. Nagre-request kasi ako kay Jam ng Hotdog para sa snacks mamaya, favorite ko kasi 'yon 'diba, Jam?" Natataranta kong sagot sabay tingin sa mga kaibigan ko na pigil sa kanilang pagtawa. Shocks, nakakahiya.

"Oo, sabi ni Leigh gusto raw niya 'yong hotdog....... mo" natatawang sagot ni Jam na nagpapula ng mga pisngi ko. Buti na lang pabulong lang niyang sinabi 'yong huling salita.

"Ah gano'n ba? Sige baba na ako, mag-start na rin kayo sa kung ano mang gagawin niyo para matapos niyo agad" paalam ni Alex sa amin. Agad naman kaming tumuloy sa kwarto ni Jam para simulan ang dapat naming gawin.

Admiring Mr. EIC (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon