Leigh's POV
"Guys, hindi muna ako sasama sa inyo ngayon for lunch. May bibilhin lang ako sa mall" Paalam ko sa mga kaibigan ko na nag aayos na palabas ng classroom.
"Gusto mo ba samahan na kita? Bibili rin kasi ako ng pencil ko" Ang nakangiting suggestion ni Karla. And guess what, when he says pencil he's actually talking about an eyebrow pencil. Ano pa nga bang bago? E kilay is life nga naman ang official motto niya.
Hindi na rin ako nag-inarte pa. Nakuha ko rin naman iyong gustong mangyari ni Karla, and that is to give the other two insects a time to assert their feelings toward each other. Napaghahalataan na rin kasi namin ang sobrang closeness nila, and we don't see anything wrong about it. Afterall friendship is a great foundation for a couple's journey. Naks, love expert pero walang lovelife.
Nauna naming pinuntahan ang cosmetics area. Sure naman akong magtatagal siya rito kasi kung ano-ano pang iti-test nitong bakla. Knowing him, marami pa siyang bibilhin aside sa pang-kilay.
"Which shade do you think ang babagay sa akin?" Pagtatanong sa akin ni Karla habang hawak ang dalawang shades ng liptint. "That one sa kanan mo. Mas mukhang natural"
Busy ako sa pagtitingin ng mga liptint nang mamataan ko si Alex na papalapit sa pwesto namin. "Ah, Karla. Mauna na ako sa bookstore. Just text me kapag tapos ka na rito. Bye!" Ang nagmamadaling paalam ko kay Karla.
"Wait, Leigh! Saglit na lang ito" ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin at binilisan ko pa ang lakad ko.
You guess it right. These past few days ay inumpisahan ko nang iwasan si Alex. Kapag nakikita ko siyang papalapit sa amin ay kung ano-anong palusot ang sinasabi ko para makatakas. Nahihiya pa rin kasi ako sa nabasa niyang tula. Nahihiya ako not just because I like him but also about my grammar. Duh? EIC siya so obviously ay mataas ang standard niya sa mga written works lalo na sa grammar.
After buying books ay dumiretso na ako pabalik sa school. Tinext ko na lang si Karla na nauna na ako. I feel so bad na iwan siya pero kasi there is a big possibility na kasama niya si Alex pabalik kaya mas ok na mauna na ako para less contact with him.
Pagpasok ko sa classroom ay nakita kong nagtatawanan sila George at Jam. These insects. "Hi!" Bati ko sa kanila bago umupo sa upuan ko which is nasa likuran lang ng upuan nila.
Nagtataka naman silang napatingin sa akin. "Where's Karla, hindi ba kayo sabay?" Nakakunot noo pa ring tanong ni Jam.
"Ahh, marami pa kasi siyang binibili, alam niyo naman iyon, kung cosmetics ang pag-uusapan ay aabutin siya ng siyam siyam. I actually felt dizziness kaya nauna na ako" ang pagpapalusot ko naman. There's no way na sasabihin kong kaya ako umalis ay dahil nandoon si Alex. They'll just tease me.
"E bakit ka pa pumasok kung hindi ok ang pakiramdam mo? You should've just went home" Ang nag-aalala namang sagot ni George. I really consider them as the sweetest friends ever. "No, I'm fine. Dahil lang siguro sa init at boredom kaya ako nahilo kanina"
Hindi nagtagal ay dumating na rin si Karla na abot langit ang ngiti. Very evident ang happiness niya dahil nagguglow lang bakla! "Masaya ka yata, nadiligan ka ba?" Ang nagtatawang tanong ko sa kanya.
"Oy hindi a! Birhen pa ako, duh. Masaya lang ako kasi may bago na naman akong mga babies" ang masayang wika niya habang shinishake ang nakaplastic na pinamili niya.
"By the way, ito o ice coffee. Binili ni Alex para sa'yo" sabi niya habang nilalabas ang dalawang ice coffee sa isang plastic. Obviously ay tag-isa kami. We both like this, just proves na we really are sisters, maybe not by blood but by heart.
Nakangiti ko namang tinanggap ang ice coffee. "Wow, salamat" is this a sign? Alam naman niyang gusto ko siya and still, bibigyan pa rin niya ako nito. Ibig bang sabihin nito ay he shares the same feeling as mine?
