7

20 6 0
                                    

Leigh's POV

"Babe, where do you wanna eat later for lunch? My treat. Or if you want just eat me instead" George said to Jam while smirking. The latter one just look at him with a fiery eyes and slap his shoulders. You guess it right. These two insects are already in a relationship.

"Eat yourself moron! Go get someone to talk to because I don't have time playing with your cheesy lines" Said the other insect. Did you notice something? Yeah. The insects are speaking in English without them being aware. This just proves that "Love can make unaware about your feelings" That is why I don't wanna fall inlove, you cannot control your behavior. Wait, I'm also speaking in English.

Napasampal na lang ako sa noo ko. Hindi ko talaga sure kung tama ba ang grammar ko habang nagi-english. Pero ganun din naman sa love 'di ba? Kahit hindi ka sigurado ay pursigido ka pa ring sumubok dahil doon ka masaya? Hays. I'm starting to be cheesy.

Kinalabit ako ni Karla na nasa tabi ko. Natatawa rin siya habang pinapanood ang dalawang insektong naghaharutan sa harapan namin. Nakakita na ba kayo ng bubuyog na naghaharutan? Ako oo, at nasa harapan namin sila.

"Mukhang may balak mag-sarili iyang dalawa mamayang lunch. Tayo na lang dalawa ang magkasama mamaya" ang kunwaring nalulungkot na sabi ni Karla. Napatawa naman ako "Hayaan mo yang mag insektong yan. Dun sila kakain mamaya sa kalahi nilang bubuyog kung saan bida ang saya" ang pabiro ko ring sagot na nagpatawa sa aming dalawa ni Karla.

Matapos ang nakakainip na oras ay laking pasasalamat namin at breaktime na. Wala kasi iyong teacher namin kaya wala kaming ginawa kundi mag-kwentuhan dahil hindi naman kami pwedeng lumabas sa classroom. Nakakapagod din palang makipagchismisan, I wonder bakit hindi nagsasawa iyong mga kapitbahay namin? Charot.

If you are going to ask about me and Alex, hindi ko rin alam. We've been casual nitong mga nakaraang araw. Pero ngayong araw ay hindi pa siya nagtitext sa akin. Kahit simpleng good morning ay wala.

Sumama ako kanina sa canteen which is very unusual dahil ito ang pinaka-least na lugar dito sa loob na school na pupuntahan ko, but for the sake of my kakatihan ay sumama ako sa mga kaibigan ko. Kating-kati na akong makita si Alex. Nagluto rin ako ng meryenda para sa aming dalawa.

Palingon-lingon ako sa ibang tables para i-check kung nandito ba siya "Huy, ano bang hinahanap mo at kanina ka pa parang giraffe ma lingong ng lingon diyan? Daig mo pa iyong kaklase nating magaling mangopya ha" ang natatawang sabi ni George sa akin.

"Anong 'ano', baka sino. E hindi pa niya nakikita si Alex magmula kaninang umaga e. Kating-kati na yang makita 'yon for sure" ang mapang-asar namang sabi ni Jam na nagpasimangot sa akin.

"Try to check him sa library" Out of nowhere namang suggestion ni Karla na nagpakunot sa noo naming lahat. "Hello, he's the EIC and also a writer. He is fond of reading articles and books. So kung mayroon mang lugar na pupuntahan niya rito sa school ay doon 'yon"

With that ay agad-agad naman akong tumayo at nagpaalam sa kanila para icheck ang kanina ko pa gustong makita na si Alex. Nakangiti ako habang mabilis na naglalakad papuntang library. I cannot wait to see him para ibigay itong inihanda kong snacks para sa kanya.

"Good morning, ma'am" ang nakangiti kong bati sa librarian na nature na ang pagkunot ng noo dahil sa kasungitan. Hindi siya sumagot kaya dire-diretso na akong naglibot sa loob ng library, hoping na makita ang kanina ko pa gustong makita. Pero napabuntong hininga na lang ako nang bigo ko siyang mahanap. He is nowhere to be found. Absent kaya siya? I guess so.

Bagsak balikat akong bumalik sa classroom namin matapos ang breaktime. Hindi ko pa rin kinakain ang niluto kong snacks. Nawalan kasi ako ng gana. I want to share this with him. In the first place I cook this for him. Pero sa kasamaang palad ay hindi pa siya nagpaparamdam sa akin. Katulad na lamang nitong electric fan na sinarili na ng balyena kong kaklase at hindi na umaabot sa akin ang hangin.

I'm not in the mood the whole hour. One of my teachers even demand a quiz after discussing at dahil nga sa lutang ako buong session ay wala akong naintindihan. Mabuti na lang at si Karla ang katabi ko at pinakopyahan ako. Life saver.

After ng klase namin ay hindi na ako sumabay kila George palabas ng school. Nagpalusot ako na may hihiramin lang akong libro sa library. Karla even insisted na samahan ako pero I refused. Gusto ko lang tignan kung asa publishing house ba si Alex.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko katukin ang pintong nasa harapan ko. I was about to knock nang biglang bumukas ito at iniluwa ang taong kanina ko pa gustong makita. "Leigh? What are you doing here?" Ang nanlalaking mata na tanong ni Alex.

I didn't respond. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at my tears started to come out. "Hindi ka nagparamdam sa akin the whole day" ang napapahikbi kong sagot sa kanya. Niyakap niya lang ako habang hinahagod ang likod ko, "hush there, sweety. Pumapanget ka kapag umiiyak. Sige ka, baka hindi ka na maging maganda sa panginin ko" ang pagbibiro niya trying to stop me from crying.

"Eh. Nagluto pa naman ako ng snacks para sana kaninang breaktime pero hindi kita makita" pabebe na kung pabebe. I don't care, this is how love wants me to act.

"Andito na ako. Hindi panis iyong niluto mo 'di ba? We can still eat it." Ang nakangiti niyang sabi. And that exactly what we did. Pumasok kami sa publishing house para kumain.

Habang masarap na kumakain ng hotdog ay sinimulan ko an namang magdrama sa kanya. "Akala ko hindi mo na ako papansinin e" ang pabebe kong saad. Akala mo jowa.

"Sorry na, busy kasi ako sa pagchi-check ng mga articles para sa school news paper kaya hindi na ako nakapagtext sayo" ang nagkakamot sa batok niyang saad.

"Sana pala article na lang ako. Para paggugulan mo rin ako ng oras mo" ang unconscious na saad ko. Ang daldal ko talaga.

Napawi lahat ng lungkot na nadama ko kani-kanina lang sa sunod niyang sinabi. "Huwag ka nang magselos sa mga libro. You enough are already important to me, Leigh"

Admiring Mr. EIC (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon