Leigh's POV
"Huwag kang takbo ng takbo, anak. Baka madapa ka." Ngayon lang ulit ako nakapunta rito sa park. Kung saan maraming ina ang humahabol sa mga anak nila. Ngayon lang ulit ako nakalabas ng mag-isa after ng graduation namin.
Nagpaalam ako sa parents ko na lumabas muna para i-enjoy ang natitira kong oras dito. I am not going to die, lilipat lang ako sa apartment na tutuluyan ko for college. And when I say "ko" it means na ako lang mag-isa. Ito na ang tamang oras for me to be independent. Both sa parents and friends. Kung may kaibigan pa nga ba ako.
I enjoyed every moment of this day. I did shopping alone, buying all the things that are on trend. I watched the latest movie in the cinema alone, those that have good reviews from the netizens. Kinain ko lahat ng favorite food ko without someone to share to. Yeah, it is not being lonely, it is called "Satisfying your self independently"
Iba ang saya na hindi nakadepende sa iba. Mas malaki ang chance na hindi ka mapaglaruan at maloko, if you get what I mean. I am not being bitter here, tulad nga ng sinabi nila, happiness is a choice, and I choose to remove toxic people in my life in order to be happy.
"The program is about to start. Tinatawag po ang lahat ng performers na magpunta na po sa backstage. Thank you" Anunsiyo ng emcee ng event na ito. "Talinghaga ng mga pinaasa"
I just saw their tarpaulin earlier and I decided to join. Hindi naman ako pina-asa considering that I am the one who assumes too much. Pero nagbigay siya ng motibo. Pero hindi niya ako pina-asa. Well, sort of.
I decided to join not for the price kundi para mailabas ko ang sama ng loob ko. I've been aloof to everyone since that day. From then I taught to myself not to depend my happiness to anyone. Hindi niyo ako masisisi, I've never been in love this way before, neither being hurt by someone this much.
Marami ang mga manunulang sumali dito sa event na ito. Karamihan sa kanila ay mga kababaihan at kabaklaan. Obviously dahil sila naman talaga ang madrama pagdating sa ganitong mga bagay. Hindi ko naman sinasabi na boys are the ones to be blame when it comes to this topic. Nagkataon lang kasi na sila ang naging paksa ng mga sumali rito.
Magaganda ang mga piyesa nila at mararamdaman mo 'yong sakit sa bawat bigkas nila ng salita. Some of the performers even break down dahil sa emotion. Sayang, maganda pa naman ang performance nila, hindi nga lang nila natapos. I just hope na hindi ako matulad sa kanila mamaya.
I texted them, my friends, former friends, including Karla na pumunta rito ngayon. Alam kong pati si Alex ay pupunta rin para samahan ang girlfriend niya. Hindi ako galit sa kanila. I am not against their relationship. Kung may bitterness man siguro sa akin ay konti lang. At dahil iyon sa pagiging assumera ko.
Tumayo ako ng tuwid. Huminga ng malalim at hinanap ang mga taong minsan nang naging parte ng maliligayang araw ko. Nang makita ko sila ay ngumiti ako sa kanila at ipinikit ang mga mata ko. Sinimulang namnamin ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ko.
"Naa-alala mo pa ba?"
"Mga bilang na isa, dalawa hanggang lima?"
Mga pariralang gasgas na sa iyong mga talinghaga.
Ngayon nga'y buksan mo ang iyong tainga at hayaan mong ako naman ang magsalita.
.
Makinig ka, makinig kayong dalawa.Kayong mga insekto't palaka sa aking mga mata.
Kayong binigyan ko ng napakalaking tiwala.
Ikaw na minsan nang nagbigay sa akin ng ligaya sa bawat ala-ala at hiningang aking ibinuga, makinig ka.
.
Oo totoo, aaminin ko sa bawat taong naririto.Masarap sa pakiramdam ang pagkakaroon ng kaibigang totoo.
Makakasama mo sa tawanan at mapagkakatiwalaan sa mga pinakatatago mong sikreto.
Pero hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa kaibigan mong "totoo"?
.
Masaya kaming nagtatawanan nang araw na nasilayan ko ang iyong mga mata.Mga mata na kumikislap dahil sa pagtama rito ng liwanag na sa araw nagmumula.
Kasabay niyon ang mga labi mo ay bigla kumurba at inilabas ang ngipin mong napakaganda.
Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla akong natulala, napanganga sa kakisigan mong dala-dala.
.
Ang buong akala ko'y sa panaginip na lang kita malalapitan at ang kamay mo ay imposibleng aking mahawakan.Pero lahat ng iyon ay nagbago nang ako'y iyong lapitan at muling nginitian.
Kasabay ng pagkaway mo sa iyong kamay ay ang pagsabog ng aking nararamdaman.
Sa pag-abot mo sa akin ng baunan, na ang napakasarap na hotdog ang laman saya ang aking naramdaman
.
Isang ibon sa alapaap ang pakiramdam sa tuwing ako'y nasa iyong tabi.Malayang lumilipad at abot-langit ang ngiti sa aking mumunting labi.
Sa matatamis mong salita ay labis ang tambol ng puso kong nagbubunyi.
Dulot ang kilig sa tuwing ako'y itinuturing mong isang napakagandang binibini.
.
Hindi ko makuha ang tamang tono kung paano ako magtatapat sa'yo.Hirap akong pag-tugmain ang mga isinusulat kong liriko.
Walang tamang sukat ang mga talinhagang sayo ay ini-aalay ko.
Pero napawi ang paga-alinlangan ko nang sabihin mong "malay mo may pag-asa ang tayo"
.
Nang minsang pumasok ako sa silid aralan ako'y biglang nagulat.May nakapatong na isang bagay sa aming lamesang napakaraming kalat.
Isang bulaklak na nagpanatili sa aking nakamulat.
"Bulaklak para sa taong nagbibigay sa akin ng galak" ang nakasulat.
.
Naging masaya ang ala-alang pinagsaluhan nating dalawa.Nahulog ako sa mga kakornihan mo at kinagat ang banat na iyong sinasalita.
Hanggang sa narinig ko ang pagtatapat mo sa kanya.
Nawasak ang pangarap kong buhay para sa aking dalawa.
.
Binalikan ko ang mga sandaling tayo ay masaya.Ang hotdog na pinagsaluhan natin ay tira-tira lang pala niya.
Ang mga binibili mong sorbetes na paborito nga pala naming dalawa.
Ang lagpas-lagpas niyang lipstick na ikaw pala ang may gawa at ang bulaklak na para sa kanya pala.
.
Hindi ako nagising sa kapeng may matapang na lasa.Pinanghawakan ko ang mga bibitawan mong kataga.
Umasa lang pala ako sa mga talinhaga mong nakakatanga.
Bakit ko nga ba nakalimutan na magaling kang maglaro ng salita at ako ang paksang biktima ng iyong pagka-makata.
BINABASA MO ANG
Admiring Mr. EIC (Completed)
Short StoryHugging myself as the breeze of cold air touches my skin. We barely see the vehicles passing by as the heavy rain continues to pour. "Why don't you pursue mass communication? Your writings are great" says Alex. I can tell that he's really trying his...