Nakangiti lang ako the entire session ng afternoon class namin. Hindi ko pa rin ma-digest iyong kilig na nararamdaman ko. Minsan nga ay napapagalitan na ako ng teacher dahil sa hindi na nga ako makasagot sa tanong niya ay nakangiti pa ako. Nakakatawa 'di ba? Parang tanga lang.
"Mauna na ako, guys. See you tomorrow" Paalam ni Jam sa amin. Dumating na kasi iyong sundo niya. Sunod namang umalis si George. Dalawa na lang kami ni Karla na natira dito.
Nandito kami ngayon sa may waiting shed sa harap ng school gate habang nag-aantay ng sundo. Usually 'pag labas namin ng school ay bubungad na agad sa amin ang mga sundo namin. Unlike now dahil siguro sa traffic. Idagdag mo pa na malakas ang ulan.
Ilang saglit pa ay dumating na rin ang sundo ni Karla. "Sumabay ka na kaya samin. Ihahatid ka na namin sa inyo" Offer pa niya pero tumanggi naman ako. Iba ang daanan nila sa daanan papunta sa bahay. Baka matagalan pa sila kapag hinatid pa ako.
Malapit na ring dumilim at mag-isa ko na lang dito sa waiting shed. Hindi naman ako natatakot knowing na malapit lang sa pwesto ko ang school guard. Wala naman sigurong magtatangkang gumawa ng masama sakin dito. Not unless si kuya guard ang may ganoong balak. Grrrr.
I tried dialing ate's number pero nakapatay ata. Ganoon din sa asawa niya at kay kuya Regie. Balak ko na sanang pumunta sa paradahan ng jeep pero hindi ko naman gugustuhing suuingin itong napakalakas na ulan. Wala akong dalang payong. And speaking of walang dalang payong ay ganoon din yata itong nakikita kong patakbong papunta rito sa waiting shed. Wait, is that "Alex?"
Nang makarating siya sa kinalalagyan ko ay agad kong kinuha ang towel ko sa bag at tsaka binigay sa kanya. "Salamat, Leigh" ang nakangiting turan niya bago kinuha ang towel.
"Ba't mo naman kasi sinuong iyong ulan e ang lakas lakas. Tsaka, wala ka bang dalang payong?" Wow. Nagsalita ang may dalang payong. Ang bobo ko sa part na iyon dahil obvious namang hindi niya tatakbuhin iyong ulan kung may dala siyang payong. Now I actually agree on what my classmate says, "Nakakabobo ang Love"
"Ah, chinicheck ko pa kasi 'yong mga articles na pinasa nila sa akin. Tsaka ikaw, bakit wala ka pang sundo?" Bago pa man ako makasagot ay dumating na ang sundo niya. "Sumabay ka na sa amin, Leigh" offer niya.
"Ah, hindi na. Paparating na rin siguro 'yong" Before I even finish kung ano mang sinasabi ko ay tumawag sa akin si Kuya Regie saying na hindi na nasiraan siya kaya magcommute na lang daw ako. Napasimangot ako. "Sige sasabay na ako"
Pagkapasok sa kotse nila ay agad na naghubad si Alex para magpunas ng katawan. Ang bango bango niyabg tignan. Lalo na yong kili-kili niyang may manipis na buhok. Ang sarap niya. Ops.
"Baka malusaw naman ako niyan" ang nakangisi niyang sabi in a teasing way. Napaiwas naman ako ng tingin. Pakiramdam ko ay napunta sa mukha ko ang lahat ng dugo ko. Nakakahiya.
"Joke lang, baka iwasan mo na naman ako. You've been aloof to me these past few days. Bakit?" Nahiya naman ako sa kanya. "Ah, sorry. Nahihiya kasi ako. Lalo na't nabasa mo 'yong tula ko"
At ang mga sumunod niyang sinabi ang nagpatigil sa mundo ko at nagpabilis sa tibok ng puso ko. "Bakit ka naman mahihiya? Maganda ka naman. Tsaka malay mo, mag-work ang tayo?"
BINABASA MO ANG
Admiring Mr. EIC (Completed)
Short StoryHugging myself as the breeze of cold air touches my skin. We barely see the vehicles passing by as the heavy rain continues to pour. "Why don't you pursue mass communication? Your writings are great" says Alex. I can tell that he's really trying his...