Leigh's POV
"Ok, so alphabetically ang pagkaka-ayos ng upuan ninyo sa bus. I-check niyo na lang iyong mga pangalan ninyo sa may pintuan ng bus" anunsiyo ng school admin na may hawak na megaphone na malayo naman sa bibig niya. I think hindi naman na talaga niya kailangan ng megaphone kasi her voice is loud enough. Para nga siyang pinaglihi sa baboy na ngawa ng ngawa sa lakas ng boses niya e.
Agad ko namang hinanap ang bus na sasakyan ko. If you're wondering kung paano ako nakasama sa camping na 'to, well, thanks to my friends. If it weren't because of those frogs ay malamang nakamukmok na naman ako sa kwarto ko ngayon.
Tinotoo talaga nila iyong dinner sa bahay, actually hindi lang dinner. Nag sleepover na rin sila doon. Totoo nga ang sinasabi nila, mas maganda ang kalalabasan kapag hindi planado ang isang bagay. Hindi katulad ng beach namin dati noong previous school year, treat namin sa mga sarili namin dahil lahat kami sa klase ay nakapasok sa achievers. Drawing na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukulayan.
At siyempre, very thankful din ako kay Alex kasi siya talaga ang may plano noon. Sa sobrang kaba ko nga noong ipinapakilala ko na siya kanila papa ay muntik ko nang masabi na "Pa, si Alex po. Ama ng ipinagbubuntis ko" Good thing I managed to control my mouth kaya ang nasabi ko ay "Ma si Alex, hihingi raw ng malunggay" pero siyempre charot lang.
Nang mahanap ko ang bus na sasakyan ko ay agad akong pumasok sa loob. Kung minamalas nga naman dahil sa pinakalikod ang designated seat ko. Iyong pang anim na tao? Hindi ko pa sigurado kung sino ang makakatabi ko dahil hindi ko naman chineck kung sino-sino ang mga sumunod sa listahan.
Agad akong naupo sa pinaka-gilid. Para sigurado na isa lang ang makakatabi ko. Mahirap na kapag napag-gitnaan ako. Tapos sa kasamaang palad ay mga chaka pa. Hindi naman sa judgemental ako. May standard lang talaga akong tinatawag. And one more thing kung bakit pinili ko rito sa pinaka dulo ay para makita ko ang view. Minsan lang ako payagan ng parents ko sa ganitong mga event kaya kailangan maging memorable ito. Nagdala rin ako ng camera ko para marami akong makuhanan ng picture.
Nagulat ako nang tumabi sa akin si Alex "Good morning, Leigh" ang masayang bati nito sa akin na nginitian ko naman pabalik. Hindi ko ini-expect na makakatabi ko siya dahil maraming estudyante naman ang sumama sa event na ito. Pero mas hindi ko ini-expect na makakatabi rin pala namin si Karla. Well, ang apilido ni Karla ay Roxas at ang apilido ko naman ay Santiago kaya magkatabi kami sa classroom. Ang apilido naman ni Alex ay San Pedro. 'Di ba, parehas na lugar ang apilido namin kaya bagay kami.
Hindi naging boring ang biyahe namin dahil sa magkakasama kaming tatlo. Panay ang kwentuhan namin tungkol sa mga nakakatawang pangyayari sa buhay namin. Hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako sa balikat ni Alex.
Paggising ko ay malapit na kami sa destination namin. Nadatnan ko pa si Karla na natutulog din sa kabilang balikat ni Alex habang nakayakap sa braso niya. Naawa tuloy ako sa lalaking 'to. Naging human pillow pa naming dalawa ni Karla.
Upon our arrival ay naging busy ang lahat ng estudyante sa pag-aayos ng kanya-kanyang tent. Magkasama kami ni Jam sa isang tent habang magkakasama naman sila Karla, George at Alex sa isa pang tent. Gustuhin man naming isama si Karla sa amin ay hindi raw talaga pwede dahil sa lalaki pa rin siya. Good thing na mapagkakatiwalaan naman at kaibigan pa namin ang makakatabi niya sa pagtulog.
"Hoy, 'wag niyong rereypin 'yang si Karla ha. Mahal namin 'yan" ang pagbibiro ni Jam sa dalawang adan na makakasama nito sa iisang tent. Napatawa naman ang dalawa. "Hindi namin siya rereypin. Kasi gugustuhin niya 'yon" sagot naman ni Alex na nagpatawa sa amin. Todo hampas naman sa kanya si Karla na halatang pikon na pikon kaya tawa lang kami ng tawa.
It was already dawn when we all finished fixing our things. Tinipon na nila kaming lahat dito sa isang medyo malawak na open area ng gubat kung saan pwedeng magcamp fire. Nagkaroon din ng pa-contest ang management showcasing the talents of the students. Sumali naman si Alex naipe-perform daw ang original composition niyang tula.
Hindi ko mapigilang ngumiti nang simulan niyang ibuka ang bibig niya. Ang liwanag galing sa nagbabagang apoy na tumatama sa kanyang gwapong mukha. Ang tinig niyang parang musika sa aking mga tainga. Ang talinhaga niyang nagpapabilis sa aking paghinga.
.
Hindi ako talentado pagdating sa ganitong mga pakulo.Hindi ko alam kung saan ko sisimulang magkwento.
Hindi ako sigurado kung may maibubunga ba ang pagbubunganga kong ito.
Pero gusto kong ipahiwatig sa'yo na ikaw lang ang natatangi sa puso ko.
.
Nakakatawang isipin na tulad sa isang kanta ay tinamaan na ako ng walang hiyang si kupido.Nang dahil sa kilig ay parang gusto kong umihi sa inidoro.
Sa kagandahan mo ay nalunod ako nang mas malalim pa sa dagat pasipiko.
Napapikit at pilit tinatanto kung tama ba itong nararamdaman ko.
.
Magtanim ay 'di biro at ika'y maghapong tumatakbo sa isip ko.Hindi sapat ang palakpak at pandyak para ipakitang masaya akong nasa tabi mo.
Handa akong ibigay ang lahat ng halaman sa bahay-kubo kung hihilingin mo.
Basta ba't maiuwi kita sa munting bahay ko kung saan magsasaya tayo.
.
Penpen de sarapen walang bago ikaw pa rin.Hawhaw de kalabaw kailan ka ba mapapasakin.
Tutula, sasayaw at lahat ay aking aawitin.
Pero kung ayaw mo pa rin e ano naman, ikaw ay pipilitin pa ring maging akin.
.
Napaluha ako nang bigkasin niya ang mga salitang nakasaad sa huling taludtod ng talinghaga niya. I cried not because of joy kundi dahil sa sakit na dulot nito sakin..
"Katulad ng awitin ni Aiza ay nais kong malaman mo na minamahal kita.At ikaw ang sa habang panahon ay gusto kong makasama sa hirap man o sa ginhawa
Babalewalain ang panghuhusga ng nakararami sa pag-iibigan nating dalawa.
Hindi ko ikakahiyang ipagsigawan sa kanila ang limang letrang bumubuo sa iyong pangalan, KARLA"
BINABASA MO ANG
Admiring Mr. EIC (Completed)
Short StoryHugging myself as the breeze of cold air touches my skin. We barely see the vehicles passing by as the heavy rain continues to pour. "Why don't you pursue mass communication? Your writings are great" says Alex. I can tell that he's really trying his...