2

47 9 2
                                    

Leigh's POV

Nandito ako ngayon sa library. Dito kasi ang paborito kong tambayan lalo na kapag breaktime. Hindi ako sumasama sa mga kaibigan ko sa canteen hindi dahil sa wala akong pera kun'di dahil sa masyadong mahal ang mga pagkain doon at paulit-ulit lang naman ang mga nasa menu, nakaka-sawa.

Sa sayang nadarama ko ay sinimulan kong umawit

Kahit na wala sa tono at suklay lang ang mikroponong gamit.

Walang katumbas ang ngiti na umaabot hanggang langit

Maliligayang tagpo sa tuwing ako'y mahimbing na nakapikit.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng isusulat para sa susunod na taludtod nang bigla na lamang may humablot ng notebook ko. "Hoy! Akin na nga ya-" naputol ang dapat na sasabihin ko nang mapagtanto ko kung sinong humablot ng notebook ko. Ang nakangiting si Alex.

"Bawal sumigaw dito" ang sabi naman ng librarian na nagpahagikhik sa taong kaharap ko. "Sorry po, Ma'am" Magalang na paghingi nito ng paumanhin. Ang cute niyang tignan habang nagkakamot sa batok niya habang nakangiti. Hindi talaga ako magsasawang titigan itong mukhang kagaya nito.

Bago ko pa man siya marape sa utak ko ay pinutol na niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Ang galing mo pa lang gumawa ng tula?" Ang nakangiti pa rin niyang turan habang nakatingin sa notebook ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi naman sa first-time ko siyang makausap ngayon, nahihiya lang talaga ako kasi crush ko siya.

"Hindi naman. Marunong lang" Ang nahihiya kong tugon. Nakaka-flatter isipin na pinupuri ako ng EIC, na crush ko pa! Legit 'yong kilig. Teka nga, "Bakit ka pala nandito?"

"Ah, nakita ko kasi 'yong mga kaibigan mo kanina sa canteen, sabi nila nandito ka raw sa library kaya pinuntahan kita." Sagot niya sabay kamot na naman sa batok niya. "Ay, ito nga pala" out of nowhere ay bigla na lang niyang nilabas iyong hotdog niya. I mean, iyong baon niyang hotdog. Which is sa kanya, so hotdog niya. Hays ano ba 'tong nasa isip ko.

"Para san 'yan" Bobo ko talaga, malamang para kainin. "Nabanggit mo kasi noong pumunta kayo kila Jam na favorite mo ang hotdog kaya 'yan, nagbaon ako para sayo." Nakangiti niyang sagot. Ewan ko, feeling ko tuloy ay may gusto rin siya sa akin. Charot.

Nahihiya man ay tinaggap ko na iyong hotdog niya, mukha namang masarap e, tsaka masamang tumanggi sa grasya. "Salamat, gusto mo share na lang tayo? Marami kasi, hindi ko mauubos 'to" Pero ang totoo ay gusto ko lang talaga siyang makasamang kumain. Share kami ng crush ko sa hotdog kahit na bawal kumain dito sa library.

Nang maubos na namin 'yong hotdog ay may inilabas na naman siya sa dala niyang bag na water bottle. Iisa lang ito do obviously ay share na naman kami. Ready na ako sa indirect kiss naming dalawa.

Pinagmamasdan ko lang ang mga galaw niya, mula sa pagbukas niya sa bottle hanggang sa paglagok niya, ang pagtaas-baba ng adam's apple niya sa bawat paglunok niya. Hanggang sa bigla na lang akong napanganga nang mapagtanto kong naubos na niya 'yong tubig. Seriously? Akala ko pa naman ay bibigyan niya ako ng tubig.

"Ahm, wala ka na bang tubig?" Ang awkward na tanong ko sa kanya. "Ha? Wala na e. Isa lang binili ko kanina. Bakit, wala ka bang baong tubig?" Ang unaware na tanong niya. Hays, kanina lang feeling ko gusto na niya ako. Ngumiti na lang ako kunwari sabay labas ng drinking bottle ko at uminom.

Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na kami sa kanya-kanyang room namin dahil tapos na ang breaktime.

Tila wala sa huwisyo akong lumilipad sa alapaap habang nagdi-discuss ang teacher namin. Iniisip ko pa rin iyong pagbigay sakin ni Alex ng hotdog. Nakakainlove siya sa part na 'yon. Huwag lang nating isipin iyong tubig na inubos niya.

"Uy, makinig ka. Nagde-daydream ka na naman diyan. Ano, tungkol ba 'yan kay Alex?" Kalabit sa akin ng katabi kong si Karla habang nakangiti. Nginitian ko rin siya pabalik bago sumagot. "Ang pogi niya"

"Tinamaan ka na nga" iiling-iling na sabi ni Carla.

Nang matapos ang klase namin I've decided na dumaan muna sa isang convenient store para bumili ng icecream. Wala lang, nagcrave ako bigla e.

Nag-iisip ako ng malalim habang kaharap ang dalawang flavor ng icecream na napupusuan ko. Cookies and cream at tsaka vanilla. Dahil sa ayaw ko namang mapahiya sa sobrang tagal ko mamili ay ibinalik ko na sa lagayan ang vanilla at binayaran na sa counter ang napili ko.

Habang nilalantakan ang bibili kong icecream ay sinimulan ko nang maglakad papuntang paradahan ng jeep. Nagtext kasi sakin si ate na walang susundo sa akin ngayon dahil nag-leave si Kuya Regie, driver namin. Sinabihan din ako na iwasang magpagabi dahil laganap na sa kahit saang lugar ang mga taong halang ang sikmura.

"Ay ampalaya!" Napasigaw kong sabi kasabay ng pagkahulog ng nangangalahati pa lang na icecream ko. Paano ba naman kasi ay may bigla na lang bumusinang motor sa gilid ko.

Paglingon ko sa taong nakamotor ay siya na pagtanggal niya ng suot niyang helmet kaya ko siya nakilala. "Alex?"

"Pauwi ka na ba? Sabay ka na sakin" ang nakangiting alok niya. Napaka-angas niyang tignan sa itsura niya ngayon, lalo na at napaka-tamis pa ng ngiti niya.

"Ah, hindi na. Magji-jeep na lang ako. Baka abutin ka pa ng gabi kapag inihatid mo pa ako" ang nag-aalangang sagot ko. Totoo naman, malayo ang bahay namin sa subdivision nila. Kapag inihatid pa niya ako ay siguradong gagabihin na siya sa daan lalo na kapag inabutan siya ng traffic.

"No, I insists. Tsaka ikaw naman ang gagabihin sa daan kapag inantay mo pang makasakay ka sa jeep. Lalo na at maraming nakapilang pasahero. Makikipag-siksikan ka pa" Ang pamimilit niya sa akin. May punto naman siya sa sinabi niya. Tsaka curious din ako sa feeling kapag nakayakap ako sa kanya kaya hindi na rin ako naginarte pa. "O sige"

Siya na mismo ang nagsuot ng helmet niya sa ulo ko at saka ako pinasakay sa motor niya. "Kumapit ka sa akin" Turan niya bago patakbuhin ang sasakyan. Ginawa ko naman ang sinabi niya, actually niyakap ko pa siya. Wala nang hiya-hiya, chance ko na 'to e.

Admiring Mr. EIC (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon