Chapter Two: (" Mortal's World ")

2 3 0
                                    




Angelica POV

"Kay ganda pala talaga ng mundo ng mga mortal, Prinsesa."

Saad ni Betty. Ngumiti na lamang ako at hindi na sumagot. Talaga ngang kay ganda ng mundo ng mga mortal at kakaiba ito sa aming mundo.

"Prinsesa, saan po tayo titira dito sa kalupaan?"

Napaisip ako sa tanong na iyon ni Betty. May punto sya, wala kaming alam na pwedeng pagtuluyan dito.
Naalala ko si Darius. Ang pagkakaalam ko ay may kaanak syang naninirahan dito sa mundo ng mga mortal.

"Alam mo ba kung saan matatagpuan ang isa sa mga kaanak ni Darius?"

"Ah, tama 'ho kayo. Alam ko 'ho kung saan iyon."

"Kung ganun ay bilisan na natin."

Maya-maya pay nakarating narin kami sa lugar kung saan nakatira ang kaanak ni Darius.

Kumatok ako sa pinto ng isang bahay at bumungad sa akin ang isang babaeng may edad na.

"Kayo 'ho ba ang kaanak ni Darius?"

Ngumiti lamang sya sa akin.

"Kung hindi ako nagkakamali ay kayo ang Mahal na Prinsesa, tama ba?"

Kilala nya ako marahil ay nakatira na sya dati sa aming mundo.

"Tama 'ho kayo, ako nga po."

"Pumasok muna 'ho kayo at malamig dito sa labas."

----------------------------------
Note:
Sa Korea po ang scene ng story and Winter na po at that time. Skl.. 😉😉😉 So, iyon balik na tayo sa story.

--------------------/- ---/--------/--

"Maupo 'ho kayo, Prinsesa."

"Salamat po." tapos umupo na kami.

Tahimik lang kaming lahat dahil kapwa nagkakahiyaan. Mabuti at binasag iyon ni Betty.

"Ahm, maari po ba kaming manuluyan dito hanggang sa matapos ng Mahal na Prinsesa ang kanyang Misyon dito sa lupa?"

Ngumiti ng bahagya ang matanda.

"Iyon lang ba? Pwedeng pwede, kahit anong oras nyo gusto. Tutal ay ako at ang anak ko na lang ang nakatira dito."

"Maraming salamat po! Huwag po kayong mag alala dahil hindi kami magiging pabigat sa inyo."

Natawa ang matanda dahil sa sinabing iyon ni Betty. Maski ako ay hiyang hiya sa mga sinabi nya.

"Hay, naku! Wala yun sakin.. tungkulin ko na pangalagaan ang prinsesa bilang sya ang prinsesa."

Mas lalo akong nahiya dahil sa sinabing iyon ng matanda.

"Maari ko po bang malaman ang inyong pangalan?"

Tanong ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.

"Gloria, gloria po ang aking pangalan , Prinsesa."

"Ah, ganun 'ho ba?"

Maya maya ay may dumating na babae na tila kasing edad ko lang.

"May mga bisita pala tao, Nay. Sino sila?"

Kakaibang magsalita ang isang 'to, tila kasing edad nya lang ang kausap nya.

"Sya ang prinsesa sa mundo natin, at ito naman ang kanyang alalay."

Tumingin sya sakin at lumapit.

"Hi! Ako nga pala si Sharmaine."

Tapos inabot nya yung kanang kamay nya sa akin at hinawakan ko yun. At nag shake hand kami.

"Ako nga pala si Angelica."

Tapos binitawan na namin ang kamay ng isat isa. Tapos kinuha din ni Betty yung kamay ni Sharmaine.

"Ako nga pala si Betty. 😊 "tapos binitawan nya Ung kamay ni sharmaine.

"Maitanong ko nga pala, alam mo ba kung saan matatagpuan ang Montessory Academy?"

"Oo, bakit?"

"May kailangan kasi akong hanapin at doon ko sya matatagpuan."

"Ah, ganun ba? Doon ako nag aaral dahil scholar ako dun. Pwede kitang tulungang hanapin kung sino man sya pero kailangan mo munang mag aral doon para makapasok ka."

"Ganun ba? Paano?"

"Dont worry! Ako ang bahala. Pero kailangan natin ng malaking halaga ng pera para sa enrollment mo."

"Pera? Ano yun?"

"Pera, iyon yung ginagamit namin para makabili ng mga bagay na kailangan namin tulad ng damit, pagkain , mga gamit , etc."

"Ano ba ang hitsura nun?"

May kinuha sya sa loob ng kanyang damit at ipinakita yun sa akin.

"Ito ang hitsura ng pera."

"Ah, ganyan pala."

Gamit ang kapangyarihan ko ay gumawa ako ng pera na katulad ng hawak ni sharmaine.

"Oh, ito.. (inabot ko sa kanya)..Pwede na ba?"

Kitang kita ko ang pagkamangha nya na tila hindi makapaniwala.

"Wow! Totoo ba 'to? Parang totoo talaga!"

Ngumiti lang ako sa kanya.

"O, paano? Tara na?"

"Bukas na lang. Wala nang tao ngayon sa Campus."

"Ganun ba, sige."

Fighting For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon