Leigh's POV
I was walking alone pabalik sa classroom namin. Tapos na kaming mag-lunch ni Karla. Yeah, just the two of us because the two insects take their lunch outside. Sa madaling salita, nagdate na naman sila. Humiwalay naman sa akin ng landas si Karla dahil kailangan daw niyang mag-cr. Ang takaw kasi kumain.
Pagkaupo ko sa upuan ko at may nakapatong sa table namin ni Karla na nakakuha ng pansin ko. Isang bulaklak. I smiled upon reading the note. "Isang bulaklak para sa taong nagbibigay sa'kin ng galak. -Alex"
Nakangiti kong iniligpit sa notebook ko ang bulaklak. Memory.
"Uy, nakangiti ka a. Anong meron?" Bungyad ni Jam pagkaupo niya sa harapan ko. I've noticed the glow in her face. "Ikaw nga itong nago-glow e, bagong dilig ka ba? Hahaha" ang pabirong sagot ko sa kanya na ikinapula ng mukha niya.
"Nirerespeto ko siya. Hindi pa kami umaabot sa ganyan. Pero kung malapit na siyang malanta, why not?" Ang pagsakay naman ni George sa joke ko kaya nakasimangot siyang pinaghahampas ni Jam.
Nasa ganoon kaming tawanan nang dumating si Karla galing sa cr. "Oh, ano 'yan. Aren't you done flirting at hanggang ngayon ay panay pa rin kayo sa harot?" Ang nagbibirong sabi ni Karla kaya lalo pa kaming napatawa.
"Hoy, hindi kami naghaharutan. Tsaka look at your lips, lagpas lagpas 'yang liptint mo. Nakipaglaplapan ka no!?" Ang mapanuksong tanong ni Jam pabalik kay Karla. Napatingin naman kaming lahat kay Karla na agad kinuha iyong salamin niya sa bag niya."ah ano, nagmamadali kasi ako kaninasa cr. Maraming lalaki. Natakot ako, baka ano, alam niyo na. Iba pa naman ang ganda ko" tawanan kaming apat.
Hindi kami natapos sa kakatawa. Not until dumating 'yong teacher namin. Nakafocus na silang lahat sa pagtuturo ni Sir pero ako ito, nakangiti pa rin. Buti na lang at paminsan-minsang nagjojoke si sir kaya hindi nila ako napaghahalataang ngumingiti ng walang dahilan. Wala nga bang dahilan?
Well, I'm just happy that I had these friends of mine. I really am not asking for more. Just these frogs alone are already enough for me. Aanhin mo naman kasi ang napakaraming kaibigan kung pinaplastic ka rin naman nila diba? Ok na ako sa mga kaibigan ko. For me, they are one of the best.
Pero hindi lang naman sila ang dahilan kung bakit ako nakangiti. A part of me is also happy because of Alex. His gestures and all his features. Minsan napapatampal na lang ako sa utak ko dahil sa kung ano-anong iniisip kong ginagawa namin ni Alex. May sakit na yata ako. Kamanyakan.
Hindi pa naman siya nanliligaw sa akin. Wala pa rin siyang sinasabi sa akin tungkol sa nararamdaman niya, kung gusto na rin ba niya ako. Pero ok lang. Alam ko namang hindi ganoom kadali ang mag-assert ng feelings para sa isang tao. Hindi mo naman kasi pwedeng ipilit na gustuhin na lang ang isang bagay na hindi mo naman talaga gusto. Hindi lang siya ang niloko mo kundi pati ang sarili mo.
Pero ganoon pa man ay malakas ang paniniwala ko na gusto niya rin ako. Na humahanap lang siya ng tyempo para umamin sa akin. Lalo na sa mga sweet gestures na ipinapakita at ipinaparamdam niya sa akin. Nakakakilig.
We've been so casual these past few days. Minsan nga ay sumasabay siya sa aming mag-lunch. Lagi siyang nanlilibre ng ice coffee at icecream sa amin ni Karla. Si George naman kasi ang bumibili ng para sa kanila ng girlfriend niya.
May mga panahon din na kaming tatlo lang nila Karla ang magkakasama dahil iyong dalawang insekto ay laging nawawala. Minsan nga iniisip namin baka kung saan saan na sila napapadpad e.
"By the way, class. The school will be conducting a camping. That will serve as your farewell event as seniors. Ito na ang last event ninyo with your classmates dahil in few months ay maghihiwa-hiwalay na kayo ng landas in order for you to achieve your dream. Don't worry dahil hindi naman ito mandatory, para lang ito sa mga may gusto. Pero I encourage you to join. Isa lang ito sa mga once in a life time event na pwede ninyong maranasan" ang pagtatapos ng teacher namin sa klase.
Matapos ang afternoon class namin ay sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng school. Naglalampungan na naman iyong dalawang insekto. Simula nang maging sila ay mas naging clingy na sila sa isat-isa. Good thing ay alam pa rin nila kung anong limitation nila. Tamang harot lang muna sila. Kumbaga harot na may pigil, kung may ganun man.
Tamihik akong naglalakad nang may bigla na lamang tumabi sa akin "Hi, guys!" Masayang bati ni Alex sa amin. Nakangiti siya. Naalala ko tuloy iyong bulaklak na iniwan niya sa table ko. Napansin naman ng dalawang insekto ang biglang pagliwanag ng mukha ko kaya kunwaring nauubo sila. Hays, maingay talaga ang mga bubuyog.
"Anyway, Ipapalista ko na bukas 'yong mga pangalan natin. I have a great feeling that we will enjoy there" Ang masayang sabi ni Jam na may kasama pang pagtili. "Huwag niyo nang ipalista 'yong pangalan ko. Kayong tatlo na lang"
Napakunot naman sila, lalo na si Alex "Bakit naman hindi ka sasama? Sayang naman, that might be our last hangout as seniors" ang may kalungkutang tinig naman ni Karla. "You know my parents" ang malungkot ko rin namang sagot.
"Sasama ka rin 'di ba, Alex?" Ang biglang sabi naman ni George kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Ah, yeah. We need to be there para sa articles na gagawin namin for that event" ang nakangiting sagot naman ni Alex.
"Sabihin niyo 'yang mga 'yan sa parents ko 'wag sakin. Gusto ko rin namang pumunta, kung papayagan lang sana ako." I told them with a teary eyes. I badly wanna go with them.
Walang anu-ano'y inakbayan na lang ako bigla ni Alex. "Can we have dinner at your house, then? We will try to talk to your parents. It'll be more enjoyable if we're together" and with those words I felt the butterflies happily flying on my stomach.
BINABASA MO ANG
Admiring Mr. EIC (Completed)
Short StoryHugging myself as the breeze of cold air touches my skin. We barely see the vehicles passing by as the heavy rain continues to pour. "Why don't you pursue mass communication? Your writings are great" says Alex. I can tell that he's really trying his...