5

31 6 0
                                    

Leigh's POV

"I'm sorry, Sam. I really cannot give you back the love that you are showing. You know what, Sam, you're a good guy. At naniniwala ako na may tao sa paligid na mas perfect para sayo" nakangiti kong pagkausap kay Sam kasabay ng pasimpleng pagsulyap ko kay Karla.

Kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ni Sam ay siya ring paglaho ng kinang sa kanyang mga mata. "Sige, mauna na ako" paalam niya sa amin sabay labas ng isang pilit na ngiti.

Masaya kaming nagkukwentuhan ng mga kaibigan ko nang bigla na lamang lumapit sa amin si Sam para magbigay ng chocolate sa akin. Karla has a crush on him kaya hindi ko siya ini-entertain. Ayaw ko namang isipin niya na inaagawan ko siya. Ayaw kong magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan naming dalawa. Karla is like a sister to me, kahit na may lawit siya.

"So. How is your relationship with Alex?" Ang pagbabago ni Karla sa usapan. Nakikita kong may bitterness pa rin sa kanyang pananalita pero hindi ko na lang pinansin. I know how painful it is na malaman na ang taong gusto mo ay kaibigan mo ang gusto.

"Wala naman kaming relasyon ni Alex" ang walang gana kong sagot. Wala naman talaga kaming relasyon. Hanggang crush lang naman ako sa kanya. Mahirap mag-ambisyon ng mataas. Baka bigla akong bumagsak.

Napairap sa ere si Jam sa naging sagot ko "Kailan mo ba balak mag-confess kay Alex, kapag natuto nang lumipad ang baboy?" Sabay tingin kay George na binigyan lang siya ng masamang tingin. Minsan iniisip ko baka may namamagitan na sa kanilang dalawa.

"Hindi naman. Pwede na rin siguro kapag natuto nang maglakad ang isda" ang pabalang kong sagot na nagpatawa naman sa kanila. Honestly speaking, wala talaga akong balak umamin kay Alex. Lalo pa ngayon at unti-unti ko nang nari-realize kung hanggang saan lang ba talaga ako pwedeng lumugar.

Syempre charot lang, lahat ng tao may tinatagong kalandian sa katawan. Aamin din ako sa kanya kapag kumapal ang mukha ko. I mean, kapag kumapal pa lalo kasi makapal naman na ang mukha ko.

"If you never confess, then that might bother you for a while and baka magsisi ka lang na hindi mo pa nasabi ng maaga sa kanya. If you say it out, you atleast get a closure" Ang biglang seryosong sabi ni Karla habang nilalaro sa kamay niya ang binili niyang iced coffee. May point naman siya. Siguro nga kailangan ko ng magconfess sa kanya. At least pagni-reject niya ako ay makakapagsimula na akong mag move on.

Matapos naming magchismisan ay nauna na si Jam at George papasok sa classroom. Nagpasama kasi sakin si Carla para bumili ng icecream. Tatanggi sana ako pero sinabi niyang ililibre niya rin ako kaya g na agad, bawal tumanggi sa grasya lalo na't minsan lang manlibre itong si bakla.

"Uy. Andito pala kayo?" Nagulat naman akong napalingon sa nagsalitang si Alex. May hawak din siyang 450mL na cookies and cream tulad ng sa amin. Ang nakapagtataka lang ay dalawa ang binili niya. To whom is he going to give that?

"Aba, lagi na lang tayong nagkikita. Sinusundan mo siguro ako" ang pabirong bati ko naman sa kanya. Seriously, sa mga nakaraang araw ay lagi na lang siyang sumusulpot sa kung saan mang lupalop din ako napapadpad.

Napakamot naman siya sa batok niya habang nakangiti. "Anyway, pabalik na rin kasi kami sa school. Sabay ka na lang sa amin, Alex" ang nakangiti namang aya sa kanya ni Karla.

At ganun nga ang nangyari. Sabay-sabay na kaming lumakad pabalik sa school. May mga moments na nauuna akong maglakad sa kanila dahil init na init na ako. Ang bagal pa naman nilang maglakad.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa senior high school department ay humiwalay na ng landas sa amin si Alex. Nakangiti siyang kumaway sa amin. Then I noticed something. Wala na siyang hawak na plastic. Naubos niya agad iyong dalawang icecream habang naglalakad kami?

Pagpasok namin ay nadatnan na namin ang teacher namin na nagseset-up ng kanyang projector. Maswerte kami kasi hindi pa siya nakakapagsimulang magturo. Nakakahiya pag nagkataon na late kaming pumasok.

Our lesson is all about the volcanic eruptions na naganap na sa kung saan-saang lupalop ng bansa. Frankly speaking, IT IS NOT MY TYPE. I would rather write a poem kaysa mabaliw dito. And that exactly is what I did. Palihim kong sinimulang magsulat ng tula.

Isang ibon sa alapaap ang pakiramdam sa tuwing nasa iyong tabi.

Malayang lumilipad at abot-langit ang ngiti ng aking mumunting labi.

Sa matatamis mong salita ay labis ang tambol ng puso kong nagbubunyi.

Dulot ay kilig sa tuwing ako'y itinuturing mong isang napakagandang binibini.

.

Sampung mga daliri sa kamay at sa paa.

Dalawang tainga at sa'yo lang nakatutok ang aking mga mata.

Maliliit na ngipin ay sumisilip sa tuwing ika'y aking nakikita.

Tumitiklop ang dila na tila ba nahihiya kapag ikaw na ang aking kasama.

.

Hindi ko man makuha ang tamang tono kung paano ako magtatapat ko sa'yo.

Hirap man akong pag-tugmain ang isinusulat kong mga liriko.

Walang mang tamang sukat ang mga talinhagang sayo ay ini-aalay ko.

Pero katulad ng isang mangmang ay pangalan mo lang ang alam isigaw ng puso kong baliw sa'yo

After the long tiring classes ay sabay-sabay na kaming naglalakad palabas ng school. Hindi pa rin ako satisfied sa tulang ginagawa ko that is why my notebook, as well as my writing pen are still on my hands.

Ang hirap mag-isip ng ilalagay ko sa susunod na taludtod. This is just a proof na kahit may inspiration ka sa paggawa ng tula ay hindi pa rin ganon kadaling humanap ng tamang tugma.

Dahil sa frustration ay isinulat ko na lang ang pangalan ni Alex sa baba ng tula. I also put a cute heart beside his name saka ko ito pinirmahan.

I was about to put my notebook inside my bag nang may bigla na lamang humablot dito. It was Alex. "Oy akin na nga yan!" Ang pilit kong pag-agaw sa notebook ko pero hindi ko talaga maagaw. Sa halip na tumigil ay binasa niya pa ito ng napakalakas. Nakakahiya.

Napakunot ang noo niya nang mabasa niya ang pangalan niya sa dulo. "Teka, para sakin ba 'to" inagaw ko agad ang notebook ko at patakbong lumayo sa kanila. My friends even tried na tawagin ako but I just ignored them.

It's a good thing na nakita ko agad sa labas ang driver namin kaya agad akong sumakay sa kotse.

Admiring Mr. EIC (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon