4

34 5 2
                                    

Leigh's POV

"Oy pagod na ako. Ang init, baka madehydrate tayo" Pagod na pagod na reklamo ni Jam. Naglalakad na kasi kami pabalik sa bahay ng lola nila George. Pumunta kasi kami sa bundok para kumuha ng mga larawan ng magagandang view para sa project namin.

"Itigil mo nga 'yang karereklamo diyan. Bakit sa tingin mo 'pag nagreklamo ka bigla bang lalamig ang panahon? Malapit na tayo o!" Iritable namang sagot ni George. Hindi ko naman siya masisisi sa pagsusungit niya dahil nga sa sobrang tirik ang araw at kanina pa talak ng talak itong si Jam.

"Oy makisilong kaya muna tayo diyan o, ang itim na natin. Kilala mo naman 'yang nakatira diyan 'di ba?" Tanong naman ni Carla. Masyado kasi siyang maalaga sa kutis niya, hindi pa nga sana sasama sa amin kung hindi namin tinakot na hindi namin isasali sa grupo.

"Hay nako ok lang na mangitim ka, bakla, Wala ka namang jowa e haha" tawa ni Jam na nag-pasimangot naman sa isa.

"Sige na, George, ang init kasi e. Saglit lang naman" pakiusap ko rin sa kanya na wala nang nagawa kundi sumunod.

"Brad! Pwede ba makisilong muna? Makikipalit na rin kami ng damit" pagtawag niya ng pansin sa kakilala niya. Siya lang ang may kakilala dito kasi siya lang naman ang may kamag-anak dito.

Agad namang lumapit sa amin ang kaibigan niya na nagpapainom ng tubig sa kalabaw. "Sige tara" aya niya sa amin papunta sa bahay nila. Well wala naman na kami sa bundok dahil may mga bahay na rin dito, pero nasa loob pa rin kami ng barangay nila. Presko rito. Hindi naman siya ganoon kalayo sa city, kaso nga lang ay mahirap mag-commute dito sa baryo nila.

Kinapalan na rin namin ang mga mukha namin para maki-inom ng tubig. Sa hinaba-haba ba naman ng nilakad namin, adding the fact na bundok iyon at tirik na tirik pa ang araw ay talagang tuluyan na kaming mamamaalam sa mundo kapag hindi pa kami naka-inom ng tubig.

Kahit na nakapag-punas at palit na ako ng damit ko ay hindi pa rin mawala ang sticky feeling sa bawat parte ng katawan ko, and trust me, it is so irritating. Kaya para naman maging presko kahit konti ang pakiramdam ko ay ipinusod ko muna ang buhok ko.

Nakita ko namang may ini-spray na pabango si Carla kaya sinubukan kong humingi sa kanya "Uy, Carla. Baka naman gusto mong magpahingi niyan? Baka lang naman"

Pero ang loka inirapan lang ako. "Tse! 'wag ka nga diyan para lang sa akin 'to no" masungit na sagot niya sa akin kaya wala akong nagawa kun'di mapasimangot na lang. Kahit kailan talaga ang damot nitong taong 'to.

Nang matapos na kaming lahat sa pag-aayos ng sarili ay magkaka-sunod na kaming lumabas sa bahay ng kaibigan ni George. "Teka, asan na si George?" Nagtatakang tanong ni Carla nang mapansin niyang nawawala ito.

Bago pa man makasagot iyong kaibigan ni George ay nakita na namin siyang inihinto ang motor niya sa may gate. Wait, sino iyong nakasunod sa kanya, "Is that Alex?" Kunot-noo kong baling kay Carla.

"Ow, I forgot to tell you. Malayo pa kasi 'yong paradahan dito e pagod na akong maglakad, so I told George na kunin na lang iyong motor niya para may masakyan tayo. Tinext ko na rin si Alex dahil alam ko namang hindi tayo kakasya sa iisang Motor lang lalo na't baboy iyong magdadrive" Sagot naman ni Jam. Ok na rin siguro ito para makauwi na kami agad. Malapit na rin kasing dumilim.

"Hi!" Ang nakangiting bati ni Alex nang makalapit siya sa amin. Nginitian ko naman siya pabalik. "So what are we waiting for? Tara na at baka abutin pa tayo ng gabi sa daan" Ang excited na sabi ni Jam. Gusto ko na ring makauwi. Ang lagkit ko na e.

Nagpaalam kami sa kaibigan ni George at sinabi naman niyang welcome kami kapag bumalik ulit kami. Sasakay na sana ako sa motor ni George pero naunahan na ako ng dalawang impaktang palaka. Tiningnan pa nila ako ng nakangisi. Alam ko na iniisip ng mga 'to. Inirapan ko na lang sila bago sumakay sa motor ni Alex. No choice e, alangan namang magpaiwan ako diba?

Nasa unahan namin sila George at kami naman ni Alex ay sumusunod lang sa kanila, obviously. Tamihik lang ako sa byahe namin habang paulit ulit ako na umuusog palikod para hindi ako madikit kay Alex. Nakakahiya ang bango niya samantalang ako amoy pawis.

"Ay mabangong palaka!" Sigaw ko sabay kapit sa mga balikat ni Alex. Muntik na kasi akong makagat ng aso. Nang marealize kong nakakapit pa ako sa balikat ni Alex ay bigla kong tinanggal ang pagkakakapit ko sa kanya. "Sorry"

"Nakagat ka ba?" Natatawang tanong ni Alex. Ba't ba ang pogi niya?.

"Hindi" simpleng sagot ko lang sabay usog ulit palikod.

Nang makalabas na kami sa baryo nila ay naghiwalay na kami ng daanan. Sa may timog kasi ang bahay ng mga kaibigan ko habang sa silangan naman ang sa amin.

I don't know if it is just a coincidence o pinagtitripan talaga kami ng tadhana dahil bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi naman kami pwedeng sumuong sa ulan kaya huminto muna kami sa nadaanan naming waiting shed.

Umupo kami sa may upuan nitong waiting shed habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan "Why don't you pursue mass communication? Magaling ka naman sa pagsusulat" Alex asked.

I looked at him and smiled bitterly before answering. "Kahit gustuhin ko, ayaw ng parents ko. They say being a journalist is too risky. How about you, don't you want to pursue journalism?" I asked him back.

"Let's just say that Destiny wrote the same plot for the both of us." He said while staring outside.

Tiningnan ko siya at binigyan ng nagtatanong na mukha na nagpatawa sa kanya. "You see, unico iho ako. My family is a well-known personality in business industry. I am their successor" He answered.

Those words wake me up from dreaming. Galing siya sa mayamang pamilya, and he's a very talented guy. Bonus na lang 'yong kapogian niya. He's the Editor in Chief of the school while I am just a simple writer who admires him a lot.

Admiring Mr. EIC (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon