3

35 7 0
                                    

Leigh's POV

"Alam niyo minsan naiisip ko masarap siguro maging boyfriend si Alex no?" Ang wala sa sariling turan ko sa mga kaibigan ko. Totoo naman, masarap talaga si Alex. I mean, masarap kasama kaya masarap siya. Ays.

Nandito kami ngayon sa Foodcourt habang nilalantakan ang mga binili naming inihaw. Its Saturday at ngayon lang ulit namin naisipang gumala. Treat na rin namin sa sarili namin dahil natapos na namin ang research paper namin. Thanks to these intelligent friends of mine dahil sa pagko-construct lang naman ng paragraphs ako nakatulong at sila naman ang nangalap ng data.

"Alam mo, Leigh. Walang mangyayari kung hanggang daydream ka na lang kay Alex. Girl, bring your dreams into life!" Ang nanenermon na talak ng kaibigan kong si Jam.

Muntik na akong mabulunan sa mga pinagsasabi nitong babaeng 'to. Hays, kung alam niya lang kung gaano ka-wild ang mga napapanaginipan kong ginagawa namin ni Alex. Not to mention iyong mga scenarios na bigla-bigla na lamang pumapasok sa utak ko, napaka-hot! It was something like nasa gubat kami kung saan may mga wild animals at tirik na tirik pa ang araw. Pero parang mas nakaka-excite 'yong nai-imagine ko sa may kama?

Napa-irap na lang ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi ganun kadali ang iniisip nila. "E paano kung hindi naman pala mutual ang nararamdaman namin sa isa't-isa? Paano naman ako magugustuhan non, isa lang naman ako sa mga fans niya" Ang nawawalan ng ganang sagot ko sa kanya.

"Anong hindi? Kung iba-base natin sa mga kwento mo tungkol sa pagpapa-kilig niya sa'yo, very evident naman na siguro ang sagot sa tanong mo" Ang pagsingit naman ni George. Pero sabagay, may punto naman talaga siya. Sabihin na lang nating friendly siya kaya ganoon siya sa akin. Pero may kutob din talaga ako na baka parehas kami ng nararamdaman, baka gusto niya rin ako.

"So what do you want me to do, to confess?" Ang naiirita ko nang tanong sa kanila na agad namang sinagot ni Karla. "Exactly! Bakla, we are now living in a world kung saan hindi mo pwedeng iasa na lang sa tadhana ang buhay pag-ibig mo. Humarot ka ganon."

Napabuntong hininga na lang ako bilang pagsuko sa kanila. Hayaan ko na lang sila sa gusto nilang sabihin. Sigurado naman akong hindi sila magpapatalo. Itinuon ko na lang ulit ang pansin ko sa pagkain ng mga binili ko. Hindi ko na pinagtuunan pa bg pansin ang bulungan nila sa isa't-isa na para bang may pinaplano silang hindi maganda.

Isang oras pa lang ang itinatagal namin dito sa food court. Ewan ko, pero mas inuuna naming lumamon bago mamasyal tuwing may gala kami. My friends are the real definition of "Food is Life"

Sarap na sarap ako sa pagkain nang may naglapag ng Iced coffee sa tapat ko. Napatingin naman ako kung sino ang naglagay nito, si Alex. Napapansin ko lang na lagi na lang siyang sumusulpot kung saan at may dala pa siyang pagkain para sa akin. Napangiti ako sa thought na baka crush din niya ako and this is his way of expressing his admiration towards me, ang pagbibigay ng lalamunin which is not that necessary naman. Pwede namang siya na lang ang kainin ko.

"Is that for me?" Ang parang tangang tanong ko sa kanya. Obvious naman na sa akin talaga iyong knowing na inilapag niya iyon sa may harapan ko, but I'm just making sure. A lot of teenagers nowadays are being emotionally broken because they are assuming too much. Naalala ko tuloy ang sinabi ng former teacher ko, "Do not assume too much, because too much can hurt you so much"

Napakamot naman siya sa batok niya bago sumagot "Yeah, peace offering kasi last time hindi kita nabigyan ng tubig after mo kumain ng hotdog. Tsaka favorite ko kasi ang kape and I presume that you like it too. Nabasa ko kasi na mostly sa mga taong mahilig magsulat ay mahilig sa kape" napangiti naman ako sa sagot niya. Nang mapansin kong nakatayo pa rin siya ay umayos ako ng upo at pinaupo siya sa tabi ko.

Napalitan naman ng hiya ang kaninang kilig na nararamdaman ko nang pakunwaring umubo ang mga kaibigan ko. Pinanlakihan ko sila ng mata para ipaalam na hindi ko gusto ang pag-arte nila.

"Bakit ka nga pala nandito, Alex? Sinong kasama mo?" Baling ko kay Alex na ngayon ay walang hiya-hiyang nakikikain sa pagkain ko. Napabulong na lang ako sa utak ko ng "Pwede bang ako na lang ang kainin mo?" Ok ang harot ko.

Bago magsalita ay inubos muna niya ang kinakain niya. Eating manners, kaya gustong-gusto ko siya e. Hindi siya dugyot kumilos. "Niyaya kasi ako ni Jam. Tapos ko na rin namang i-review 'yong mga articles na ipinasa sa akin at wala namang akong ibang gagawin sa bahay. Ayaw ko rin namang mabulok mag-isa doon kaya sumama na lang ako"

I knew it! Plinano talaga nila itong tatlo. Binalingan ko ng tingin ang mga unggoy na ngayon ay patay malisyang nagkukwentuhan tungkol sa walang kwentang bagay. Malalagot talaga sa akin itong tatlong ito, pero there's a part of me na masaya dahil mas napapalapit na sa akin si Alex.

Hindi nagtagal ay nagkayayaan naman kaming maglaro ng arcade. Sabay-sabay kaming pumasok dito sa Funtime pero dadalawa na lang kami ni Alex ngayon and the three frogs are nowhere to be found. Hindi naman na nakapagtataka knowing the fact na sinet-up talaga nila ito.

"Nasaan na iyong tatlo?" Nagtatakang tanong ni Alex nang matapos siyang bumili ng tokens.

"Ewan ko ba. Bigla na lang nawala e. Tinangay siguro ng kung anong masamang hangin" Ang natatawang sagot ko sa kanya.

Bigla namang nawala ang mga ngiti ko sa labi sa naging sagot niya. "Edi tayo na lang" kinakabahan man ay sinubukan ko pa ring tanungin siya "Sure ka, tayo na?"

Nagtaka naman ako nang napatawa na lang siya bigla, did I just say something funny? "What I mean is that, dalawa na lang tayong maglaro tutal wala naman na sila. Pero gusto ko rin iyang naisip mo. Maganda ka naman e" ang nakangiting saad nito sabay pisil sa pisngi ko bago ako hilain papunta sa mga arcade. And by then I realized that my heart skipped a beat.

Admiring Mr. EIC (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon